When I Met Ms. Nerdy (Part 8)

44 1 4
  • Dedicated kay Elisha Valino
                                    

They said you’re a social climber, a weakling, an unknown...and I'm telling you...I just don't care.

***Angel’s POV***

“Ipakita ninyo mga ID ninyo.” Utos ng guard sa mga kasabay ko sa pagpasok ng gate. Monday. Nakakaasar talaga! Bakit kasi kailangan ko pang pumasok eh parang wala rin lang namang nangyayari sa buhay ko. Dire-diretso akong naglalakad sa hallway na nakatingala. Chin-up kumbaga dahil hindi ko kakayaning ipakitang mahina ako at kayang-kaya nila akong tapakan.

“Ayan na naman siya.” “Ang yabang yabang niya talaga.” “Bitch iyan.” “Manloloko iyan.” “Ang feeling niyan, kala mo kung sinong maganda. Tss.” “Niloko niyan si Jazz, ung MVP natin!” “Yuck! Girl I think she’s pregnant na.” “OMG! She’s so dirty!” Ang daming nagbubulungan sa paligid ko. Tss. Bahala sila sa gusto nilang isipin. I just don’t care. Immuned na ako jan.

Habang naglalakad ako, may dumaan na group of girls sa harap ko. Ah, ung grupo ng Plastics.

*PLASTICS- grupo ng mga babae na mabait kapag nakaharap ka pero sinisiraan ka kapag nakatalikod ka na.

Naging kabarkada ko sila dati pero nalaman kong sinisiraan nila ako, lumayo na ako sa kanila. Tinuring ko silang mga tunay na kaibigan pero sila rin lang pala ang pasimuno sa paninira sa pangalan ko. Simula din noon ay wala nang nagtangkang makipagkaibigan sa akin, kung meron man, sisiraan nila ako sa taong iyon para layuan din ako.

Tawa ng tawa ang grupo ng Plastics at binunggo pa nila ako. “Oh, sorry! Nasaktan ba kita?” Tanong ni Debbie, ang leader na grupo. “Hindi. Okay lang.” Sagot ko para makaalis na. “Ayy wait Angel, pwede ikaw na gumawa ng thesis paper ko?” Tanong niya habang pinagmumukha niyang gentle ang mukha niya. “Sige.” Ang sabi ko na lang. Bago ako tuluyang nakaalis sa harap nila, napansin ko ang tuta-with-eyeglasses ng grupo nila na kawawang tagabuhat ng mga gamit nila at laging nasa likuran lang nila. Tsk tsk. Kawawang bata.

Pagpasok ko sa classroom, nakita ko naman ang mga Supot.

*SUPOT-grupo ng mga lalaki na sunud-sunuran sa mga Plastics at nananakit ng babae kung gusto nila. Mga bastos din ang lumalabas sa bibig.

Busy silang nagtatawanan sa mga di makabuluhang mga bagay kaya mas maganda nang di ko na lang sila pansinin. Mga supot kasi sila.

Yeah right. Ang sarap talagang pumasok. Tsk tsk. Basurero anyone?

***Sheena’s POV***

“Shee, pabuhat na rin ito please?” Sweet na sabi ni Veronica.

“Hey Ronnie! Look at those cute guys!” tili ni Mylie.

“Let’s go talk to them na!” kinikilig na sabi ni Amethyst.

“Akin ung maputi!” sabi ni Deborah.

“Akin ung matangkad!” tili naman ni Ofelia but also known as Ellie

Nasa mall kami ngayon ang nagshoshopping nang Makita nila ung grupo ng mga gwapong lalaking iyon. Grabe! Nagtitili na sila. Kami pala ang grupo ng D.R.E.A.M. Girls. D as in Debbie, R as in Ronnie, E as in Ellie, A as in Amy, and M as in Mylie.

            “Oh sorry Shee, we forgot to include your name.” sabi ni Debbie.

            “Sorry pero the name was so fabulous na eh. It’s ugly naman kung DREAMS diba?” sabi naman ni Ronnie.

            “Hindi okay lang. Ang ganda nga ng DREAM eh. Hehe!” sabi ko na lang.

Ang saya nilang kasama. Tawa sila ng tawa at pasyal pa ng pasyal. May mga lugar akong napupuntahan na hindi ko pa alam dahil sa kanila. Loyal friend nila ako kaya ginagawa ko ang lahat para sa kanila. At pansin ko naman na maalaga sila sa figure nila at hindi nila bagay ang magka-muscles sa braso at legs kaya ako na lang ang pinagbubuhat nila ng mga gamit nila. Proud ako kasi parte ako ng DREAM girls. Hehe!

Lumapit kami sa mga lalaking nakakalula ang kagwapuhan at tangkad. Grabe! Ang hhaaaawwwtt nila! Si Debbie, nakuha agad ang atensyon nung pinakamaputing lalaki. Si Mylie naman ay nakakapit na ang braso sa maskuladong lalaking naka-green na polo. Si Ellie hawak na agad ang phone at mukhang nakikipagpalitan na ng phone number sa matangkad na guy. Si Ronnie agad naming nagpa-cute sa singkit na Korean-like guy. Nagulat na lang ako nang biglang may papalapit na cute na naka-bowtie na guy. Ang CUUUUTTTEE niya!

“Uh—h-hi!” Sabi kong ninenerbiyos. Ito na ba? Siya na ba ang Prince Charming ko??? AAHH!!

“Hi rin Shee! Pwede ba pabili kaming sampu ng drinks? Thanks!” buong pagkadismaya ko nang marinig si Amy na nagsalita. Nakakapit na pala siya sa bowtie guy, di ko man lang nakita. Lahat na sila may partner, ako ulit ang wala. Akala ko fairytale come true na…

“Heelllooo??? Shee? Are you okay? Sabi ko pabili ng drinks.” Iritado nang sabi ni Amy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Agad-agad naman akong tumakbo sa KFC at nag-order ng sampung iced tea.

Tinignan ko wallet ko. LINTEK! Kulang pera ko!!! “Uhmm…” kinakabahan na ako, “Miss, may pupuntahan lang ako sa labas ha.” Kailangan kong humingi ng pera sa kanila! Pagtingin ko sa labas, wala na sila sa pwesto nila kanina. LAGOT! Nanginginig na ako. Anong gagawin ko? Tatakas? Eh paano kung nahuli nila ako eh mabagal pa man din ako kasi marami pa akong dalang drinks…tapos poposasan nila ako…tapos pagtitinginan ako ng mga tao…tapos dadalhin ako sa DSWD…tapos itotorture ako ng over to the max…tapos masisira na ang beauty ko…tapos wala nang manliligaw sa akin kasi ang pangit ko…tapos tatanda ako ng dalaga…tapos mamamatay na virgin pa rin… OH NO!!! Hindi dapat nila ako mahuli! Tumutulo na ang pawis ko at nanginginig na ang tuhod ko habang nakatingin ang cashier sa akin at naghihintay ng ibabayad ko. Ramdam ko na rin na pinagtitinginan na ako ng mga tao at naiinip na ang mga nasa likod ko. Hanap ako ng hanap ng pera kahit Alam kong wala talaga. Grabe! Sana magmelt na lang ako dito!!! HEEEELLLPPP!!! I’m gonna die!!!

***

(to be continued)

You Changed my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon