Kabanata 2

1K 31 6
                                    

Kabanata 2

Worth


Gaya ng kanyang sinabi sa akin, umalis siya ng umaga. Hindi ko manlang nalaman na umalis siya dahil tulog pa ako. Pagka-gising ko, wala na siya sa tabi ko. Gaya ng mga ginagawa niya kapag umaalis, hindi ako gini-gising. Pero kagabi bago kami matulog, may nangyari sa amin. He’s always like that, bago umalis may iiwan sa akin na mahirap kalimutan. Ang hirap kalimutan kasi palagi ko siyang naiisip. Ang mahirap kasi sa amin, hindi manlang siya marunong tumawag o magsabi manlang na nakarating na siya sa bansang kanyang pinupuntahan.

Malalaman ko nalang na nandoon na siya kapag may mga scoop sa TV o di kaya’y may magazine na lumabas patungkol sa kanya. Sanay na ako sa mga ganoon, pero sa tuwing nakikita ko ang babaeng kanyang ka-date sa mga events, ang puso ko’y sumasabog sa selos. Yes, sa pagsasama namin nalaman kong selosa pala akong babae. Na kahit sa maliit na bagay, pinagseselosan ko talaga.

Iiyak ako sa kama namin, iniisip siya habang ginagawa ang nagawa namin sa ibang babae. Iniisip ko, paano kung hinahalikan niya rin ang babaeng kasama niya katulad ng paghalik sa akin? Paano kung nagtatalik sila sa kama katulad ng ginagawa namin? Katulad ng pinaparanas niya sa akin? Paano kung lahat ng iyon ay ginagawa niya sa ibang babae? Paano ang nararamdaman ko? Paano ako? Iyon ang mga bagay na iniisip ko kapag umaalis siya ng bansa.

Sobrang hirap sa parte ko kasi selosa ako. Kasi kahit sa maliit na bagay, nasasaktan ako. Kaya hindi ko alam kung paano iiwasan ang makaramdam ng ganito. Gusto kong ayusin muli ang puso ko, kasi alam kong nasa kanya na iyon. Alam kong hawak niya na ang puso ko. Kaya wala akong laban. Ang bilis-bilis kong mahulog. Ang bilis kong magmahal. Noon, sobra kong higpit sa lalaki na kahit ang mga classmate kong umaakyat ng ligaw o nagpapahiwatig ng kagustuhan sa akin ay hindi ko pinapansin.

Pero sa kanya? Ang bilis-bilis kong nahulog. Ang bilis kong nagmahal. At siguro karma na rin iyon sa akin dahil sobrang higpit ko sa mga lalaki noon. Pero tama naman kasi ang ginawa ko e. Kung hinayaan ko ang sarili na makisalamuha sa mga nagkakagusto sa akin noon, baka naging pariwara ako ngayon. Baka hindi na ako nakatungtong ng college dahil baka may anak na ako. Kaya alam kong tama lang rin ang ginawa ko noon sa kanila. Tama lang ‘yon pero bakit ako ang binabalikan? Bakit ngayon ako naman ang naghihirap sa iisang lalaki?

Areson is very different man. He is a type of a man who had standard and foundation in life. Iba siya sa pinsang niya si Arvelon kasi nagiging malambot siyang lalaki kapag kaming dalawa ang magkasama. Nilalabas niya ang tunay na ugali kapag kaming dalawa lang. Pero si Arvelon, mahigpit talaga. Ruthless talaga, at pinapangatawan niya ang pagiging marahas. Kaya alam kong naghihirap rin si Ariadna.

“Hoy ses, kanina ka pa lutang. Ano na? Kulang sa dilig teh?” pukaw ni Berna.
Napatingin ako sa kanya sabay buga ng hangin. Kanina pa pala kami nandito sa cafeteria at kanina pa yata ako tulala. Sa dami ng iniisip ko, nakalimutan kong nandito rin pala sila.

“Wala naman. Tsaka anong kulang sa dilig? Hoy, diniligan ako bago umalis. Ikaw kumusta naman huh?” patuya kong sagot.

Agad umusok ang kanyang ilong. Ang boyfriend ni Berna ay isang manyakis. Alam namin ni Ariadna na swapang sa babae ang loko-loko na kahit kaibigan kami ng kanyang nobya ay gustong patusin. Buti nalang at hindi kami katulad sa ibang babae na madaling mahulog sa mga ganyang lalaki. Naku, uso pa naman ang mga relasyon na ganoon. Kabit dito at kabit doon.

“Wow teh, ang hambog mo huh! Hindi porket nakabingwit ka ng mayaman at masarap na lalaki, magyayabang ka na.” ani sa nakangusong labi.

Umiling si Ariadna habang nakatingin sa kaibigan naming hopeless sa mayaman na lalaki. Oo, alam namin na gusto niyang magkaroon ng mayaman na lalaki at syempre gwapo, ngunit sadyang madamot ang panahon at tadhana sa kanya. Sa aming tatlo, siya lang ang hindi binibigyan ng ganoon na lalaki.

Ruthless Series 2: Secret Wild In BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon