Chapter 2

1.6K 37 3
                                    

Chapter 2

LARA'S POV

Tulala at hindi makapag-isip ng matino si Lara ng sandaling iyon. Sa tuwing pini-pikit niya ang kaniyang mga mata, nanumbalik na naman ang mga alala na kaniyang nasaksihan kagabi.
Ang alala kong paano pinatay ni Calix ang isang lalaki.
Ang alala na pag putok ng baril, na nag bibigay nuot at kilabot sa kaniyang kalamnan.

Matapos ang insidente na iyon, hindi siya gaanong naka-tulog ng maayos sa labis na takot, na ngayon katabi niya lamang sa iisang kama ang lalaking pumatay lamang ng inosenteng tao kagabi.

"A-Ano bang nangyayari sa akin?" Napa-hilamos sa mukha si Lara at nanginig ang kaniyang kamay sa labis na takot. "Ano ba itong gulong pinasukan ko?" Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ni Lara sa higpit ng pagkagat niya doon.

Naka-sandal ang likurang bahagi ni Lara sa kama at wala pa din siyang planong lumabas. Hindi niya alam kong makakaya niya pa bang salubongin si Calix, matapos ang nangyari kagabi.

Paano kong sunod niya naman akong patayin?

Paano kong ako na ang isunod niya, kapag nalaman niyang hindi ako totoong asawa niya?

Paano kong?

Pinilig niya ang kaniyang ulo, para iwaksi ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Ayaw niyang isipin ang mga bagay na iyon dahil hindi na talaga siya mapakali nang husto.

Kailangan kong maka takas dito.
Kailangan ko ng gumawa ng paraan.

Kulang na lang mapa- talon si Lara sa gulat ng marinig ang pabagsak na pag bukas-sara ng pintuan. Kasunod rin ang mabibigat na yabag ng mga paa, na nanumbalik ang kaba at takot na lumukob sa dibdib ni Lara ng mapag-tanto niya lamang kong sino iyon.

Walang iba kundi si Calix.

Ang kaniyang asawa.

Tahimik at napaka-dilim ng mukha ni Calix na nakakatakot ang kaniyang itsura. Naka suot ito ng blue office suit na, nag bigay hubog ng maganda nitong pangangatawan. Sa bawat yabag ng mga paa ito, nag pakaba pa lalo ng husto sakaniya.

Para itong hari, na dapat mong sambahin at galangin.

Sa tuwing nakikita niya si Calix, kakaibang takot ang binibigay nito sa aking kalamnan.

Huminto si Calix malapit sa wardrobe at tila ba hindi napansin nito ang aking presinsiya. Pinapanuod lamang ni Lara na nag aayos si Calix ng tie nito, na halatang papasok na ito sa kaniyang trabaho.

"Shit!" Iritadong napa-mura si Calix, n animo'y hindi nito makuha-kuha ang pag-ayos ng tamang tie sa suot nito. Kulang na lang takasan ng bait si Lara ng bumaling ng tingin sa gawi ko si Calix, at sa paraan ng kaniyang pag-titig na kaya nitong palambutin ang aking mga tuhod. "Anong tini-tingin mo? Fix my tie!" Mang-uutos nitong tinig, na dapat mo itong sundin at gawin.

"O-Oo." Garalgal kong tinig at bumaba na ako sa kama, na kahit sa loob-loob ko, pinang-hihinaan na talaga ako nang husto. Napaka-lakas na rin ng pintig ng aking puso sa bawat yabag ng aking mga paa palapit kay Calix.

Kulang na lang himatayin ako sa takot na mag tama ang aming mga mata.
Napaka dilim at nakaka-takot ang kaniyang mga mata.
Iyon ang klase ng mga mata, na hindi mo na nanaisin na makita pa.
Mga matang nag babanta parati sa aking buhay.

Binigay sa akin ni Calix ang tie, at ganun din ang panginginig ng aking mga kamay na mahawakan iyon.
Sa totoo lang talaga, hindi ko alam kong paano gawin ito.
Kong paano ko ayusin ang tie niya.

The Pretend Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon