Kabanata 5

521 63 5
                                    

Kabanata 5

MABILIS kaming nagtulong-tulong upang hindi na kumalqt ang apoy patungo sa ilang bahay na malapit sa pinangyarihan ng pagguho. Pinagmamasdan ko lamang ang napakahabang daan na nabuwag, imposibleng makatawid kami papalabas ng isla.

"S-Sino ang may gawa nang pagsabog na iyon?!" sigaw ng isang babae habang nakahawak sa kaniyang ulo. Kita ko ang panginginig ng kaniyang katawan sa takot. "Umamin na kayo! Paano kung makulong tayo sa islang 'to habambuhay?!"

Nakapalibot kaming lahat sa harap ng tulay na nasira. Malakas na tumawa si Zion sa kaniya. "This is a government experimentation at hindi nila pababayaan ang mga taong lumahok dito. Sooner or later ay mabubuo din nila 'yang tulay na iyan o kaya naman ay magpapadala sila ng supply ng pagkain sa atin sa pamamagitan ng Eroplano. Natatakot lang kayo para sa wala, kung takot kayo e 'di sana ay hindi kayo lumahok dito."

"Paano kung hindi?" sagot ni Dustin sa kaniya. "Paano kung walang tulong na dumating sa atin."

Ngumisi si Zion. "Para sa inyong nasa mababang antas ng lipunan, baka walang tulong nga na dumating sa inyo. Pero kami? Anak ng isang senador o kung sino mang mga elite na pamilya. Hindi papayag ang mga magulang namin na ma-trap kami rito. We can escape here, kayo? Baka dito nga kayo mabulok." Napakuyom ako ng kamao ko at hindi ko talaga alam kung saan kumukuha ng kayabangan itong si Zion.

He is just a spoiled brat who is full of himself.

"Tarantado ka ah!" sagot ni Dustin sa kaniya.

"Anong sinabi mo?" Akmang lalapit si Zion kay Dustin  ngunit mabilis na pumagitna si Joanna.

"Ano ba?! Mag-aaway pa rin ba kayo, the fuck!" sigaw niya at itinulak papalayo si Zion. "Sapat na 'yong takot na naramdaman natin ngayon, huwag ninyo nang dagdagan ang stress ng bawat isa rito. Magpasalamat na lang tayo na walang nasaktan sa atin."

"Huwag akong pagsabihan mo, iyang matapobre na 'yan ang mahilig magsimula ng gulo!" Dustin shouted but Zion just raised his middle finger and smirked.

"Pero paano nga kung trap tayo rito?!" Sigaw noong isang lalaki na sinundan din ng ibang mga kabataan rito. Hindi ko naman din kilala lahat ng mga kabataang nandito, hindi rin naman ako mahilig makipag-usap sa ibang tao noong nasa facility kami. 'Yong iba ay kaya ko kilala ay naririnig ko lang din naman sa kuwento nila Jericho at Lexie.

"Just chill down, okay?!" Joanna shouted again. "Let us wait up until tomorrow, paniguradong may tulong na darating mula sa gobyerno. At isa pa, may point si Zion, they can't just leave us here kung ang fucking pamahalaan natin dahil nag-invest sila sa project na ito."

Kumalma ang lahat noong makuha namin ang point ni Joanna. Hinahayaan ko lang silang mag-usap-usap at tahimik lang akong nakikinig. Ayoko na nasa akin ang atensiyon ng lahat ng tao.

Akmang aalis na ang lahat noong marinig namin ang sigaw ni Dustin. "Guys! Sandali lang!" he shouted. "Wala munang aalis!"

Napatigil kami sa paglalakad papaalis. "Let us list down our name in this notebook. Para lang masigurado na wala ngang nadamay sa pagsabog at ligtas tayong lahat!" Itinaas niya ang notebook at papel niya.

"The fuck? Ano kami? Bata?" Lloyd asked. Also part of the elite kids here in New Manila. Kaibigan ni Zion kung kaya't hindi na nakapagtataka kung bakit parehas sila ng ugali– basura.

Hindi ko alam kung bakit ganito kapapangit ang ugali nila. I mean, mga nagsisipag-aral naman ang mga ito sa magagandang paaralan sa Maynila. Totoo nga na hindi naituturo ang magandang ugali sa paaralan. Kung matapobre ang mga magulang nila, ganoon din sila.

"Tama lang si Dustin!" Joanna shouted. "I know, time consuming siya pero huwag na kayong mga umangal kung gusto ninyong makauwi at makatulog na ulit. Kailangan natin ng bilang kung saktong isang libo pa tayong nandito at walang nadamay."

Real WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon