The Opposites (Part 10)

17 0 0
                                    

I am not the most beautiful girl in the world nor the most amazing being ever made...but I am wonderfully crafted to be unique...different from anyone of you...I am IMPERFECT...which made me PERFECT.

***Lena's POV***

"Ingat ka ha. Tawag ka lang kung kailangan mo'ko." sabi ni Tristan sa akin. Ginulo niya pa buhok ko bago ako ihatid sa classroom ko. Matapos akong ihatid ay pumunta na rin siya sa classroom niya. Buti pa siya, inaalagaan niya ako...

"Hi Lena!" bati sa akin ni Shiela. Ang swerte ko talaga at kaklase ko siya. Lagi siyang tumutulong sa aming mga kaklase niya at magaling pa siyang mamuno. Ang sarap sigurong maging parte ng CHIKS. Pangarap ko iyon simula pa noong nakapasok ako sa paaralang ito, ang mapabilang sa mga matataas na uri ng tao...pero sino nga ba ako para maging isa sa kanila?

"Good morning Miss Shiela!" sabi ko habang yumuyuko. Bumawi naman siya sa pamamagitan ng isang magandang ngiti. AAH! Ang ganda niya talaga!

Pinanuod ko si Shiela hanggang sa malumanay siyang umupo sa upuan niya sa harap. Marami agad ang kumakausap sa kanya. Ang busy niya talagang tao. Maganda, matalino, palakaibigan, sikat, mabait at matulungin--package na siya ng isang perpektong tao. Kinaiinggitan siya ng lahat. Maski ako ay nais maging siya...haay...kung pwede lang.

"Tabi." sabi ng tao sa likod ko. Oo nga pala, nakaharang ako sa pintuan. "Sorry." sabi ko habang dahan-dahang humarap sa taong nasa likod ko. Si Angel. Tss...Wala talagang galang.

"Hmp!" inirapan ko na lang siya at nagdire-diretso sa upuan ko. Sa pinakalikod si Angel nakaupo dahil first of all, walang may gusto sa kanya at pangalawa, baka matarayan pa niyan lahat ng magtatangkang lumapit sa kanya. Kung merong most perfect creature sa classroom, meron ding most imperfect at si Angel na iyon. Total opposites si Shiela at si Angel kumbaga. Most loved si Shiela, most hated si Angel. Nararapat lang iyon noh.

May lumapit na girls kay Angel. "ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO NA SAKTAN SI JAZZ!" galit na sabi ng isa sa kanila. "Yeah. At pinahiya mo pa siya, you brat!""Stupid girl! Gusto mo talagang masaktan noh?!""Mas bagay pa si Lena kay Jazz kung di ka lang nangialam!" Ginigisa na nila si Angel pero ni hindi man lang sila nililingon ni Angel at nakatingin lang sa labas ng bintana. "HOY! MAKINIG KA NGA!!!"sigaw ng isang girl sabay sampal kay Angel. Hahaha! Yan ang bagay sa kanya!

"WAG NIYONG SAKTAN ANG PINSAN KO!" sigaw ni Shiela. Lumapit siya at inilayo ang mga babae sa harap ni Angel. Oo nga pala. Magpinsan nga pala sila. Nyametz! Nilapitan niya si Angel at hahawakan sa ang pisnging nasampal pero pinalo lang palayo ni Angel ang braso ni Shiela.

"TIGILAN MO NA NGA ANG PAGPAPANGGAP NA MAY PAKIALAM KA SA AKIN!!!" sinigawan ni Angel si Shiela at tumakbo palabas ng classroom. Walanghiya siya! Anong karapatan niyang sigawan ang idol ko ng ganoon!? WALA, WALA SIYANG KARAPATAN!

***

(to be continued)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Changed my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon