Chapter 6

1.2K 31 3
                                    

Chapter 6

LARA'S POV

Bumalik na si Lara sa Opisina at nadatnan ko si Janine na may inaayos sa ibabaw nang desk ko.

"Tapos na po ako mag linis Mam Laura, tungkol po kanina, sorry po talag---"

"Huwag kanang mag-hinggi ng tawad sa akin." Nag lakad lamang ako papunta sa gawi nito. "Para saan nga pala ito?" Turo ko sa mga documento sa ibabaw ng desk, na wala naman ito doon pag-dating ko kanina.

"Ahh iyan po ba Mam? Iyan po ang mga documento na kailangan niyo pong gawin at ang iba naman kailangan niyo pong pirmahan."

"Ha? Ganun? Bakit napaka-rami?"

"P-Po?" Kahit na rin ito hindi alam ang maisasagot sa akin. "Kasi po ang iba niyan Mam matagal na po talagang pinadala sainyo po. Simula no'ng hindi na po kayo pumasok kaya't natambak na po ang mga gagawin mo. Yong iba po niyan Mam, kailangan na po matapos mamaya." Paalala nito.

"Ha? Ako talaga ang gagawa nang lahat ng ito?" Turo ko sa mga gawain.

"Opo Mam." Nanlumo si Lara ng marinig ang bagay na iyon.

"Pwedeng ikaw na lang?" Alangan pa akong sabihin ang bagay na iyon dahil wala talaga akong alam sa mga tina-trabaho sa kompaniya. Kong pag-lilinis lang sana, hindi na ako mangangamote ng ganito para lamang natapos ang lahat nang ito.

"H-Ha? Hindi po pwede Mam at mapapagalitan po ako, at isa pa hindi ko naman po iyan trabaho." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi nito.. "Sige maiwan ko na po kayo Mam." Nag vow lamang ito sa harapan ko at umalis na.

"S-Sandali Janin---" tuluyan na itong naka-alis. Kagat-labi labi na lang si Lara na napa-titig sa mga documento.

Wala namang mangyayari kong makikipag-titigan ako sa mga documento diba?

Umupo na si Lara sa swivel chair at simulang gawin ang trabaho kahit wala naman talaga akong kaalam-alam doon.

Lumipas ang ilang oras at sumasakit lamang ang ulo ko dahil wala akong idea sa mga ginagawa ko. Hindi ko rin alam kong tama ba ang ginagawa ko.
Bahala na nga.
Basta ginawa ko naman ang best ko, na matapos ang mga gawain ko kahit hindi talaga ako sure.

Rinig ni Lara ang pag-bukas nang pintuan, na mag paagaw muli nang aking atensyon.

"Mabuti naman na narito kana Janine, mag papaturo sana ako sa'y----" naalis ang matamis na ngiti sa aking labi at napalitan ng sindak ng makita si Calix sa loob ng aking Opisina.

Naka-ngisi at puno ng lagkit akong tinignan na ilang segundo umalis ang kaluluwa ko sa katawan. Seryosong nag masid si Calix sa Opisina ko at bawat anggulo dinadaanan talaga nito ng malamig na titig.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit bawal bang dalawin ko ang asawa ko?" Bakit bigla akong tinaasan ng balahibo sa paraang pag tawag nito sa akin. "I will not disturb you in what you are doing. I'll just sit here and watch you." Bakit parang natakot ako bigla sa sinabi nito?

Umupo si Calix sa couch at ilang segundo dumating si Janine bitbit ang kape na tinimpla para sa aking asawa.

Tinuon ma lang ni Lara ang atensyon sa ginagawa, pero hindi makapag- concentrate si Lara dahil ang malagkit at mapanuri nitong titig naka-pako sa akin.
Titig na mawala ako sa focus sa aking ginagawa.

The Pretend Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon