(DISCLAIMER:
This is a story between two men, so kung 'di mo bet you're free to find another story.CREDITS FOR THE PICTURE PINTEREST!
LAHAT NG KARAKTER, KAGANAPAN AT PANGALAN SA KUWENTONG IT AY GAWA GAWA LAMANG NG MALIKOT NAUTAK NG OTOR.)
Was he cursed or he's just the black ship of the family. Araw-araw tinatanong ni Maximo Hernandez sa sarili kung bakit sa kanilang pamilya ay siya lamang ang naiiba. He's not normal, he's not like his siblings na mayroong mga blessings at kakaibang kakayahan. It may sound weird if he'll say he's not normal for not having any extraordinary ability tulad ng kanyang mga kapatid. Dahil kung tutuosin, the word normal doesn't suit their family. His family is unique and powerful.
The FAMILIA HERNANDEZ, ang pamilyang nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang lugar. Lugar kung saan malayo sa mga normal na tao. Maximo's family is the only family in their village na may kakaibang kakayahan. At ang kanyang ama at ina ang nagtatag, nagpatayo at nagtaguyod ng tagong lugar kung saan sila ngayon tahimik na naninirahan kasama ang iilang mga normal na tao na naniniwala at tumitingala sa kanilang pamilya. The people of their place and even their family is aware of the outside world ngunit mas pinili ng mga ito na manatili sa tagong lugar kung saan malayo sa kaguluhan at ingay na mayroon ang mundo sa labas.
In his 20 years of existence ay alam ni Maximo na hindi malayo ang pagkakaiba nila sa mga tao sa labas ng kanilang mahiwagang lugar. The language, pananamit, pagkain and even the infrastructures ng mga kabahayan at gusali sa mundong labas ay kapareho lang ng sa kanila. Kung tutuosin ay mas maganda at mas mataas pa ang kalidad ng kanilang mga kagamitan pagkat gawa ito sa mahika o may halong mahika. Walang problema, maayos ang lahat, but the only thing na hindi niya maintindihan ay bakit sa kanilang pamilya. Sa pamilyang binubuo ng mahika at kapangyarihan siya lamang ang pinanganak na wala nito. Buong buhay niya, he never felt alone but sa buong buhay niya rin never niyang naramdamang kompleto siya. He felt incomplete, is it because wala siyang mahika or is there something more na dapat niya pang matuklasan.
Sa kanilang pitong magkakapatid, siya lamang ang kakaiba. Walang kakayahang pagalawin ang mga bulaklak at puno, walang kakayahang kontrolin ang panahon, walang labis na lakas upang buhatin ang malalaking bato kahit ang isang malaking bundok, at higit sa lahat wala siyang kakayahang magpagaling ng may mga sakit o injuries. Maximo wondered if he's really a part of the familia Hernandez. He's different from them, he's not magical, he's not enchanted.
Every night in his room, lagi siyang nakatingala sa kalangitan, wondering if dadating ba ang araw na makakakuha rin siya ng mahika. Dadating ba ang panahon where he will make his parents proud. Ayaw niya mang sabihin o aminin but he felt useless. He was insecure, siya lamang ang walang unique na blessings.
He hopes that a miracle will come na magbibigay sa kanya ng tulong sa pagtuklas ng kanyang blessings.
BINABASA MO ANG
Encanto (BL Fantasy) (COMPLETED)
FanfictionCOMPLETED BXB Date started: January 5, 2022 Date Ended: January 7, 2022 Bawat pamilya ay may isang miyembro talaga na naiiba. Naiiba, hindi dahil masama ito. Naiiba kung hindi dahil espesyal ito. Ang kuwentong ito ay iikot sa mundo ni Maximo Hernan...