The Pretend Wife
“Ano?!!” Gulat na saad ni Lara
“No way! Hindi ako makakapayag sa gusto mo Laura!” Tinalikuran nito ang kaniyang kakambal ngunit napa- tigil ako muli ng humarang ito sa aking dinaraanan.
Maluha-luha na ang mga mata nito na konti na lang iiyak na ito anumang oras.
"Nag mamaakawa ako sa’yo Lara, pag bigyan mo naman ako sa hiling ko sa’yo.” Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pilit akong kinukumbinsi sa bagay na ayaw ko.
“Napaka imposible naman kasi ang hiling mong pabor sa akin Laura. Kahit gusto man kitang tulungan, hindi kita mapag bibigyan ngayon. Pasensya na.” bumagsak lamang balikat nito sa sinabi ko.
“Ngayon lamang ako humihinggi ng pabor sa’yo. Isang gabi lang naman Lara ang hinihiling ko sa'yo pag bigyan mo naman ako, hmm?” Pag mamakaawa nito sa akin. Pinisil nito bahagya ang aking kamay at mamula-mula na ang mata nito
“Isang gabi, Isang gabi ka lang mag papanggap bilang ako na si Laura sa asawa ko.” tinignan ko ng masama ang aking kakambal.
“Napaka- imposible naman kasi ang hiling mo sa akin. Paano kong mahuli tayo? Paano kong ipa- kulong nila ako, na nag papanggap na ikaw!?” Napaka- bigat na ang aking pag- hingga ng sandaling iyon, dulot ng pagod at puyat.
Apat na oras lamang ang tulog ko sa sandaling iyon galing trabaho, at pag-uwi ko isang pamilyar na pigura ang sumalubong sa akin.
Nadatnan ko sa pinapauhang maliit na bahay ang kakambal ko,
si Laura.
Ako nga pala si Lara Mendez bente singko anyos at kasalukuyang nag tratrabaho bilang factory worker sa isang di-sikat na patahian sa Antipolo. May kakambal ako, si Laura Mendez.
Identical twins kami ng aking kapatid na si Laura. Mula sa mukha, mata, katawan, hugis ng katawan, para silang perpektong replica ng bawat isa.
Sa una mo pa lang sila pag titignan, hindi mo mahuhulaan kong sino ba talaga ang totoong Lara at Laura kapag sila nag sama. Maraming tao ang hindi nahahalata at matutukoy ang pinag kaiba naming dalawa.
Ngunit kahit mag kakambal sila marami silang similarities at mga katangian na pinag- kaiba ni Laura.
Gaya nang napaka hinhin at napaka- bait ni Ate Laura, naka- suot ito parati ng mahahabang damit na ayaw nitong ipakita ang kaniyang balat.
Samantala naman naman ako, mas komportable akong naka- suot ng mga maiikling damit at kong-ano ano pa. Likas ang pagiging siga at bungangera, palaban, chismosa, na lumaki sa squatter area. Joke lang yong chismosa.
Bata pa lamang kami no’ng mag kahiwalay ang aming mga magulang ng walong taong gulang pa lamang kami ng aking kapatid. Matanda sa akin si Laura ng ilang minuto bago ako iluwal, ‘yan ang kwento ng aking Mama.
No’ng mag kahiwalay ang aming mga magulang doon ito napag- kasundo na tig-isa silang anak na dadalhin bago umalis. Dinala ni Mama ang aking Ate Laura, samantala naman ako napunta sa aking Tatay Diborsio.
Isang karpentero at umaasa lamang sa pag construction worker kong saan-saan si Papa. Binuhay ako ng Papa sa ganung klaseng trabaho, at napag tapos niya ako ng pag- aaral at kursong maging Teacher sa elementarya. Hindi ko pinag- kakahiya na binuhay ako ni Papa na ganung klaseng trabaho, bagkus pinag sisigawan ko pa na marangal iyon. Kahit na mahirap ang buhay, tumulong ako kay Papa. Sari-sari na din ang napasukan kong trabaho para maka- tulong sa iba’t-ibang gastusin. Isang maliit na barong-barong lamang ang kanilang tinitirahan, na madalas tinutuluan ng tubig kapag malakas ang ulan sa pinag tagpi-tagping yero at flywood.
BINABASA MO ANG
The Pretend Wife [COMPLETED]
RomanceLara Mendez was very surprised when her Identical Twins Laura went to the house she was renting, after she had not seen her for several years. Tearfully her twin ask a favor, that she would pretend to be her twin, for one night with her husband Cali...