YEAR 2035, a new variant of Covid-19 do exist. Sa daaan-daang variant na nag-exist sa mundong ito ay ito na yata ang may pinakamataas na fatality rate. Punuan ang mga ospital, may mga pagkakataong may makikita ako na mga tao na bumabagsak na lamang ang katawan sa mga pampublikong lugar; nangingisay, walang tigil ang pag-ubo hanggang ang mga laway na tumatalsik mula rito ay nahahaluan na ng dugo.
Walang gustong lumapit kapag nangyayari ang bagay na iyon. Lahat ay takot na makuha ang sakit, lahat ay takot na mamatay.
Bilang isang tao na lumaki habang nangyayari ang pandemiyang ito, hindi na bago ang ganitong senaryo. Mag-la-lockdown, magluluwag muli sa mga tao, tataas ang mga cases, panibagong variant ang susulpot at magla-lockdown. This cycle repeats over and over again. Nakakapagod.
Putangina ng mga pulitikong ginawang negosyo ang sitwasyon ng mundo. Sana lang ay madala ninyo sa impyerno 'yang mga perang ninakaw ninyo. Ilang administrasyon na ang dumaan, ilang beses na nangakong sila ang tatapos ang pandemiyang ito. Congrats sa kanila, hindi ko na alam kung pang-ilang lockdown na ito.
Nakaupo ako sa harap ng TV habang nanonood ng balita, kumakain lang ako ng instant noodles na kakainit ko lamang habang nakataas ang dalawang paa ko sa couch. Hinigop ko ang noodles noong marinig ko ang balita.
"Tinatayang labing siyam na libo ang namatay ngayong araw. Patuloy na nananawagan ang mga ospital na huwag munang lumabas dahil mas mataas ang fatality rate ng Sierra variant. Ayon kay President Dela Fuente na kung patuloy na hindi makikiisa ang mga tao sa mga inilatag na health protocol ay asahan na tataas ang bilang ng mga namamatay sa mga susunod na araw."
"Tanginang sisihan 'yan, hindi na natapos." Reklamo ko at humigop ng sabaw ng noodles. "Gago ang init."
Ipinakita sa TV ang interview kay President Dela Fuente na halatang-halata na may script lang na binabasa. Bakit ba nanalo 'to?
Bumukas ang pinto ng bahay, pumasok si Mama na nakasuot ng PPE uniform habang dala-dala ang mga pinamili niyang mga groceries. Hinubad ni Mama ang suot niyang PPE at basang-basa ng pawis ang buo niyang damit. "Pasensiya ka na at na-late ako nang uwi, ang haba ng pila sa mall, nagkakaubusan na rin ng stock. May namatay ngang tatlong tao kanina sa SM Baliwag na bigla na lang nangisay. Kaya ikaw, huwag ka munang lalabas kahit diyan sa mga kalapit nating unit sa apartment. Kumain ka na, Drake?"
"Nag-noodles na lang ako." Tipid kong sagot.
"Magluluto na lang ako ng menudo, mabilis lang naman lutuin 'to." Sabi ni Mama habang pinupunasan ang kaniyang pawis. "Huwag ka munang lalapit sa akin hangga't hindi pa ako naliligo." Paalala niya.
"Busog na ako." Ginawa kong ring ang basurahan sa kusina at saktong pumasok ang cup noodles dito na kakatapos ko lang maubos.
"Project: Hope ng ilang taong ginawa ng gobyerno, tapos na! Tinatayang mahigit dalawang daang libong kabataan ang nagrehistro para maging parte ng Project: Hope. Sa proyektong ito ay pipili ng isang libong kabataan ang gobyerno upang manirahan sa isla na tinatawag nilang New Manila. Tanging ang mga kabataang bakunado at walang sintomas ng kahit anong Covid-19 variant ang magiging parte nito." Papasok na dapat ako sa kuwarto ko noong marinig ko ang balita.
BINABASA MO ANG
Real World
Mystery / ThrillerTaong 2035, isang panibagong strand ng Covid-19 ang kumalat hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Kabi-kabila ang pagsirena ng bawat ambulansiya dahil sa mga taong isinusugod sa ospital, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay n...