Encanto 19:

912 72 9
                                    


(Don't forget to vote weirdos)

(DISCLAIMER:
This is a story between two men, so kung 'di mo bet you're free to find another story.

CREDITS FOR THE PICTURE PINTEREST!

LAHAT NG KARAKTER, KAGANAPAN AT PANGALAN SA KUWENTONG IT AY GAWA GAWA LAMANG NG MALIKOT NAUTAK NG OTOR.)

Makalipas ang ilang buwan....

(Take note: Isang buwan sa Encanto ay Isang taon na sa mundong labas)

(Matias)

"Babalik na siya." Wika ko bigla habang kumakain kaming buong pamilya sa hapag kainan. Napatigil naman sila sa pagkain at narinig ko oa ang pagkalaglag ng ilang kubyertos.

"Babalik na si Maximo?" Naniniguradong tanong ni Adela. Tumango ako.

"Biglang may larawan ng isang nakangiting binata ang nagpakita sa aking pangitain. Babalik na siya ano mang oras." Sagot ko sa tanong ni Adela

" Babalik na ang anak natin Wilfredo. Hindinnanako makapaghintay. " Masayang sabi ni Mama kay Papa.

Masayang natapos ang aming paglain. Lahat kami ay pumunta sa sala at nag dekorar ng bahay.

Halos anim na buwan na rin ang nakakipas mula ng mangyari ang sumpa. Naging maayos ang lahat, wala ng mga halimaw. Wala ng unos. Tila naging balanse ang lahat. Humingi rin ng pasensya ang taong bayan sa kanilang ginawa.

Nalaman ko rin na ang mahika ni Maximo ay ang ang pagbibigay ng sumpa at siya ang natalagang maging bagong centro ng mahika. Siya ang papalit sa Alyor Tree sa oras na mamatay ito. Na sana hindi mangyari.

Napatingin ako sa labas. Napakaraminna ng nagbago. Sana maging maayos ang pagbabalik ni Maximo. Sana walang nagbago sa kapatid ko.

Bumaling ako ng tingin sa aking pamilya na excited na inaayos at nag de decorate ng bahay. Maayos na rin ang bahay at ang mga larawan namin umiilaw na lahat at puno na ng mahika at hiwaga. Pati na ang ang kay Maximo na kulay itim ang ilaw. Nilagay nga namin ito sa pinakagitna simbolo na siya ang pinaka importante.

Lunapit na akonsa kanila at nakangiting tumulong.

"Mukhang ang saya niyo yata, maari bang sumali?" Makalipas ang ilang oras na pagde decirate ay natuod kaming kahat ng marinig ang isang pamilyar na boses.

Lahat kami ay napalingon doon at nakita si Maximo na nakangiti sa amin.

Nakasuot ito ng kulay itim na roba. Mahaba na rin ang puti nitong buhok at magkaiba na ang kulay ng mata niya. Itim sa kabila at puti naman sa kabila.

"Oh, ayaw niyo yata akong makita. " Naiiyak na sabi ni Maximo. Agad kaming lumapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.

Sobra namin siyang namiss. Rinig ko ang mga hikbi ng aking kapatid. Kahit nga ako ay naluha. Masaya ako at nakabalik na siya.

Sana hindi na siya mawala pa.

Sana nga....

(Maximo)

Halos tatlong araw na rin ang nakakalipas mula ng makabalik ako.

Tila naglakbay ako sa loob ng Alyor Tree. Tila pumasok ako sa isang dimensyon at mag isang inayos ang lahat.

Ang akala ko sa aking pagbabalik ay magkagalit pa rin ang taong bayan at ang aking pamilya ngunit masaya akonat hindi na. Nagulat nga ako ng agad na humingi ng tawad ang mga tao sa bayan. Wala naman akong galit o ano. Sadyang sumpa lamang ang ginawa kong kabayaran para sa lahat.. na akin rin g pinagsisihan.

Encanto (BL Fantasy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon