Ep 8: The Lethal Arrival

872 12 4
                                    

(Ember’s POV)

Bumukas ang mga mata ko.

   Anong nangyari…bat parang may mali?

Masakit ang ibat-ibang parte ng katawan ko. binuklat ko ang pantalon ko, sa may hita ko puno ng mga maga, may sugat rin ako sa may braso ko, at masakit ang ulo ko. Maraming akong gasgas sa buong katawan ko.

   Nung bumangon ako, may kumikirot sa mga paa ko.

Aray…ang sakit.

Ano bang nangyari dito? Nakita ko ang nasa harap ko, bigla kong naalala ang mga pangyayari kanina.

    Yung Driver na may dilaw na iris.

   Nanginginig ako sa takot.

Ang lakas ng tulak niya sa amin ni Mica.

Biglang sumakit ang likod ng ulo ko, kung saan tinamaan ng pader.

   Napa-unggol ako sa sakit.

   Asan pala ang mga kaibigan ko?

   Madilim kasi ang paligid, halos wala akong makita kung hindi ako lalapit sa kung ano man lalapitan ko. May nakita akong ilaw sa labas, tumingin ako ng mabuti para ma-identify ko ang lugar kinaroroonan namin.

   Mukhang nasa ibang station na kami ng MRT.

Mukhang nabangga ang sasakyan namin. Mukhang naaksidente kami.

   Nagkaroon na akong ng-ideya, kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ko, mukhang basag na ang LCD, pero wala akong pakelam, mayroon nanyayaring masama, at sa tingin ko seryoso to.

   Bumukas ang cellphone galing sa sleep mode, nagsindi ito ng malakas na ilaw, sinisilawan ako. Pero nakita ko ang buong lugar. Halos kalat ang nasa lapag, mga fiber glass, parte ng bakal, bolts, supporters at mga maleta namin… at may isa pa…

Dugo.

Nung mawala ng ilaw ang cellphone ko, sinindi ko ulet, dahan-dahan akong nag lakad patungo sa mga imprinta ng mga Dugo.  Nagkabasag-basag ang mga fiber Glass na tintatapakan ko. bigla akong naglakad ng mahimbing, natatakot dahil baka mamaya sumulpot yung Driver.

Yung nakakakilabot na ngiti niya.

    Tumaas ang balahibo ko.

Nasan sila? Sana naman nandito lang ang mga yun...

Nung nakarating na ako sa may imprinta ng dugo , tuloy tuloy ang pag-hakbang , pero may naka-pansin sa attensyon ko.

 may nakita na kong katawan!

   Si Perri.

   “Perri?” bulong ko.

   Walang sagot.

   Inilawan ko ang mukha niya, wala siyang Malay at napansin ko na  nawawala ang salamin niya!

Patay na ba siya?

Hindi ko alam kung ano ang sagot pero biglang nagtubig ang mga mata ko. Napapaiyak na ako sa lungkot at takot.

   Tumulo ang mga luha ko.

   May pag-asa pa, naaala ko na naman ang method ginagamit ng mga nurse.

Gawin mo muna ang back-up lesson!

Nagpag-aralan  ko kasi yun sa psychology, for emergencies yun.

   Lumuhod ako sa gilid ng katawan ni Perri, puro galos rin siya at puno nga mga sugat, pero kahit ganun naniniwala ako na baka buhay pa siya.

Virus 666 (Discontinued)Where stories live. Discover now