The Rock's Gentle Heart (Part 7)

52 2 0
                                    

I wanted to protect you. I wanted to take away the pain from you. But why can't you let me?

***Tristan's POV***

"TRISTAN!" tawag ni Lena na umiiyak. Naghahanda pa lang ako nang mga oras na iyon para sa bagong "racket" ng frat. Titirahin namin ngayon ang isang mababang uri ng gang na nagnanakaw ng mga kotse at ibinebenta ito. Alam na namin ang hide-out nila kaya tatakutin namin sila hanggang sa ibigay nila sa amin ang mga ninakaw nila.

Tumatakbo si Lena palapit sa akin. Awang-awa ako sa kababata kong ito. Lagi na lang siyang umiiyak nang dahil lang sa ama niyang lagi siyang sinasaktan. Madalas ay gusto ko nang patayin ang matandang iyon ngunit pinipigilan niya ako palagi. Ako na lang ang nag-iisang umaaruga sa kanya kaya ako ang takbuhan niya kung may problema siya.

"TRISTAN!" B-bakit??? Bakit hindi na niya ako mahal?!" humahagulgol na siya kaya hinila ko siya palapit sa akin. Maliit siya kaya hanggang dibdib ko lang siya. Ramdam ko na basang-basa na ang damit ko. Mahigpit ko siyang niyakap at niyakap niya rin ako. Bakit siya umiiyak? Hula ko dahil sa Jazz na iyon, ang lalaking sobra niyang minahal ngunit sinaktan lang ang puso niya.

"Tama na. Wala siyang kwenta. Kapag nakita ko siya, bubug--"

"WAG! Wag mong gagawin iyan! Mahal ko siya Tristan, mahal ko siya!"

"Pero...hindi ka niya..." hindi ko magawang matapos ang sinasabi ko.

"Hindi na niya ako mahal nang dahil sa ANGEL na iyon!!!" puno na ng galit ang tono niya.

"Angel?"

"Oo! Napangalanan ngang Angel pero demonyo siya! DEMONYO!" Humagulgol ulit si Lena pero may halong pagkamuhi na ang nadarama niya. Pinagpapalo niya ang dibdib ko ngunit hindi man lang ako nasaktan o natinag. Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya hanggang sa huminahon. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Hindi ako papayag na may nananakit sa kanya. Maging sino man ang taong nagpapaiyak sa kanya ngayon, pinapangako kong magsisisi ang taong iyon!

Dahil sinamahan ko si Lena sa pag-iyak niya ay hindi na natuloy ang plano naming makipag-away. Ayaw din naman kasi ni Lena na nakikipag-away ako. Para siyang nanay kapag magalit, isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit inaalagaan ko siya...dahil naaalala ko ang ina ko sa kanya.  Ang ina kong minahal ko ng sobra ngunit nang dahil sa Anterong iyon ay nawala siya sa amin...sa akin.

Maggagabi na nang hinatid ko siya pauwi. Nadatnan naming nakikipag-inmuan na naman ang tatay niya. Lagi na lang. Tss. Napansin niya kami at sumigaw, "Oh! AYAN NA PALA ANG MALANDI KONG ANAK NA NAGMANA SA NANAY NIYANG GRO!" Yumuko lamang si Lena. Oo, GRO ang ina niyang yumao na. Namatay ang ina niya sa sakit na AIDS noong siyam na taong gulang pa lang siya. Tanging ang ina niya lamang ang bumubuhay sa kanila kaya nang mamatay ito ay siya na ang gumanap ng gawaing dapat ang ama niya ang gumagawa. Ang ama naman niya ay naglalasing lang buong araw o natutulog, kakausapin lang siya kapag may kailangan siya o nais ilabas ang galit sa anak kapag may nakaaway sa may kanto.

               "Hindi ko siya pwedeng iwan! Kailangan niya ako!"  ang sabi niya nang minsang pilitin ko siyang iwan ang ama niya. Naiinis man ako ay wala na akong magawa.

Lumapit si Julio, ang ama niya, "Bigyan mo nga ako ng pera. Ililibre ko lang mga kumpare ko." pagewang-gewang pa niyang sinabi.

"Pero Tay--"

"Ano??? Sasabihin mo na namang wala kang pera??? Tumigil ka nga! Alam kong may pera ka! Iyon na nga lang silbi mo, hindi mo pa magampanan ng tama!!!" Pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay dahil sa paninigaw ni Julio sa anak.

Hindi na ako nakapagpigil, "Buti nga siya, may silbi, eh ikaw?!"

"Tristan!" pagsaway sa akin ni Lena. Kitang-kita na kumikislap na ang kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"HOY! Wag ka ngang nangingialam dito!" iritadong sagot ni Julio.

Tumahimik na lang ako kasi ayaw ko nang patulan si Julio. Nag-abot naman ng pera si Lena. Hay! Kailan ba niya maiisip na walang kuwenta ang ama niya at hindi iyon matututo kung paiiralin niya lamang ang pagiging malambot niya?

Inihatid ko na si Lena sa bahay niya. Maliit lang bahay nila ngunit napapanatili itong malinis ni Lena. Binantayan ko muna siya hanggang makatulog siya dahil umiyak siyang muli nang dahil sa Jazz na iyon at pati na rin sa babaeng nang-agaw kay Jazz, Angel ata pangalan niyon. Tulog na si Lena nang titigan ko siyang mabuti.

         Tama na Lena. Huwag mo nang hayaang saktan ka pa nila. Kung pwede lang kitang ilayo sa mga taong nananakit sa iyo, ginawa ko na. Sorry Lena. Sorry wala akong magawa.

***

(to be continued)

You Changed my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon