Chapter 1: "Boyfriend"
Rose's POV
"Wow, ang ganda talaga niya noh?"
"Oo. Bagay sila ni Marshus."
Haay. Ang aga-aga chismis ang naririnig. At ako pa ang main topic. What a day. Monday ngayon at nasa kalagitnaan na kami ng 3rd semester.
"Marshus, the Campus Heartthrob. Sana akin na lang siya." Dreamy na sabi ng babae.
"Dream on girl. Kala mo papatol siya sa palakang tulad mo." Dinig kong sabi ng isang babae.
"Kung palaka ako ano ka na lang?" sagot naman niya.
Nakakarindi talaga. BTW the name is Rhinoa Syrene E. Oliveros. 17. Senior student of Lee Academy. Ye know? The k-12 do'n na kami.
Habang naglalakad ako sa corridor may nakita akong pamilyar sa akin.
Siya ata yun.. mabilis akong naglakad at sinabayan siya.
Nakapamulsa siya. Ang gulo-gulo ng buhok niya pero maganda paring tignan. Ngumunguya siya ng bubble gum habang parang zombieng naglalakad. Saan na naman kaya nagpupunta 'tong lalaking 'toh? Anlake ng eye bags, pero ang cute niya parin. hahaha. Panda.
"Hoy Tao buti pumasok ka." Sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil rin ako. Tumingin siya sa akin na nakapoker face lang. This is my boy best friend. kaso 'di na niya ako pinapansin. T^T
"Oh Rose nandiyan ka pala." Bored niyang saad tas nagyawn. Nagsimula na ulit siyang maglakad.
"Nandiyan na boy friend mo. Alis na" may pagkairitado niyang sabi. Napailing nalang ako. Hindi niya kasi gusto yung boyfriend ko. Babaero daw kasi eh.
Mabilis na naglakad si Tao kaya hindi ko na siya nasabayan. Nabigla na lang ako nung may umakbay sa akin.
"Hey babe."
"Hello" bati ko at ngumiti sa kanya. Tinanggal ko ang pagkaakbay niya sa akin. Like duh. Bawal sa school ang PDA.
"Ano first sub. mo?" tanong niya. Napag-isip naman ako. Habang iniisip ko napansin kong pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Tss. Mga walang magawa sa buhay.
"Math ata." Sagot ko at nagshrug.
"Magkaiba na naman tayo. Hatid na lang kita." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Owkey goosebumbs. Chos.
Marshus Williams. Isang sweet na fierce looking guy. Maputi, matangkad at siyempre pagpapantasyahan ba siya ng mga babae kung hindi siya gwapo?
Nakarating na kami sa room ko. Binitawan na niya yung kamay ko. He faced me then smiled, I smiled back. He is such a sweet guy. nagpaalam na siya at umalis.
Pumasok na ako sa room. Nakita kong nagbubulong-bulungan yung mga classmate ko habang nakatingin sa akin.
"Oh nandiyan na ang Campus Dreamgirl" maarteng sabi ni Kimi na napapalibutan ng kanyang mga alagad na babae. Mga 5 sila. Tinignan niya ako na parang nandidiri. Pinagtitinginan kami ng aming mga classmate.
"Naku si Kimi talaga palagi niyang inaaway si Rhinoa." Dinig kong bulong nila. Insecure lang kase siya.
Napatigil sila sa pagbubulungan nung narinig nilang may nagkakantang papunta sa aming room. Nagpigil tawa naman ako.
"Chichichichichi~DORA! ChichichichichiDORA!"
"Dora Dora Dora the EXPLOREEER!" tuloy naman nung isa.
"Swiper no swiping! Swiper no swiping!" dagdag rin nung isa na may hand motion pa.
Tinitigan sila ng classmate naming nakabukas ang bunganga na nagtataka.
"Sht. I really hate Dora." Sabi ni Nonette at ibinaba ang kanyang kamay.
"Oooy kumanta siya. Ahahahaha" Angel teased her.
"Oy hindi yon kanta. Sinabi ko lang!" dipensa ni Nonette, tinawanan lang siya ni Angel.
"Ang ganda pa naman ng entrance ko. Sinira niyong dalawa." Erica. Bumusangot siya sa dalawa. Napa-whatever na lang sila. Si Erica yung unang kumanta, sunod si Angel tapos.. hindi nga naman talaga kumanta si Nonette. Palaging KJ yan.
"Don't worry Nanot. I also hate DORA!" sigaw ni Angel at tinignan si Kimi at inirapan. Obvious naman na pinariringgan nila si Kimi. Kimi-Dora o Kimi Madora.
"Si Kimi pa ang pinariringgan niyo?!" sigaw ng isang julalay ni Kimi. Ang tawag namin sa kanya ay J1. Stands for julalay # 1.
"Bakit natamaan ba siya? Dora ba ang pangalan niya?" maarteng sabat ni Erica sabay flip ng hair. nainis naman si J1.
"Oh baka iniinsulto niyo si principal?" mataray na sabat ni J2.
"Like duh. ikaw ang nagsabe niyan. Insecure lang talaga kayo." Sabat ni Angel tas inirapan sila. oh bat nadamay na naman si "principal". Short hair kasi si principal. Tinatawag nila siyang Dora.
"Hey Rose. Buti sabay tayo ng class" masayang bati ni Erica at hinigit na ako palapit sa kanila. Well, they're actually my best buds. Magbabarkada kami since elem.
Nasa Pinakalikod kami na pinakagilid na malapit sa bintana. Ang ganda kaya ng view. Makikita mo ang mga building mula rito. Nasa 6th floor kasi kame eh. Sina Nonette at Angel ang pinakalikod na row. Kami ang sunod sa kanila.
"So kamusta boyfiee? " tanong ni Erica at nagbeautiful eyes.
"Okay lang. Stable." Sagot ko sa kanya.
"Ikaw kamusta love life mo?" tanong ko naman. Napabuntong hininga siya.
"Hindi parin nag-eemprove." Sagot niya.
"Ow. Yung mga bf mung antatanda na?" singit ni Angel. Nagtawanan sila ni Nonette.
"Eh mas matanda pa nga si Jack Frost eh.!" Dipensa ni Erica. Nagtawan kami ni Nonette.
"Oy matanda na nga rin si Hiccup" nakangising sabi ni Angel. Napatigil sa pagtawa si Nonette.
eto kasing dalawang kasama naming ay pinagpapantasyahan sina Jack Frost(Rise of the Guardians) at Hiccup(How to Train your Dragon)
"Kahit na mas matanda pa rin si Jack Frost." Sagot niya. Ahahaha. Napabusangot na lang si Angel at nagcross-arms. Umiling siya. Inirapan niya kami. Tumingin siya sa amin pero ibinalik niya ang tingin niya kung saan siya nakatingin kanina. Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Shit. Bull's alert!." She whispered loudly. Napatingin kami sa door. Nanlaki rin ang aming mga mata. Shit.
Automatic na nagsipuntahan na ang mga gulo-gulo kong mga classmate sa kanilang mga upuan. Nagsi-tahimik naman kami.
"Good Morning Class!"
"Good Morning Ma'am Chicago"
What a terror teacher
BINABASA MO ANG
The Innocent Playgirl (Completed)
Teen FictionSa tingin nila ang love ay isa lamang laro. Laro na gamit ang puso.. Para sa iba, love doesn't exist.. it's just merely a word.. A word that can give you a LOT of pain.. Si Rhinoa Syrene E. Oliveros ay tanyag na Campus Dreamgirl sa kanilang school...