(Don't forget to vote weirdos)
(DISCLAIMER:
This is a story between two men, so kung 'di mo bet you're free to find another story.CREDITS FOR THE PICTURE PINTEREST!
LAHAT NG KARAKTER, KAGANAPAN AT PANGALAN SA KUWENTONG IT AY GAWA GAWA LAMANG NG MALIKOT NAUTAK NG OTOR.)
(Maximo)
"Kaya pa ba?" Tanong ko sa kamasa kong hinihingal na. Medyo malayo layo na rin ang nalakad namin at pataas na kami ng pataas. Ang lamig nga at mahamog kaya mas lalo kaming nahihirapan.
"I'm fine, ikaw nais mo bang buhatin na kita." Nakangisi nitong tanong. Halatang nang aasar.
"Hahaha nakakatawa. Ikaw nga itong hinihingal eh." Pambabara ko kay Knight at inirapan.
"Maupo muna tayo dito sa ilalim ng mga puno. Malapit na rin namang lumabas si haring araw. Hintayin na lang natin na lumabas ito at lumiwanag bago magpatuloy." Wika ko at naupo savay sandig sa malaking puno na nasa likod ko. Tumango lang naman itong kasama ko at tumabi rin sa akin. Ang dami daming puno dito pa nakisiksik sa akin.
"Doon ka nga! Ang daming puno dito pa tumabi." Reklamo ko rito. Napakadikit kasi eh.
"It's cold." Tanging sagot nito. Naramdaman ko naman ang panginginig niya. Dahil nga kargo ko itong lalaking ito at ayaw ko naman na mapahamak ito o ano hinayaan ko na lang ito.
"Why are you doing this?" Out of nowhere nitong tanong. Hindi ako sumagot, wala pagod ako eh bahala siya diyan.
"Alam mo bang napakamapanganib nito Max. You can get hurt by doing this. So why are you doing this?", Tanong na naman nito na ikinainis ko. Agad ko itong hinarap ngunit hindi ito nakaharap sa akin. Nakapikit ito at nanginginig.
"K-Kung ayaw mo pa lang sumama sana hindi ka na lang sumama." Wika ko rito na nauutal dahil sa lamig.
"I want to be with you Max. Ayokong mapahamak ka." Tanging sagot nito na nakangiti. Hindi ko alam ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napakabilis na hindi ko na makontrol anong nangyayari sa akin. Dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko ay mas lalo pa akong nanginig dahil sa lamig.
Nagulat na lang ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. Napatingin ako kay Knight ngayon ay nakadilat na ang mga mata nito at nakatingin sa akin ng maigi.
"A-Anong ginagawa mo." Nauutal kong tanong ng unti unti nitong nilalapit ang ulo niya sa akin. Ngumiti ito ng matamis na tila nagpainit sa aking mukha at nagpakalma sa akin.
I can't deny it, he's handsome. Guwapo si Knight, matangos ang ilong , mapupula ang labi at makinis ang mukha. Mabait rin ito. Teka bakit ko ba iniisip ang mga ito?
"Let's have some rest Max." Nabalik ako sa sarili ng magsalita ito. Napapikit na lang ako ng sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha ko. I thought he's going to kiss me, but I was wring. Inihiga nito ang kanyang ulo sa aking balikat habang hawak hawak ang kamay ko.
Dahil sa ginawa ng lalaking ito, hindi ko na masyadong nararamdama ang lamig. I don't know why I'm feeling this warmth but I like it. Komportable ako ngayon, na tila ba magaan ang lahat at safe ako.
I looked at his face at napangiti. Nakapikit ito at mukhang nakatulog na. I don't know why I'm feeling this Knight. Ngunit masaya ako ngayon at sumama ka. Masaya ako at nasa tabi kita. Kung ano man itong nararamdaman ko handa akong harapin ito.
*************+++++++++++++++************
"Wake up Cutie Max." Napadilat ako ng mata ng may tumapik ng mahina sa pisnge ko. Ng mabukasan ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Knight. Napangiti na lang rin ako.
"Goodmorning Max, are you that happy to see my handsome face kaya ka napapangiti?" Tanong nito. Doon ko narelit na nakangiti nga ako. Agad akong tumayo at binura ang ngiti sa aking mukha.
Agad akong tumalikod dito ng maramdamang tila umiinit ang mukha ko. Nakakahiya, ano bang ginawa ko.
"M-Magpatuloy na tayo." Nauutal kong sabi at agad na binitbit ang bag na nasa gilid ko. Narinig ko na man ang mahinang tawa ni Knight. Hindi na ako umimik at naglakad na.
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong nito sa akin habang nasa likod ko at nakasunod.
Umiling ako."I-Ikaw kung g-gutom ka may pagkain ako sa bag kumuha ka na lang. " Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nauutal?
" Mamaya na sasabayan na kita pag gutom ka na rin. " Magiliw na sagot nito. And I don't know why but I smiled because of what this man behind me said.
Bakit ganito ang nangyayari, may kakaiba na ba akong nararamdaman para kay Knight? Bakit ganito na ang epekto nito sa akin?
Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang. Napatingin ako sa unahan ko at nakitang patarik na ng patarik itong tinatahak naming daan. Mukhang palapit na rin kami ng palapit sa tuktok.
"Mag-iingat ka sa tinatapakan mo p-patarik na ng patarik i-itong dinadaan natin." Bakit b ako nauutal nakakainis. Kasalanan ito ni Knight eh. Kung hindi nito sinabi ang mga sinabi niya sa akin kagabi at kung hindi nito nilapit ang mukha niya sa akin kagabi hindi ko ito mararamdaman.
"I know, you too. And bakit ka nauutal, nilalamig ka ba? " Taong nito na nahihimigan ang pag aalala. And I hate it dahil nakakaramdam ako ng kakaibang saya at init sa mukha.
"W-Wala! Maglakad ka nalang nga ang dami mo pang tanong." Bulyaw ko rito. Arrgh! Nakakainis mulhang itong epekto niya sa akin ay alam ko na ang dahilan. Alam ko ito,kahit ngayon ko lamang ito naramdaman.
Hindi ko na ito maitatanggi ngunit hindi ko muna ito pagtutuonan ng pangsin hanggat hindi ko pa natatapos ang dapat kong gawin.
Hindi na ito nagsalita pa at tahimik na lang na sumunod sa akin.
"Wait, by the way where are we going? And alam mo ba ang daan ng pupuntahan natin? At gaano tayo katagal maglalakbay at aakyat sa bundok na ito?" Napatigil ako bigla sa mga tanong nito. Napangiwi ako bigla, eh kahit nga ako hindi alam eh.
Kamot ulo akong humarap dito at nakangiwing ngumiti.
" Sa totoo lang hindi, plano ko lang talagang umakyat dito at magbakasakaling makita si Kuya Matias. " Sagot ko. Nakita ko naman na tila gulat na gulat ito sa sagot ko.
" Seryoso?!" Pasigaw nitong tanong.Tumango lang ako. Napahilamos na lang ito ng kanyang mukha.
" So we are gere kasi nagbabasakali lang tayo na makita ang Kuya Matias mo? Are you out of your mind Max? ", Tila frustrated na tanong nito.Nangunot naman ang noo ko at nainis bigla ng medyo napalakas na ang pagsasalita nito sa akin.
" Aba kasalanan ko pa? Bakit Knight pinilit ba kitang sumama sa akin dito? Hindi 'di ba? " Naiinis kong sabi sa kanya. Napailing iling naman ito ng ulo na tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. Na mas lalo kong ikinainis.
"I know but you coming here without any concrete plan or information is just insane! Masyado kang padalos dalos!" Dahil sa sinabi nito ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at inapakan ito sakanyang kamay.
"Aww what's wrong with you!?" Daing nito. Sinamaan ko lang ito ng tingin.
"What's wrong mo mukha mo. Wag ka ng sumunod sa akin at bumalik ka na sa baba kung magrereklamo ka lang ng magrereklamo. Nakakainis ka sana hindi ka na lang sumama!" Parang maiiyak ko ng sabi. Hindi ko alam ngunit tila nasaktan ako sa mga sinabi nito. Hindi naman ako ganito eh, hindi ako madaling umiyak pero ewan ko ba. Ng sinabi iyon ni Knight parang na disappoint akonsa sarili ko. Kasi totoo naman eh, padalos dalis ako.
Mabilis akong naglakad paakyat kahit pa matarik ang daanan bahala siya diyan! Kung ayaw niyang sumama eh. 'di wag. Hindi ko naman siya kailangan at ang tulong niya!
Author's Note:
Ika-siyam na yugto para sa mata mong umiyak at namugto haha
BINABASA MO ANG
Encanto (BL Fantasy) (COMPLETED)
FanfictionCOMPLETED BXB Date started: January 5, 2022 Date Ended: January 7, 2022 Bawat pamilya ay may isang miyembro talaga na naiiba. Naiiba, hindi dahil masama ito. Naiiba kung hindi dahil espesyal ito. Ang kuwentong ito ay iikot sa mundo ni Maximo Hernan...