A Father's Love (Part 3)

74 1 0
  • Dedicated kay John Rolph Callanta Vergonia
                                    

I can endure all things for you. Look at me now, am I not better? Oh, let's just escape this bitter world, can we?

***June's POV***

Lumipas na ang ilang pasko pero wala ka pa rin sa tabi ko. Sana masaya ka ngayon, Mai-mai.

Ang daming mga tao ang dumadaan. Halos lahat nakangiti. Bakit? Pasko eh. Ano nga ba ang pasko? Ang sabi, ito ang pagdating ni Hesu Kristo, ang tagapagligtas. Kailan Niya kaya ako maililigtas? Andito ako ngayon sa gilid ng kalsada, dito ko ipagdidiwang ang pasko ko. Marami kasing mga ilaw-ilaw dito na para bang sinasabing may pag-asa pa para sa lahat, tumingin lang kayo sa liwanag. Pero...maibibigay kaya ng Diyos pag-asang iyon kung ang tanging paraan para matuto akong umasa muli ay ang makita si Mai-mai? Hindi. Hindi na ako umaasa sa kanya.

Tumayo na ako mula sa kartong aking inuupuan. Kailangan kong mabuhay para kay Mai-mai. Kailangan pa niya ako. Nag-ikot ikot na naman ako sa Plaza, nagbabakasakaling matagpuan si Mai-mai... kahit mahirap nang umasang makikita ko pa siya, buhay man o patay. Kailangan ko siyang makita. Kailangan niya ako.

Nasaan ka na ba Mai-mai? Andito na si kuya. Marami na akong pera. Bili na tayo ng gatas mo.

Oo, marami na akong pera. Inipon ko ito. Ginawa ko ang lahat para lang magkapera...galing man ito sa masama, pera pa rin ito.

Mag-uumaga na nang tumigil ako sa pag-iikot sa buong bayan. Dumiretso ako sa bahay ng kasamahan ko sa fraternity. Siya ang founder kaya walang pumapalag sa kanya. Kahit man ako ay natatakot sa kanya ngunit hindi ko iyon dapat ipakita. Wala siyang puso. Lahat binabangga niya kaya pati ang ama niya, hindi pumapalag. Pero ibang klase ang ama niya. Pumasok ako sa loob ng bahay. at nakita ko si Antero, ang ama ni Tristan, ang founder ng frat. Kita pa rin sa kanyang nakangiting mukha ang pait ng nakaraan. Hindi makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw na lumuhod ang ama sa harap ng kanyang anak.

*flashback*

"Ipasok na ang mga gustong sumali." utos ni Tristan. Agad namang sumunod ang mga baguhan sa aming kapatiran. Maraming mga batang  nais sirain ang buhay nila ngunit may isang kapansin-pansin, isang may-edad na lalaki. Nang makita namin siya, lahat kami natawa. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking iyon. Ang ibig ko palang sabihin sa lahat ay lahat ng taong naroroon, maliban kay Tristan. Seryoso ang kanyang anyo.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tristan na parang may halong galit sa kanyang anyo. Maaari kayang...kilala niya itong matanda sa harap namin?

"Anak..." Iyon lamang ang nabanggit ng matanda. Mag-ama sila? Ngunit mukha namang maamong parang tupa ang lalaki. Imposibleng ang isang satanas ay magkakaroon ng amang tupa.

"HUWAG MO AKONG MATAWAG-TAWAG NA ANAK DAHIL HINDI KITA AMA! P^#^%*!$@ MO!" Galit na sigaw ni Tristan. Sinugod niya ang kanyang ama at kinwelyuhan. "GUSTO MO BA TALAGANG MAMATAY TANDA?!"

"G-gusto ko lang m-mapalapit sa iyo..." nangingislap na ang mga mata ng matanda ngunit kita pa rin sa kanyang katauhan ang katatagan. Ngunit kakaiba talaga si Tristan. Binitawan niya ang kwelyo ng matanda atsaka tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Nagpapatawa ka ba?? Ang mga pwede lang sumali dito ay ang mga matatapang at mga malalakas hindi gaya mo na walang kuwenta at mahina!!!" Sigaw ni Tristan. G*** talaga itong lalaking ito. Haha!

"Parang awa mo na anak, kung ito lang ang tanging paraan para mapalapit sa iyo muli..." nagsusumamo ang boses ng matanda.

"Gusto mo talagang mamatay?? Puwes, tanggapin mo ito!" dumampot si Tristan ng pamalo at ipinalo sa binti ng matanda. Napaluhod naman ang matanda sa sakit ngunit tiniis niya ito. Sunod naman ay tinira ni Tristan ang likod ng matanda. Nagpwestong parang aso na siya ngunit patuloy niyang iniinda ang sakit. Kita na ang mga kumikislap ng tubig mula sa kanyang mata, mga luha na hindi dahil sa sakit na natatamo sa katawan ngunit sa sakit sa puso na unti-unting kinakain ang kanyang paggalang pati sa sarili.

"MAMATAY KA NA!" Sigaw ni Tristan sabay tira sa ulo ng matanda, malapit na sa batok. Dahil sa lakas ng tira ay napahilata na ang matanda at nagasgasan ang mukha dahil sa pagkakadikit sa semento. Nang makita ito ni Tristan, agad siyang lumapit at inapakan ang mukha ng kawawang matanda.

"Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng amang mahina!!! Wala akong pakialam sa iyo tanda!" sigaw niya habang patuloy niyang pinapalasap sa matanda na nakalagapak sa sahig ang buong pagkatao at dignidad nito ngayon. Nais niyang ipakita na mas malakas pa siya sa sariling ama.

Tumigil siya sa ginagawa. "Umalis ka na tanda bago pa ako mapikon sa iyo!" Tumalikod na si Tristan. Pinilit namang tumayo ng matanda... ngunit mahinang mahina na siya. Nakaluhod at lumuluha niyang sinabi, "Patawad anak... kung hindi ko nagawang gampanan ang pagiging ama ko... ngunit... gusto ko talagang sumali sa grupo niyo... para kahit man lang sa ganoong paraan... mapalapit ako sa iyo..." Bakas ang pagsisisi at paghihinagpis sa kanya ngunit... BAKIT TULOY PA RIN SIYA SA PAGPAPAHIRAP SA SARILI?? Hindi ko na talaga maintindihan ang matandang ito...

Nakita ko ang ngiti sa gilid ng mukha ni Tristan. Ang loko, may masama na namang binabalak. Tsk tsk.

*end of flashback*

Ngayon sa nakikita ko sa mukha ni Antero ay nakangiting bibig ngunit... ang mga mata niya... kita ang paghihirap... nang dahil sa sariling anak..

Maswerte ka Tristan sa ama mo. Hindi ko man alam kung bakit mo siya kinamumuhian ngunit alam ko at kitang-kita ko na mahal ka niya. Maswerte ka... maswerte ka...

***

(to be continued)

You Changed my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon