Then She Came (Part 9)

18 0 0
                                    

I have never thought to come across a woman like you...so different from any other girl...and yet...YOU came.

***Sheena's POV***

"Huhuhuhu!" Iyak ako ng iyak. Akala ko talaga katapusan ko na kanina. Akala ko talaga wala nang pag-asa. Grabe! Aatakihin na ata ako sa sakit sa puso sa sobrang kaba.

"Miss, babayaran mo ba yan o hindi?!" tanong ng mataray ng cashier. Tsk. Lumabas di ang tunay na kulay. Kalkal pa rin ako ng kalkal sa bag ko kahit na wala nang pag-asa. Lahat na ng costumer nanunuod lang na para bang live show ung nakikita nila. Naiiyak na ako pero kahit umiyak pa ako, hindi rin lang ako maililigtas sa kahihiyan na ito. Tu-tulooong! TULOOONG!

"Miss, magkano lahat?" may nagsalita sa likod ko. Malamyos ang tinig niya pero may halong tatag.

"300 pesos po lahat." sabi nung cashier sa harap ko. Huh? Pareho kami ng halagang babayaran? Dumaan sa gilid ng mukha ko ang kamay niyang may hawak na pera. Pagtingin ko sa counter, kinukuha na ng waiter/hleper ung tray na may sampung drinks. AKIN IYON AH!

Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko sa gulo ng isip ko. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari nang biglang may kumalabit sa akin na nagpabalik sa akin sa kasalukuyang sitwasyon. Tumingin ako sa likod.

"Wala ka bang planong umalis diyan?? Ang laki mong harang oh." sabi noong babaeng nagbayad ng 300 pesos. S-si ANGEL?!!

"So ano, iiyak ka na lang ba diyan?" iritadong sabi ni Angel. Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga dining tables sa loob ng KFC. Nakalapag sa table ung sampung iced tea na in-order ko at binayaran niya. Kalahati ng mga drinks ay ubos na, nilagok ko ng nilagok sa sobrang depression at kahihiyan. Para na nga akong naglalasing sa iced tea eh. Wala na akong pakialam kung may makakita man, basta depressed ako.

"Huhu! Grabe! Akala ko talaga katapusan ko na. I-iniwan nila ako. Huhuhu!" Hagulgol ko.

"WILL YOU QUIT IT ALREADY?! IT'S NOT THE END OF THE WORLD!" iritadong sigaw sa akin ni Angel. Nagsitinginan ung mga tao sa paligid pero parang wala lang sa kanya. "Walang-wala iyan sa mga pinagdaanan ko!" Tumayo na siya at agad na umalis. Naiwan ako para ubusin ung natitirang limang baso pa ng iced tea.

Natulala ako sa mga iced tea sa harap ko. Napaisip ako sa mga sinabi niya. Kumpara sa pinagdaanan ko kanina, kumpara sa kahihiyan na iniisip ko kanina, katiting lang iyon sa pinagdaanan at pinagdadaanan niya. Si Angel, ang nilalayuan ng lahat sa sama ng ugali at reputasyon niya, ang mismong tumulong sa akin nang nakaharap ako sa kahihiyan. Kung ako siya, wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao. Wala siyang kaibigan. Masama siyang tao...o masama nga ba? Hindi ko na alam.

***Shiela's POV***

"Lalala...I'm going to school... Lalala" kumakantang sabi ni Shiela. Binaba na siya ng driver niya sa tapat ng gate ng school. Siyempre, di mawawala ang fans niya at bestfriends na naghihintay sa labas ng gate. Smile! This is another wonderful day ahead!

"SHIELA!!!" tili ng mga fans ko. Kumaway naman ako sa kanila at binigay ang pinakamaganda kong ngiti.

"Hey girl!" sabi ni Cheska. "Ibang klase talaga charms mo! Haha!"

"Kaya nga, artista-like ang beauty ah. Ayiieee!" pangangatyaw naman ni Honey.

Lumapit ang bff/scheduler ko na si Kyra busy na tinitignan ang log book niya, "Ang schedule mo for today ay-" Pinigilan ko siya agad. "Not now Ky. Let's enjoy the sun!"

"Kaya nga Ky, subsob sa sa work eh. Haha!" ani Izza. Kami ang kilalang C.H.I.K.S. ng school. Why? Because we're cute and popular sa school. Ako ang president sa school kaya kilala ako ng lahat and THEY LOVE ME SO <3. Cheerleader si Cheska, journalist si Honey, Girl Scout Officer naman si Izza at si Kyra ang secretary ng school. We're cool alright! ^_^

Our school loves us and all of the students adored us...well of course, except Angel, the Brat. As we are walking through the hallway, we have to wave our hands and say hi to everyone. Siyempre, hindi mawawala ung magaganda naming ngiti. They love us, we love them back <3.

"Shiela, bakit ka napatigil?" tanong ng mga kaibigan ko nang bigla akong tumigil sa paglalakad. Tumingin sila sa tinitignan ko, si Angel. Cool na cool lang siya na kumukuha ng mga gamit sa locker niya at parang wala lang sa kanya ang ingay ng mga tao sa paligid. Sa tuwing nakikita ko siya, kinikilabutan ako, para kasing wala siyang kaluluwa at laging may sariling mundo. Bakit ba ako nai-intimidate sa kanya?

"C'mon girl. Don't mind her. She's none of our business." sabi ni Cheska. And we went on to go to our own destinations.

Ano bang meron sayo Angel at ibang-iba ka sa lahat? Kahit wala kang ginagawa, hindi ko mapigilang hindi ka mapansin. Lahat naman siguro kami napapansin ka, wala ka man gawin. Bakit, bakit madali kang makakuha ng atensyon?

***

(to be continued)

You Changed my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon