Chapter 3
LARA'S POV
"Walang-hiya ka! Wala ka talagang utang na loob!" Matalim na tinig nito at kasabay ng pag duro sa akin ni Mama.
Puno ng galit at panunuklam ang kaniyang mga mata habang naka-titig sa akin.
At pag-agos ng luha sa aking mga mata, na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit?
Anong nagawa kong kasalanan?
Bakit ang sakit-sakit ng puso ko?Bakit Mama?
"Puro na lang talaga kahihiyan ang ginagawa mo sa pamilya natin ano?!" Buong uyam na tinig ni Mama at hinakbang ang paa palapit sa kinaroroonan ko. "Nalaman kong tumakas ka, at gumagawa ka nang matarantaduhan sa harapan ni Calix.. Balak mo talagang ipahiya ang pamilya natin Laura ganun ba iyon?! Baka nakaka-limutan mo kong bakit nariyan ka sa ganiyan na posisyon dahil kailangan mong pag bayaran ang pag-kaka-utang natin sa pamilya ni Calix!" Hinigit nito ang aking braso na mag kasalubong kami nang titig ni Mama.
Damang-dama ko ang sakit at kirot na bumabaon sa aking laman ang matalim nitong kuko. "Umayos ka Laura! Wala ka talagang kwenta kahit kaylan!" Bawat katagang lumabas sa bibig nito, lahat ng iyon tumarak sa puso at lalamunan ko. Alam kong hindi niya ako sinasabihan, pero napaka-sakit pa rin sa parte ko na marinig ang bagay na ito. "Manang-mana ka talaga sa Tatay Deborsio mo na walang-kwenta, kaya't nababagay lamang na iwan ko siya, kasama ang lintik mong kakambal! " Pag duduro nito sa akin muli, sa puntong ito bumigat na ang aking nararamdaman.
Gusto kong sabihin na hindi ako si Laura.
Gusto kong sabihin na, ako ito si Lara, pero kusa na lang umatras ang aking dila.Ganun na lang ba iyon Mama?
Walang-kwenta kami ni Itay sa'yo?
Kaya't ba hindi mo ako nagawang balikan at hanapin?Kulang na lang sasabog na ang puso at dibdib ni Lara sa sa aking narinig.
"M-Mama, nasasaktan po ako. A-Aray!" Impit kong daing at sa pag-kakataon na ito maluha-luha na ang aking mga mata na wala pa ring bahid na emosyon ang kaniyang mga mata. Bakit ganun Mama? Akala ko mahal mo ako? Pero bakit ganito kasakit ng aking puso?
"Talagang masasaktan ka talaga sa akin Laura kapag hindi ka umayos!" Tiim-bagang tinig nito at hinigit muli nito ang aking kamay, na mag kasalubong kami ng titig. "Kapag inulit mo ang bagay na ito, hindi lang ito ang aabutin mo sa akin Laura! I'm always watching you!" Puno nang uyam nitong tinig at inis nitong bitawan ang aking braso na kulang na lang tumalsik ako sa lakas ng impact.
Mabuti na lang naka-hawak ako sa pader na maka-hanap ng suporta.
Nanlisik pa din ang mga mata ni Mama at iritado nitong kinuha ang purse na naka-lagay sa couch at buong inis na nag martsa paalis.
Malamig at wala akong nakuhang salita sa kasama nitong lalaki, at sumunod na rin ito kay Mama.
Napa-hilamos na lang si Lara sa mukha at kasabay ang pag bagsak nang luha sa kaniyang mga mata.
Napa-hawak ako sa aking dibdib, at damang-dama ko ang pag kirot no'n.
Bakit Mama?
Bakit ganito ka sa akin?
Ano bang nagawa kong pag-kakamali?
STILL LARA'S POV
Nagising si Lara's sa mahimbing na pag-kakatulog. Umupo si Lara sa malambot na kama at sumalubong sa akin ang madilim na silid, nag sisilbi lamang na liwanag sa silid ang lampshade sa isang tabi- na mapag-masdan ko ang buong paligid.
Napa-yakap ako sa aking sarili ng madama ang malamig na hangin na galing sa aircon. Doon lamang napag-tanto ni Lara na tangi ko lamang suot-suot ang white silk dress, na humubog pa lalo ang aking magandang panga-ngatawan.
BINABASA MO ANG
The Pretend Wife [COMPLETED]
RomanceLara Mendez was very surprised when her Identical Twins Laura went to the house she was renting, after she had not seen her for several years. Tearfully her twin ask a favor, that she would pretend to be her twin, for one night with her husband Cali...