KABANATA APAT
MALAKAS na tugtog na nanggagaling sa speaker ang umaalingawngaw sa buong paligid. Lagpas alas-dies na rin ng gabi ngunit marami pa rin ang pumapasok sa bahay ni Joanna rito sa New Manila. Ganito pala talaga kapag galing ka sa mataas na uri sa ating lipunan, nakagagawa sila ng ganitong klaseng pagtitipon.
"Sumunod kayo sa akin." sabi ni Luna at hinatak ako papunta sa beer pong area. Malayo pa lang ay naririnig na namin ang sigawan ng mga kabataan na mukhang nag-e-enjoy manood. Nakasunod sa Jericho. "Have you tried to play beer pong?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jericho at parehas umiling. "Seryoso ba?"
"First time namin um-attend sa ganitong klaseng party." Pag-amin ko. Wala naman din dahilan para magsinungaling. Especially, hindi rin naman kami nakakalabas noon dahil na rin sa virus na kumakalat sa bansa. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako sanay na wala ng mask ang mga tao rito ngayon sa New Manila, eh.
"Okay, basically, may mga cups sa magkabilang dulo." Turo ni Luna sa amin at pinagmasdan namin ang dalawang naglalaro sa harap ng table. "Isho-shoot mo lang ang bola sa cup ng kalaban at kapag pumasok ay isha-shot niya ang cup na iyon. Alfonso ang alak na laman ng bawat cup kung kaya't guguhit talaga sa lalamunan ninyo 'yong alak." She explained casually.
"Puwede kaming sumali?" Excited na tanong ni Jericho at tinunggo ko ang kaniyang balikat. "Bakit?"
"Hindi ako umiinom." sagot ko.
"Oh come on," Ngumisi si Luna. "Minsan lang 'to, Raven. Let's celebrate our first night here in New Manila. Ako ang magiging kakampi mo sa beer pong, magaling ako dito." paliwanag niya pa.
In-inform ni Luna si Joanna na sasali kami next game. Hindi ko na alam kung nasaan si Raver at Lexie pero ang sabi ni Jericho ay sumasayaw daw ang mga uto malapit sa pool area which is nandoon naman ang karamihan ng mga tao.
Hanggang ngayon ay naku-culture shock pa rin ako sa ganitong klaseng pagtitipon. I am not really into this, I preferred to stay at home and enjoy my instant noodles... alone. Ang daming tao rito, nakakaubos ng social battery.
May mga naghahalikan lang aa gilid-gilid, I can see how the boy groped her boobs at parang wala lang sa mga tao rito na parang normal lang na pangyayari ang ganoon. Hindi magandang ideya na ilagay sa project na ito ang isang libong kabataan, they never know how they will abuse the freedom that they gave to us.
"Drake, turn mo na." sabi ni Luna sa akon at inabot ang pingpong ball na hinugasan niya sa malinis na baso.
"Kailangan ko lang 'tong ma-shoot sa baso ni Jericho, tama?" tanong ko.
Tumango si Luna. "Kung saang cup ma-shoot ang bola, iyon ang iinumin ni Jericho." Jericho smirked and waved his hand na parang hinahamon ako.
Ibinato ko ang bola ang unluckily at tumama lang ito sa gilid ng isang cup at tumalbog papalabas. We can hear the disappointment of our spectators. Not actually, disappointed sa akin at disappointed lang sila dahil hindi pumasok ang bola.
"Okay lang 'yan! Bawi tayo." sabi ni Luna.
Hawak na ngayon ni Jericho ang bola. Tinira niya ito at pumasok ito sa isa sa mga cup ko. Sumigaw ang mga tao. "Inom, gago." Jericho said habang tumatawa.
Kinuha ko ang cup at bahagya ko itong tiningnan. "First time mo nga palang iinom, kailangan mo ng chaser?" Luna asked.
"Hindi na." sagot ko at mabilis na ininom ang alak, halos maduwal ako sa pangit ng lasa at ramdam ko ang init na dala nito sa katawan ko. Parang pinaso ang buong lalamunan ko sa pagguhit ng alak.
The fuck, talaga bang may mga taong nag-e-enjoy inumin ang mga ganito kapangit na lasa?
"Nice one! Nice one!" Sigaw ni Luna at turn niya na. "Ibabawi kita."
BINABASA MO ANG
Real World
Mystery / ThrillerTaong 2035, isang panibagong strand ng Covid-19 ang kumalat hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Kabi-kabila ang pagsirena ng bawat ambulansiya dahil sa mga taong isinusugod sa ospital, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay n...