SUOT ang itim kong damit at itim kong pantalon, inilalagay ko aa duffle bag ang mga natitirang damit ko sa bahay. Pinagmasdan ko ang bawat sulok nito na dati'y pinupuno namin nila Mama at Papa nang tawanan.
We used to be a happy family. This global pandemic just fucked up everything. Pumasok si Mrs. Sam sa loob ng unit. "I am sorry about your lost." wika niya.
Hindi ako kumibo. Namatay si Mama two days ago, akala ko nga ay nagbibiro lang si Mrs. Sam noong sinabi niyang hindi kumakain si Mama at puro sugo ang punda niya. Pero noong pumasok ako sa kuwarto niya ay nakita ko ang lahat. Ang mga dugong nagkalat sa sahig, mga talsik ng dugo sa pader. Totoo ngang itong Sierra Variant ang pinakadelikado sa lahat ng variant ng Covid-19.
"Sorry? Hindi ninyo ako pinayagang makalapit kay Mama ng ilang araw. Kahit noong namatay siya, nakatayo ako ng ilang metro malayo sa kaniya habang kinukuha ang walang buhay niyang katawan sa kuwarto niya." Reklamo ko sa kaniya.
Kung alam ko lang na ang menudo na noong nakaraang linggo ang huling iluluto ni Mama para sa akin... dapat pala kumain ako.
"Desisyon ng Mama mo na ingatan ka para mapili ka sa mga kabataang papasok sa New Manila. She wants you to have your new beginning in a place na walang kahit anong virus ang kumakalat." Paliwanag ni Mrs. Sam sa akin. "Hindi ka puwedeng magkasakit, Drake, magsisimula ulit ang buhay mo sa New Manila."
"You just need lab rats with your big experimentation." I blunted out. "Hindi ninyo nga nagawang bigyan ng maayos na burol ang Nanay ko, you just cremated her without my consent. Nang hindi ko alam." Pinagmasdan ko ang lalagyan ng abo na nakapatong sa itaas ng kabinet.
"Napakadelikado ng bagong variant ngayon, Drake, hindi puwedeng may iba pang tao na mahawa." Mrs. Sam explained. Hinintay niya akong matapos pag-e-empake ko. Huli kong nilagay ang masayang litrato naming pamilya na alam kong hindi na ulit mangyayari.
Mag-isa na lang ako sa buhay. Nawalan na ako ng Tatay two years ago, and I lost my mom two days ago. Ang mag nakakagalit? Walang pakialam ang gonyernong ito sa tumataas na kaso ng death rate sa bansa.
Paulit-ulit lang nilang sinasabi na mag-ingat ang lahat at huwag magsilabas. These priveleged fuckers doesn't know how it feel kung paano mamuhay sa laylayan ng lipunan. Madali sa kanilang sabihin iyon dahil wala naman silang problemang pinansyal.
Hindi lumalabas ang mga tao dahil gusto nila, lumalabas ang mga tao dahil kailangan nila. They have a family that they need to fed up to. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa sa Pilipinas, normal na lang na makakita k ng bangkay sa daan dahil sa sakit.
Lumabas ako ng kuwarto at naghihintay si Mrs. Sam. "Halika na?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot at sumunod kay Mrs. Sam. "Dadalhin muna kita sa facility kung saan nagko-conduct sila ng mga teat para sa mga lalahok sa Project: Hope. I am going to check you from time to time para na rin sa Mama mo."
Sumakay kami sa kulay puting sasakyan. Kitang-kita ko ang mga mapanghusgang tingin ng mga kalapit unit namin. Of course, my Mom died from the virus.
BINABASA MO ANG
Real World
Mystery / ThrillerTaong 2035, isang panibagong strand ng Covid-19 ang kumalat hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Kabi-kabila ang pagsirena ng bawat ambulansiya dahil sa mga taong isinusugod sa ospital, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay n...