Kabanata 1
Imposible
Tumugon ako sa kanyang halik. Malambot ang kanyang labi, ang sarap halikan. Dagdagan pang mapula iyon at kapag hinahalikan ay mas lalong namumula. Nasa kwarto kami at kauuwi niya lang galing sa company nila. Kanina, nagising nalang ako na nasa ibabaw ko siya at sinasakop ang labi ko. Kaya ng mabuhayan ng loob, tumugon ako gaya ng gusto niya. Naramdaman ko ang pagngisi niya, animo'y nagugustuhan ang pagtugon ko.
Ang kanyang kamay ay humaplos-haplos sa baywang ko. Nang matapos sa labi, bumaba ang kanyang halik sa panga ko, papunta sa leeg. Sobrang nakikiliti ako. Ang sarap niyang magbigay ng kiliti sa akin. Pinulupot ko ang braso sa kanyang leeg at mas lalo siyang diniin sa akin. Ang kanyang sentro ay nasa gitna ko, ramdam na ramdam ko ang bukol doon. Kanina pa siya matigas, at sa tuwing tumutugon ako sa kanyang halik, mas lalo siyang tumitigas.
Napahinga ako ng tumigil siya at tumingin sa akin. Sa loob ng apat na buwan naming pagiging ganito, natutunan ko na ang kanyang ugali. Areson Trax Rago is not a ruthless man. Malambing siyang lalaki. Kapag umuuwi siya galing sa trabaho, ako ang hahanapin niya. Tapos maglalambing siya sa akin para mawala ang pagod niya. Kaya ang ginagawa ko, sinasabayan ko siya. Sa loob ng apat na buwan, nakilala ko siya.
Oo, ruthless siya sa trabaho. Ruthless siya sa company. Pero kapag kilala mo siya, makikita mo ang katotohanan sa pagkatao niya. Mabait siya. Malambing, at mapag-alaga. Hindi niya ako pinabayaan. Tama siya, lahat ay binigay niya sa akin. Ngayon, hindi na ako nahihirapan sa pag-aaral. Tapos tumigil na rin ako sa trabaho. Kagustuhan niyang mag-focus ako sa pag-aaral kaya pumayag ako lalo pa't pagkakataon na ito upang makatapos ako.
Yes, we made love. Sa tuwing uuwi siya, sa kama ang hantungan namin. He's very active in sexual activity. Marami din akong natutunan sa kanya. Pero ang sabi niya'y gagawin ko lang iyon sa kanya. Sa loob ng apat na buwan, palagi siyang umuuwi sa akin. Pero sa sabado at linggo ay hindi. Hindi ko alam kung ano ang meron sa araw na iyon at kung bakit hindi siya umuuwi sa akin. Pero hindi na ako nagtanong. Hinayaan ko siya. At least, kapag lunes at byernes ay sa akin siya.
Minsan napapatanong ako sa sarili, ano ba ang ginagawa niya sa araw na iyon? Umuuwi ba siya sa kanilang probinsya? O, baka family day nila 'yon. Kaya hindi siya nakakauwi sa akin. Siguro may mga parte ng buhay niya na hindi ko pa alam. At hindi pa siya handang sabihin sa akin. Hinahayaan ko 'yon. Alam kong darating ang panahon na magsasabi siya. Basta ang mahalaga, kasama ko siya dito.
Kasi to be honest, mahirap na hindi mahulog sa isang katulad niya. Areson is very caring. Sa mga sinasabi ng mga tao sa kanya, hindi ko 'yon makita. They said, their family is ruthless but I couldn't see it. Well, hindi ko pa naman nakikilala ang kanyang pamilya, pero sa kanya palang alam kong mabait din sila. Mahirap na hindi mahalin ang katulad niya. Ibang-iba ang description ng mga tao sa kanya kapag kaming dalawa ang magkasama. Maalaga siyang tao, umuuwi sa akin at maglalambing.
Kaya ngayon, hindi ko napigilan ang sarili at nahulog ako. Hindi ko napigilan ang sarili, at gaya ng sabi ni Senyora, minahal ko na siya. Nandito na ako sa panahon kung saan hinahanap-hanap ko ang halik niya, yakap niya, pagiging malambing niyang lalaki at higit sa lahat, pag-aalaga niya sa akin. Lahat ng iyon ay hinahanap-hanap ko sa kanya. Kaya kapag duma-dating ang sabado at linggo, miss na miss ko siya. Hindi ako mapakali at para akong naubusan ng lakas kapag hindi ko siya nakikita.
"Love, kumain ka na?" he asked sweetly.
Hindi ko napigilan na ngumiti. Shit na malutong, Theia! Stop being so soft!
"Uhm…tapos na po, ikaw?" pinarahan ko ang boses.
Pumungay ang kanyang mga mata. Actually, we have a call sign. Ang tawag niya sa akin ay love, kahit wala naman kaming label. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naisip niyang itawag gayong hindi naman kami. Tsaka ang sabi niya ay walang commitment.
BINABASA MO ANG
Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed
RomanceAmaltheia Orejola, the woman who has the innocent heart and pure. Nagsusumikap sa buhay, kaibigan ang tanging sandalan sa buhay. Paano kung may dumating sa kanya na lalaking babago sa buhay niya? Ika nga'y masarap daw ang bawal. At kung paano mali p...