Chapter 4
LARA'S POV
Ilang oras na naka-upo si Lara sa malambot na kama at yakap-yakap ang sarili. Mag-isa na lamang ako sa silid, aligaga at napaka-lalim ang kaniyang iniisip.
Maraming tumatakbo sa aking isipan na hindi ako makapag-isip nang matino.
Sa tuwing pini-pikit ko ang aking mga mata naalala ko ang bawat sandaling ginawang pag pipilit muli ni Calix na sipingin ako sa kama na ayaw ko nang alalahanin pa.
Narinig ko ang mahinang katok sa pintuan na mabalik ako sa realidad. "Mam? Pinababa na po kayo ni Sir Calix at mag aalmusal na daw po kayo." Nabalot nang katahimikan si Lara, na ayaw kong sagutin ito.
Gusto ko na lamang bumalik sa mahimbing na pag kakatulog at patay malisya na hindi ko na lang narinig ang sinabi nito dahil ayaw ko talagang harapin si Calix.
Ayaw kong harapin ang nakaka-takot na itsura nito. "M-Mam Laura? Mam?" Pag tawag nitong muli sa aking pangalan na alam kong, hindi nito ako tatantanan."S-Sige b-bababa na ako." Matagal ako bago sumagot dito.
"Bumaba na lang po kayo Mam, kapag ready na po kayo." Paalala nito at sunod ko narinig ang yabag ng mga paa nito paalis.
Bumangon na din si Lara sa kina-hihigaan at hinayaang malaglag ang malambot na puting kumot na naka-takip sa aking kahubaran. Tumungo na ako sa wardrobe para pumili ng damit na maisusuot at simple lamang ang napili ko. Hindi na ako nag tangkang maligo dahil ayaw sa lahat ni Calix ang pinag-hihintay ito.
Bumaba na ako at sinalubong naman kaagad ako ng matamis na ngiti at bati ng mga katulong.
Naabutan ko si Calix na tahimik na kumakain sa hapag-kainan. Naka- suot na ito ng damit pang Opisina at natatakot pa rin si Lara sa presinsiya nito.
Walang imik itong kumakain, at naka-kunot ang noo na para bang galit na naman ito sa mundo.
Buong ingat akong umupo sa bakanteng silya sa harapan lamang nito at umiiwas na maka-gawa muli ng kahit katiting na pag kakamali sa harapan nito. Naka-handa na rin ang magarbong almusal na matatakam ka talagang tikman lahat nang iyon, pero kahit gaano pa ito kasarap hindi pa rin mapapantayan ng takot sa aking puso na kaharap ko lamang si Calix.
Simula na akong sumandok at pinag-mamasdan ko lamang si Calix na tahimik na kumakain sa harapan ko.
Kagat-labi pa ako ng puntong iyon at tagaktak ang butil ng pawis sa aking noo dahil sa labis na kaba at takot.
Alam ba ni Calix?Alam ba nito na hindi ako ang totoo nitong asawa?
Mag-isip ka nga Lara!
Saway ko naman sa aking isipan.Kong alam ni Calix, na hindi ikaw si Laura, baka kanina ka pa niya pina-alis.
Baka kanina pa ito galit na galit sa akin.
Pero hindi eh.
Nanatili lamang itong kalmado sa harapan kong kuma-kain nang agahan.
Hindi kaya nag papanggap lamang ito na wala itong alam?
Iniisip ko pa lang ang bagay na iyon, pinag-hihinaan talaga ako nang husto.
"What?" Nanigas ang aking katawan ng umanggat ito ng tingin at mga matang walang bahid ng emosyon. Umatras ang laway ko at nakaka-takot pag maasandan ang mata nito. "Bakit hindi ka pa kumakain? Anong gusto mo subuan pa kita?" Iritadong tinig nito.
BINABASA MO ANG
The Pretend Wife [COMPLETED]
RomanceLara Mendez was very surprised when her Identical Twins Laura went to the house she was renting, after she had not seen her for several years. Tearfully her twin ask a favor, that she would pretend to be her twin, for one night with her husband Cali...