Ep 17: Seek For Victuals II

652 15 6
                                    

(Ember's POV)

Expect the unexpected.

Anything could happen. Pwede magka-heart attack ng walang paalam, pwede ka nakawin ng ilang secundo lamang at pwede kang patayan at anytime.

Expect the unexpected...the perfect , meaning what this is all about. All of a sudden magkakaroon ng isang malakas na Virus, all a sudden inatake kami ng Driver, all of a sudden nag-crash ang sasakyan namin...

All of a sudden kinagat si Arnold Hernandez.

Kinagat ng isang Zombie...isang Infected.

To be honest muntik na ako nahimatay sa nakita ko, muntik na ako sumigaw ng malakas nung narinig ko ang tinig ng braso ni Arnold.

Napaka-tigas.

Kalungkutan, kahirapan at kaba ang naidulot noong nakita ko ang imahe ni Arnold, nakabaon ang mga pangil ng Infected sa braso niya.

Ngunit ganun, bakit hindi sumisigaw si Arnold?

"Arnold!" sigaw ulet namin ni Maxie.

Agad umatras si Maxie sa takot at kaba, muntikan nga siya nadapa sa isang lata ng Soft-drinks.

Ako naman ay lumapit kay Arnold, nakatingin siya sa akin , tinititigan niya ng mabuti ang mga mata ko, hindi rin siya kumikilos at parang hindi rin humihinga.

Para siyang estatwa.

Pagkatapos ng ilang secundo, siyay' ngumiti na parang baliw lang...

NABABALIW NA BA TO?!

Tumawa naman siya ng malakas, parang nangigigil. Parang inaasar.

"Arnold, ano na nangyari sayo?" sigaw ko.

Ginalaw ni Arnold ang mga labi niya, ngumiti ng ilang sandali at nagsalita; "TANGA pala ang Zombie na to eh! :D"

ANO?

IMPOSIBLE. Paano niya nasabi yan, kitang kita ang pangil ng Infected sa harap niya eh...

Baka nababaliw na nga siya.

Imbes na mapaiyak ako, naasar ako kay Arnold, hindi ko alam ang mga nangyayari, hindi ko maintindihan.

Hindi ko talaga maintindihan.

May ipinukpok si Arnold na maliwanag sa ulo ng Infected, agad itoy' bumagsak at napaatras si Arnold sa kaba.

"Fla....flashilight lang pala!" sigaw ni Maxie sa likod.

"huh?" reply ko.

Lumapit ako kay Arnold ng ilang pang hakbang, dun ko nakita ang naka plantang pangil ng Infected, dun mismo sa flashlight na hawak ni Arnold.

Oo nga pala! Naalala ko nung naglalakad kami kanina, hawak-hawak niya ang flash-light na yan! Napansin ko kanina na nawala ang flashlight nito nung kingat siya ng Infected.

Pero hindi pala siyang kinagat...>.<

"Arnold, halika rito." Ang simpleng sabi ko.

Nagulat si Arnold sakin, siguro nagulat siya sa boses ko...

Pero ang talino naman niya ipinag substitute niya ang flashlight niya para hindi siya makagat sa braso; nawawala ba siya sa sarili niya? Ang kilala kong Arnold dati ay palpak at talunan.

Noong lumapit siya sakin, dahan-dahan ko itinaas ang kamay ko, tumitingin siya sa mga kamay ko na parang naghihingi lamang ng pera, isang nagmamalimos sa harap ko.

Virus 666 (Discontinued)Where stories live. Discover now