Kabanata 3

1.5K 170 56
                                    

MAHIGPIT ang kapit ko sa duffle bag ko habang pababa ng bus papuntang New Manila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAHIGPIT ang kapit ko sa duffle bag ko habang pababa ng bus papuntang New Manila. May malaking gate sa dulo ng daan papasok sa nasabing isla at pinapipila ang lahat para makapasok sa nasabing lugar. Dahil nasa gitna ito ng karagatan, maririnig ang alon sa buong paligid at malakas na hangin ang dumadampi sa aking balat.

Pumila ako papasok sa New Manila. This will be a brand-new beginning for all of us. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa loob ng New Manila pero sana nga ay magawa namin ang mga bagay na ipinangako nila—ang makapamuhay ng normal at malayo sa virus.

"Gusto mong mauna sa pila?" biglang tanong sa akin ni Luna na nasa unahan ko ng pila.

"Ha?" tanong ko.

"I have an access, isa ako sa mga priority na makapasok agad sa New Manila. Puwede kitang isabay papasok para hindi ka na pumila ng mahaba." Sabi niya sa akin. Oo nga pala, isa nga pala siya sa mga elite na kabataan na alagang-agala noong nasa facility pa lamang kami.

Hindi ko alam kung sino ang taong nagsabi na ang lahat ng tao ay pantay-pantay. No. Pagkapanganak mo pa lang ay makikita mo na ang pagkakaiba ng estado ng pamumuhay mo sa iba. May ibang ipinanganak na hindi pinoproblema ang pera, may mga taong ipinanganak na importanteng tao na agad sa lipunan.

"Pipila na lang din ako. Sasabay ako kanila Raven." Tipid kong paliwanag sa kaniya. Mabait si Luna, oo, pero ayokong madikit ang pangalan ko sa mga elite na kabataan na nandito. Gusto kong mamuhay ng normal, nang payapa.

"Okay. In case you need anything, don't hesitate to contact me, ha?" Luna said at naglakad na siya papunta sa harap ng gate at nilagpasan ang napakahabang pila dito sa tulay.

May ibang masama ang tingin sa kaniya dahil nga sa mas kakaibang trato sa kanila pero anong magagawa namin? Mga anak sila ng malalaking tao sa lipunan.

Mabagal ang pag-usad ng pila dahil kino-confirm pa ang identity ng bawat isa kung nandoon kami talaga sa listahan ng mga kabataang makakapasok sa New Manila. Hindi ko pa nakikita sina Lexie dahil magkakaiba kami ng bus na sinakyan at magkakalayo kami sa pila.

Noong turn ko na papasok sa New Manila ay mabilis akong in-interview noong nagbabantay. "Pangalan?" Tanong niya nang hindi ako tinitingnan.

"Drake."

"Drake?"

I sighed. "Drake Sebastian De Guzman."

May tiningnan siya sa listahan at noong mahanap ang pangalan ko ay hinighlight-an niya ito. "Room number?"

"305." Tipid kong sagot.

Ipinatong ko ang duffle bag at plastic na hawak ko sa may table bago makapasok sa New Manila. Nagsimula silang inspection-in ang bag ko. "Bawal 'to sa loob ng New Manila." Kinuha noong bantay ang Cellphone at Laptop ko at iniabot sa kasama niya.

"T-Teka, paano ako makakapag-online class niyan?" tanong ko.

"The government is working on it para i-excuse kayo sa kaniya-kaniya ninyong klase." Tipid niyang paliwanag.

Real WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon