Kabanata 6

913 62 18
                                    

KABANATA ANIM

"DRAKE, tumabi ka diyan!" Malakas na sigaw ang aking narinig mula kay Raver. May hawak siyang fire extinguisher at sinimulang apulahin ang apoy. "This is not enough, tulong!" She shouted again.

Bumalik ako sa aking huwisyo, everything here now is Chaos. Dali-dali kong hinatak ang walang buhay ni Dustin palayo sa nasusunod na establisyimento. Kumapit sa akin ang bakas ng kaniyang dugo. Someone died.

May grupo ng kalalakihan na tumulong kay Raver para mapatay ang apoy. Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang buong paligid. Kabi-kabilang mga tao ang nagtatakbuhan sa panic, they are all holding foods na kinuha nila sa mga groceries. May ibang natatapakan, may ibang nag-aagawan sa pagkain. At isa pa, may isang namatay sa amin.

We all thought that New Manila will be our escape on our fucked up society... but no. This is just another form of hell. A thousand of teens trap in an island with limited food and resources. Sa tingin ba nila ay makaka-survive kami sa ganitong klaseng sitwasyon? Mas malala pa ang nangyayari ngayon sa loob ng isla kaysa sa pandemic mismo na kinakaharap ng bansa.

Unti-unti akong nakaramdam ng butil-butil na tubig na tumatama sa aking balat– umuulan. That will be helpful dahil mas mapabibilis ang pagpatay sa apoy at maiiwasan na kumalat ito sa katabingga bahay at establisyimento.

"W-Who killed Dustin?" Biglang lumapit si Joanna habang may luhang namumuo sa kaniyang mata. "Nakita ko ba kung sino ang pumatay sa kaniya?"

"I..." saglit akong napatigil at pinagmasdan ang walang buhay na katawan ni Dustin. Ang patak-patak na ulan kanina'y unti-unting lumakas hanggang sa maging isang malakas na ulan. "I don't know."

Naging isang babala sa amin ang pagkamatay ni Dustin na hindi na kami ligtas sa lugar na ito.

Pumasok kami sa katabing establisyimento para magpatila ng ilan. Tinakpan ni Ryan (isa sa mga tumulong na umapila ng apoy) ng puting tela ang walang buhay na katawan ni Dustin.

Kasama namin dito sina Joanna, Raver, Lexie, Jerome, Ryan, Steve, at Luna. Pinagmamasdan ko lang ang ulan sa labas at maging ang malalakas na kidlat na dala nito. "We need to contact the Government as soon as possible, hindi na tayo ligtas dito." sabi ni Joanna. "May mamamatay tao tayong kasama."

Raver chuckled. "The government? The fuck! Umaasa pa rin kayo doon? It's been three days already noong mangyari ang pagkasira ng tulay. Is there someone out there check us here kung may nasaktan sa atin? Wala. Is there anyone out there who came here by the means of other transportation to give us supplies? Wala."

Tumayo siya at naglakad-lakad at ngumisi sa amin. "Pinabayaan na nila tayo. This experimentation? This is fucked up. Tayo-tayo na lang din ang magtutulungan para makaligtas tayo rito."

"The government will come. Hindi kami pababayaan ng mga magulang namin." Depensa ni Joanna. She came from wealthy family na may kapit sa gobyerno kung kaya't tiwala siya rito.

"The Government will not come." Sabi ni Raver ng mas may diin. "Dustin died because they abandoned us."

"Tumigil na kayo." Biglang sabi ni Luna. "Imbes na pagtalunan natin 'yan, kailangan ay mag-isip tayo ng paraan kung paano mapapahupa ang takot ng iba pang kabataan na nandito sa New Manila. Dustin's death caused panic."

Napaupo ako sa sahig. "We should give Dustin a proper burial tomorrow."

***

NAGISING ako sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mata. Akala ko ay panaginip pang ang nangyari kagabi pero noong makita ako ang bahid ng dugo sa aking damit at maging ang putik dahil sa pag-ulan ay nabalik ako sa katotohanan na totoo ang nangyaring pagkamatay ni Dustin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Real WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon