(Ember's POV)
"okay, ganito guys...gawa muna tayong formation." Wika ni Louise.
Ang thoughtful ah, may plano talaga si Louise.
Maliwanag sa labas, maliwanag ngunit madilim ang isip ko sa naka-palibot na lugar. Bigla-bigla nalang kasi sumusulpot yung mga Infected, natatakot ako baka may mangyaring mali sa 'Party' na to.
Marami naman kami eh, hindi katulad nung kanina nung intake kami ni Kirah sa may CR.
Ember, tanga ka ba! Ang sabi ko sa sarili ko, kung marami kami, marami din Infected sa makapal na area na ito!
Nilalamig ako, hindi lamang sa lamig ngunit sa takot. Marami naman kasing posibleng mangyari kung maglalakbay kami ng malayuan.
At huwag mong sabihin na mabubukol na naman ako sa ulo! Hindi magandang experience yun.
Humarap kaming lahat kay Louise, parang kami talaga ang followers niya.
Napansin ko si Perri, nanginginig ang mga legs niya na parang bang blender.
Parang napapaihi?
"Perri, ayos ka lang?" tanong ko sakanya, "gusto mo ba mag-CR?"
"e...Ember, HINDI!" reply niya.
"huh?"
"ang ibig ko sabihin okay lang ako, medyo nilalamig, hehehe.. :D"
Natatakot yata siya?
"bumalik nalang kaya siya sa Train? mababali yung mga buto niya nyan." Point ni Arnold.
"ano kaba, Arnold?!" ang sabi ni Mica, "hindi masasanay si Perri pag patuloy tuloy nalang siya naiiwan sa loob ng sasakyan."
"sa bagay..." sagot ni Arnold.
Concern na concern siya kay Perri?
at tsaka parang nagiging close siya kay Bridgette, napansin ko kanina nung kausap ko si Perri sa labas.
"makinig kaya kayo," wika ni Maxie sa harap, "may nagsasalita rin dito eh, at binubully pa niya ako."
"hoy Max, hoy Max, hoy Max!" paulit-ulit ni Louise.
-__________- kahit na may nangyayaring masama, binubully parin ni Louise si Maxie.
"hoy tara, anung formation?" ang sabi ni Mica, halatang-halata naiirita siya kela Maxie at Louise.
"ready na kami." Sabi ni Arnold.
"okay, sige, mamaya na yung laro natin Max..." sabay harap ni Louise samin. "ganito, kailangan natin ng formation, para maging alerto tayo sa lahat ng direction, una, may dapat mag-bantay sa harap...mga dalawa."
"syempre, ikaw dapat ang nasa-harap." Wika ni Mica.
Ngumiti si Louise, halatang appreciate niya yung 'authority' niya. "sige...sino pa?"
"ako!" volunteer ni Arnold.
"sige, halika ka na dito." Sabay turo ni Louise ang lugar sa tabi niya. "sa mga gilid naman."
Tumingin siya kila Mica at Perri, "kayo nalang." Konklusyon ni Louise.
"sige..." sagot ni Mica.
"huh? Hindi ba ako pwede sa gitna?" sagot ni Perri, sabay kagat niya sa mga ngipin niya.
"sino naman ang mag-babantay sa pwesto mo? Perri, kailangan mo ilakas ang loob mo."

YOU ARE READING
Virus 666 (Discontinued)
HorrorDO NOT READ. BAD WRITING. MAJOR CRINGE-FEST (only keeping this from the Rubbish Bin because of nostalgic reasons.) "ALWAYS BE PREPARED FOR ANYTHING." 8 friends, a Zombie apocalypse, Revelations, Lost, Secrets, Character Development , Cast Updat...