Heartless Angel (Part 4)

52 1 0
  • Dedicated kay Pamela Beatriz Concepcion
                                    

 I am imperfect, I know. I am selfish, dishonest, ungrateful, envious, anxious and self-centered. But I just don't care what other people say.

***Angel's POV***

"Break na tayo." Walang emosyon kong sinabi. Nagulat si Jazz nang marinig iyon. Magkaharap kaming nakaupo sa McDo, sikat na fastfood chain. Kain lang ako ng kain ng burger ko na may french fries at tomato ketchup sa loob samantalang hindi na makagalaw ang tao sa harap ko.

"Joke ba iyan? Pick-up line?" Tanong niya nang matagpuan ang boses. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala at hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

Tumingin ako sa kanya. "HAHAHA!! Ano ba yang mukha mo, masyadong seryoso! Haha!!" Sabi ko nang makita ang reaksyon niya. Ngumiti siya sa sinabi ko at mukhang nakahinga ng maluwag.

Nang makita ko iyon, tumayo na ako agad. Tumayo na rin siya.

"Aalis na ba tayo?" tanong niya.

"Hindi. Ako lang. Maiwan ka. Break na nga tayo diba?" Sabi ko na walang emosyon.

"Babe, hindi na nakakatawa." Seryoso at naiiyak nang sabi niya.

"Bakit? Mukha ba akong nagpapatawa?" Matapos niyon ay sinimulan ko nang maglakad. Nilampasan ko lang siya na parang hindi ko na siya kilala.

"BABE!!" sigaw niya. Nanginginig na ang boses niya. Parang...

"Umiiyak ka?" Sabi ko sabay tingin sa kanya. Tama nga ako umiiyak siya ngunit ang ikinagulat ko, nakaluhod pa siya. Sa loob-loob ko, tuwang-tuwa ako sa ginagawa niya. Imagine, niluluhudan pa ako ng mga lalaki. At isa pa itong dumagdag sa mga napaiyak ko na. Grabe! Na-eenjoy ko itong larong ito.

"P-please...wag...m-mo...akong...iwan.." Dahan-dahan niyang sinabi. Kawawa naman ang itsura niya. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. Nakakahiya talagang kasama itong lalaking ito. Nakakaasar!

Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Mahiya ka nga sa balat mo! Tingin mo ba, pwedeng magsama ang isang hampaslupa na tulad mo at isang magandang tulad ko. Sheeessh!! Nakakahiya ka! Ang cheap mo para dalhin ako sa mga lugar na ganito! Yucks! Nandidiri na ako sa iyo. So... DON'T YOU EVER GET NEAR ME AGAIN!"

Lalo siyang naiyak. How pathetic.

Iniwan ko na siya. Habang naglalakad, napaisip ako kung ilan na nga ba ang napaiyak ko. Nakakatawa talaga kapag lalaki ang umiiyak. Kaya nga lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko na huwag nilang iyakan ang mga lalaki. At mas lalo kong ipinapaalala sa kanila na kapag pumasok sa isang relasyon, laging dapat mauna ang babaeng makipagreak bago pa siya iwan ng lalaki. Nakakahiya kaya iyon. Panira ng pride noh!

PRIDE. Iyon ang dapat ipinapairal. Walang naloloko o nasasaktan kung uunahin mo muna ang sarili mo. Aba! Kapag binabaan ko ang pride ko baka isipin ng mga tao, cheap ako noh!

LOVE. Hindi ko iyon alam. Kahit na maraming tao na ang bumabanggit niyon ay hindi ko pa rin talaga alam kung ano iyon. Pero... tingin ko naman, ilusyon lang iyon ng mga taong walang magawa sa buhay. Pag-ibig. Peste! Ang tunay na pag-ibig ay para lang sa sarili. Ang daming mga tanga na naniniwala sa ganyan.

LUST. Ito ang tinatawag nilang love. Kaya nga maraming buntis diba kasi may lust pero ang tawag nila doon ay pagbibigay ng love. Kadiri! Iyong mga taong ganoon ang masarap sa sabihan ng, "Oh ayan kasi, isaksak niyo sa baga niyo yang lab lab niyo para matauhan kayo!"

Tingin niyo bitter ako? Ha! Pakialam niyo??

"HOY BABAE!" sigaw ng isang manang mula sa di-kalayuan. Tumakbo siya palapit sa akin at... sinampal ako. "BAKIT MO INAGAW SI JAZZ SA AKIN!! WALANGYA KA! &^#@(&%@ MO!" Pinagmumura niya ako. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Natutuwa naman ako kahit na masakit ang sampal niya, ang mahalaga pinapahiya niya ang sarili niya harap nila. Nagpigil ako ng tawa.

"Hindi ko siya inaagaw sayo. Siya ang lumalapit sa akin*Tingin sa manang mula ulo hanggang paa* at hindi ko naman kasalanan sa iniwan ka niya eh mukhang yaya ka lang naman niya. Buti nga pinatulan ka pa niya eh." Malumanay at panatag kong sinabi. Ang sarap talagang magmaldita sa mga taong ganito. Ang sarap pagtripan kasi pikon agad. Haha!

"IKAW! WALA KANG MAGAWA NOH? MANG-AAGAW KA NG BOYFRIEND!!" nanggagalaiti na siya sa galit.

"Tama ka, wala nga akong magawa. Eh kasalanan ko bang pangit ka? Tss. Pangit ka na nga, madamot ka pa. At isa pa.. sayong sayo na ang syokoy na iyon. Ang boring kasama. Cheap pa. Bagay nga kayong dalawa! Haha!" Cool ko lang na sinabi. Marami akong narinig na tumawa sa audience namin. Ang ganda neto.

Sasampalin niya sana ako at mapipigilan ko na sana pero may nauna nang pumigil sa kanya, si Jazz. "SUBUKAN MO LANG SAKTAN SI ANGEL. LAGOT KA SA AKIN!" Pagbabanta ni Jazz sa manang na yaya.

"B-bakit mo ba siya ipinagtatanggol eh hindi ka naman niya mahal. Eh ako, mahal kita. JAZZ, MAHAL KITA!" humahagulgol na ang manang.

"HINDI KITA MAHAL! SIYA ANG MAHAL KO!" sabay bitaw ni Jazz sa kamay ng manang na parang nandidiri sa kamay nito.

Hindi na ako makatiis. Ang pangit ng view ko, dalawang pangit nag-aaway. Eeew! Hindi ako bagay dito. Makaalis na nga.

"Angel, saan ka pupunta?" tanong ni Jazz ng mapansin niyang paalis na ako.

Tumingin ako sa kanya. "Wala ka na doon." Aalis na talaga sana ako nang may maisip ako. "Kung gusto mo talagang bumalik ako sayo, gusto kong parusahan mo iyang yaya mo dahil pinagsasampal niya ako na naging dahilan kung bakit ako nakipagbreak sayo kanina. Binantaan niya akong sisirain ang mukha ko kung hindi kita hiwalayan." Pagsisinungaling ko.

Humarap si Jazz sa manang at galit na galit na hinila siya papunta sa harap ko.

"LUMUHOD KA SA HARAP NIYA AT HUMINGI NG TAWAD!" sigaw ni Jazz.

Lumuhod naman ang babae at umiiyak na siya. Yucks! Pumangit siya lalo. Ayoko na makita ang mukha niya. Nakakasuka.Kadiri talaga.

Sinimulan ko nang umalis. And this time, FOR REAL.

"Angel, sandali! hindi pa siya nakakapag-sorry!" tawag ni Jazz.

Nagsalita ako nang hindi tumitingin sa kanila. "Pagdusahan niyo muna ang napakapangit niyong mukha."

Dire-diretso na akong umalis.

Nakauwi na ako sa bahay. As usual, nag-aaway na naman ang mga magulang ko. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa LOVE. Dahil ni minsan, hindi pa ako nakadama niyon. Wala. Walang pagmamahalang naganap sa bahay na ito. This is not HOME but only a HOUSE full trash, lies and lust. Walang pag-ibig. Ilusyon lang iyon... sa isang katulad ko.

Maaari ngang marami na akong napaiyak at maraming nagsasabi na mahal nila ako pero hindi ako naniniwala. Kasi sa bandang huli...iiwan lang nila ako. Kaya bago pa nila ako saktan...inuunahan ko na sila. Kasi hindi ako kasing tanga nila.

***

(to be continued)

You Changed my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon