Kabanata 6
Collection
Tinignan ko ang orasan, pasado alas-onse na ng gabi ngunit hindi pa rin nakauwi si Areson. I try to dial his phone number or even text him, walang reply. Baka busy? Baka overtime sa trabaho? That's impossible! He's the boss! Hawak niya ang oras sa kanilang kompanya! Kaya bakit hanggang ngayon, wala pa rin siya?
Uuwi ba? O, hindi? Kasi kung hindi uuwi, hindi nalang ako maghihintay. I should sleep now. Narinig ko ang tiyan na kumulo sa gutom. I'm hungry. Hindi pa ako kumain dahil hinintay ko siya. But I guess, I would sleep starving to death.
Mula sa kama, iba't-ibang scenario ang pumapasok sa isipan ko habang iniisip ang ginagawa ni Areson ngayon. Nasa ibang babae ba siya kaya hindi nakauwi? Sana manlang nagbigay siya ng tugon sa tawag at text ko! Hindi sana ako maghihintay ng ganito katagal sa kanya! I should be sleeping now! This is very late!
Napahinga ako ng malalim. Trying to control my tears but again, I'm just so weak to stop it. I just can't stop myself thinking about him being with some other girls now. Muli kong tinignan ang cellphone, no presence of him!
I sighed heavily. I scrolled through my social media account, natutok ang mga mata sa isang group page kung saan tampok ang mga mayayamang personalidad sa bansa. Unang kita ko palang sa picture, I knew it. Areson hugging a woman in a very calm and protective way. It was a business party that happened in a peaceful hotel.
Hindi ko 'to alam. He didn't mention this one. Kahit nung umalis siya kanina, hindi niya sinabi sa akin. Wala siyang sinabi na may party'ng ganito siyang dadaluhan. But then again, thoughts cross my mind. Who am I to expect it? Who am I to ask for an explanation? Who am I to demand for it? Wala. I'm just a secret woman on his bed.
Iyon lang ako sa kanya. Pangtanggal ng libog sa kanyang katawan. To pleasure himself. More than that, I am nothing. Kaya ngayon, umiiyak ako habang pinagmamasdan ang mga pictures nila.
"A scion Areson Rago and Celeste Lagdameo spotted being together at the Business Party held at the ShangriLa Hotel."
That was the headline. Celeste Lagdameo is the daughter of a tycoon old business man. Mayaman. May pangalan sa industriya. Modelo. Sikat. Ngayon, kung ikukumpara ako sa kanya, saan ako makikita?
I get the point here. Hindi na sana ako umasa pang magiging totoo ang mga sinasabi ni Areson sa akin. He must be playful to say it and make me feel so special. Truthfully, I am dreaming of the man I cannot reach.
Tumayo ako sa kama at naisip na umalis ng penthouse. Anong gagawin ko dito? Iiyak at magdudusa sa nararamdaman? I need to party too! I need to stop this crazy bullshit pain I felt inside of my heart! Hindi pwedeng umiyak lang at manatili dito!
"Ano ba? Istorbo ka gurl!" matinis na boses ni Berna.
My tears flooded.
"B-bar tayo?" pinipigilan na hindi humagulgol.
I heard her deep sighed.
"Anong oras na babae ka! Dapat kanina ka tumawag." aniya sa naiinis na boses.
I smiled while crying.
"S-sige na... please?" I pleaded.
My friend sighed problematically. I know Berna. She will not turn down my offer.
"Basta sagot mo ha? Wala akong pera ngayon." sagot niya.
I nodded as if she was in front of me.
"Oo!"
After our talk, nagbihis ako ng damit. Inayos ang sarili at tinignan kung okay lang ba ang light make-up. I smiled sadly, I'm fine with my looks now. Silk revealing dress ang suot ko, nude stilettos. Hindi ko na tinali ang buhok, I let it wave by the air. Nang lumabas sa penthouse, wala ang dalawang guard. Siguro nagpapahinga o baka pumunta sa boss nila.
Bumaba ako sa ground floor at mabilis na pumara ng taxi. Sa RetroBar ang punta namin. Ilang minuto na biyahe, huminto ang taxi sa harap ng bar. Maingay at patuloy ang mga tao sa pagsasayaw. This is an open bar. May mga lamesa at upuan sa labas pero maluwag naman sa loob. Pumasok ako at agad na dumiretso sa island table. Ngumisi ang bartender sa akin.
"Alone, miss?" aniya habang nakangisi.
I shook my head.
"I'm with my friend." maikli kong sagot.
He smirked. Naglagay siya ng inumin sa harap ko. Napahinga ako at mabilis na nilagok ang alak. Muling naglagay ng alak ang bartender kaya muli kong ininom. Mapait sa lalamunan pero nakakagaan ng loob. Nakakawala ng stress at isipin.
"Gaga!" sigaw ni Berna.
Agad akong napabaling sa likod. Berna is wearing a very revealing dress. Napanganga ako sa suot ng kaibigan. Para bang pinaghandaan niya talaga ang pagpunta dito.
"Ano ba!" she mocked angrily.
Napatingin ako sa lalaking nakahawak sa kanyang baywang. Mas lalo akong napanganga ng mapagtantong isang mataas at matipunong lalaki ang nakasunod sa kanya. Matangos ang ilong ng lalaki, medyo maputi pero overall, gwapo ito.
"Bakit ka ba nandito!?" inis na sabi ng kaibigan ko sa lalaki.
The man just stalked her. Huminto sila habang pinagmamasdan ko. My friend is acting very crazy right now.
"I'm following you. You're wearing very tight, hon." the man said seriously.
Umikot ang mata ng kaibigan.
"Syempre bar 'to! Anong gusto mong suotin ko, pang madre?" sagot ni Berna.
Tumayo ako kahit medyo nahihilo na. Lumapit ako sa kaibigan at hinila na siya. Walang mangyayari kung mag-aaway lang sila. Hindi pa naman nagpapatalo itong si Berna.
"Tangina kasi e! Pinangarap ko gwapo at mayaman hindi clingy at possessive!" sunod-sunod na lintanya ni Berna sa akin.
Pinaupo ko siya sa highchair at agad binigyan ng inumin.
"Uminom ka nalang!" sigaw ko.
Maingay na dahil sa tugtog. Nagtawanan kami habang nag-iinom ng vodka. Agad akong nakaramdam ng pagkakahilo at umiikot na ang ulo ko. Mahina talaga ang tolerance ko sa alak. Kahit noon pa, mabilis akong malasing.
"Bakit ba kasi tayo nag-bar ngayon? Asan si Ariadna?" sumisigaw na sabi ng kaibigan ko.
Nakita kong lumapit ang lalaking kasama ni Berna at nasa likod niya lang. Napahinga ako para sa kaibigan. This is something new.
"Hoy, Amaltheia! Ano? Lutang?" aniya habang nilagok ang alak.
Nakita kong humawak ang lalaki sa baywang ng kaibigan ko. Something very serious here.
"G-gusto ko lang maglasing." maikli kong sagot.
She sighed and then drank another glass of whiskey.
"Stop drinking, please?" marahang boses ng lalaki.
Umikot ang mga mata ni Berna.
"Ano bang pakialam mo? Go home!" she shouted.
The man just shook his head. Matigas rin ang isang 'to huh! Hindi papatalo sa mala-dragon na sigaw ni Berna. I smirked and then sighed again. Muling bumalik sa memorya ang mga nakita sa internet. Areson with his girls collection.
A.A | Alexxtott
BINABASA MO ANG
Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed
Roman d'amourAmaltheia Orejola, the woman who has the innocent heart and pure. Nagsusumikap sa buhay, kaibigan ang tanging sandalan sa buhay. Paano kung may dumating sa kanya na lalaking babago sa buhay niya? Ika nga'y masarap daw ang bawal. At kung paano mali p...