Ep 13: The Idiotic Brawl

614 9 8
                                    

(Mica's POV)

I Wish a wish to wish the wish...

"Mica! Kinuha mo na ba ang baon mo?!" sigaw ni Mama.

"opo!" sagot ko.

Naku! May pasok na naman! Hay grabe makikita ko na naman si Louise! Haaaay! This is going to be another great day! J

"pasok na po ako!" sigaw ko habang nasa pintuan ako.

"hindi mo na ako ikikiss?" pasigaw na tanong ni Mama.

Kiss?!

"Mama, mature na ako, hindi ko na kailangan gawin yun!"

"Mag-ingat ka pala..." sagot ni Mama.

Hmm...nakakaawa naman si Mama, kung may anak naman ako malulungkot rin ako eh.

Tumakbo ako sa may loob at niyakap ko si Mama, sabay Kiss ko sa pisngi niya.

"ikaw talaga Anak, sabi ko nga hindi ka magbabago, Sanggol parin ang turing ko Sayo!"

Hindi nalang ako sumagot, kumaway ako kay Mama at umalis rin.

Nag-commute ako sa Neighborhood namin, medyo maiinit na rin dahil Tanghali ako makakarating sa School...nung Fourth year naman ito eh.

Hindi na ako makapaghintay! Sabik na sabik ako makita si Louise! Heeeeeeeeeh!!

Sumakay na rin ako sa jeep at tinext ko si Ember, ang sabi ko sakanya: oi Ember! Nanjan na ba si Lou?

Alam ko na hindi magrereply si Ember, hindi kasi siya mahilig mag-load at mag-text ngayon, dati pwede pa pero ngayun hindi na.

Noong nakarating na ako sa may skul, agad ko iniscan ang I.D ko sa may Monitor. Lumitaw ang pangalan ko: Mica C. Brillante.

Hindi ko talaga gusto ang Picture ko dito, waaah! >.<

Agad ako dumeritso sa may first subject namin, Mapeh. Nandun si sir Gamboa na hindi marunong magturo, haay, hindi ko rin maintindihan ang pinagsasabi niya, tumatalsik pa ang napaka-malansang laway niya pag nag-sasalita siya sa harap ko.

Okay lang yun, bastat' nandun si lo-

May biglang bumangga sakin sa may braso ko. Ang laki pa naman ng Bag niyang kulay Blue na may nakasabit na orasan.

Agad ko nakita ang mukha niya.

Si Ember.

"huy Mica, wala akong load."

"obviously naman Ems!"

Ems pala ang tawag ko dati kay Ember, noong nag-colledge na kami, ayaw na niya ang nickname na "Ems" hindi ko lang alam kung bakit ba.

"o Mica, musta na pala kayo ni Lou?"

Namula ako agad, yan palagi ang tinatanong Ni Ember sakin noong naging close na kami, nung bakasyon kasi yun, nung pistang-patay. Nakatext ko si Ember, naghihingi ako ng advice para kay Louise. Sinabi niya sakin na tutulungan niya ako, siyadaw ang magiging Detective ko.

May gusto raw yata si Louise...isang estudyante ng Elementary.

"wala pa naman, Ember..."

"ano...ano plano mo?"

"hindi ko alam eh..."

"Mica."

Hindi boses ni Ember yun. Tumalikod ako at nakita ko ang mukha ni Louise.

Virus 666 (Discontinued)Where stories live. Discover now