Chapter 8
LARA'S POV
Matapos akong iwan ni Calix sa labas. Iritadong pumanhik si Lara sa loob nang silid nilang dalawa ni Calix at nag kulong sa loob. Napaka-sama ng aking loob dahil lamang hindi nito ako pinayagan na lumabas.
Kainis bakit kailangan niyang kontrolin ang buhay ko?
Hindi niya rin naisip na may sarili din akong mundo at buhay?
Anong gusto niya?
Siya parati ang masaya, samantala naman ako nag-hihintay lamang na biyayaan nang kalayaan?
Ngayon naiintindihan ko na kong bakit iniwan siya ni Ate Laura, napaka-sama ng pag-uugali niya!
Kulang na lang karatehin ko ang mga gamit sa loob ng silid naming dalawa ni Calix. Wala lang sobrang sama talaga ng loob ko sakaniya!
Narinig ni Lara ang mahinang pag-katok mula sa pintuan na matigilan ako sa pag muni-muni. "Mam Laura?"
"Bakit?" Iritable kong sagot sa katulong. Kilala ko, kong sino ito pero wala lang talaga ako sa mood na maging mabait ngayon dahil badtrip ako.
"Pina-patawag po kayo ni Sir Calix sa ibaba at kakain na daw po."
"Umalis kana dahil hindi ako kakain!" Aba galit ako ngayon, kaya't lulubusin ko na. Bahala siyang kumain mag-isa at hindi kita sasamahan na kumain ngayon sa hapag-kainan.
"P-Pero Mam, mahigpit pong bilin ni Sir Calix na hindi daw ako bababa hangga't hindi ko po kayo kasama sa pag-baba. Halika na po Mam, at baka lalo lamang magalit si Sir kapag pinag-hintay niyo po siy--."
"Hindi ako lalabas sa silid at hindi ako kakain!" Pinag-diinan ko pang sabihin iyon para maunawaan niya. "Ayaw kong makita ang pag-mumukha ni Calix! Sabihin mo sa mokong na iyon, hindi ako kakain hangga't hindi niya ako pinapayagan sa gusto ko, na lumabas!" Para akong batang nag maktol.
"P-Pero Mam Laura."
"Umalis kana, dahil hindi mo ako mapipilit sa gusto ko." Final kong tinig at hindi na ito sumagot pa, bagkus rinig ko na lang ang yabag ng mga paa nito paalis.
Inis na tumalukbong si Lara ng makapal na comforter at doon nag maktol ng labis-labis.
Ilang minuto lamang rinig ko ang yabag ng mga paa na nag martsa at mukhang nag hahamon ng gulo. Tantya ko hindi ito galing sa mga katulong kundi sa nakakatakot na nilalang. Napa-bangon ako sa kina-hihigaan nang marinig ang malakas na padabog na pag-bukas ng pintuan ng silid at sumalubong sa akin ang nakakatakot na mukha ni Calix.
Parang sumapi ang masamang espiritu sa katawan neto, na hindi mo nanaisin na masaksihan."What is this attitude Laura huh? Papairalin mo pa din ba ang katigasan nang ulo mo?!" Salubong na singhal nito. Oh diba? Iritado akong umupo sa kama at sinalubong ang galit ni Calix. Aba siya lang ang karapatan magalit? Paano naman ang galit ko aber?
"Ano bang problema mo huh? Bakit hindi mo na lang ako tantanan? Umalis kana dahil hindi kita kailangan!" Umigting ang panga nito, na hindi nagustuhan kong ano man ang aking sinabi.
"What is my problem?" Uyam na tinig nito. "Ikaw ang problema ko! Sumama kana sa akin at kakain na tayong dalawa sa hapag-kainan, that's my order!"
"Hindi mo ba narinig? Ayaw kong makasama kang kumain, at hindi ako kakain hangga't hindi mo ako pina-paburan sa gusto ko!" Sa puntong ito, namuo ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi rin ako nakipag-talo sa matalim nitong titig sa akin. Aba! Akala niya siya lang marunong? Marunong din ako! Ehmp!
BINABASA MO ANG
The Pretend Wife [COMPLETED]
RomanceLara Mendez was very surprised when her Identical Twins Laura went to the house she was renting, after she had not seen her for several years. Tearfully her twin ask a favor, that she would pretend to be her twin, for one night with her husband Cali...