Chapter 9: Secret
Huminga ako ng malalim. Napahugot rin ng hangin yung dalawa.
"Okey. Bago man natin umpisan ang question and answer portion pwede bang magtoothbrush muna kayo. Amoy alak kayong lahat" iritadong singit ni Nonette.
"Whatever" we said in unison.
Pumunta na kami sa sari-sariling CR at naligo. Buti may apat na CR dito sa bahay ni Erica. Habang naliligo ako hindi ka maiwasang isipin ang tanong nila. Do I like him? Nagflsh ulit yung scene kagabi.
"You know my Panda... thanks for being there for me. I love you."
"I love you."
"I love you..."
Waaaaaaaaaah!. Ano ba naman yan. Parang nag-eecho ang sinabi ko sa utak ko. -///- even though it's just a dream it gives me unusual feelings.
Nagsuot na ako ng damit at sinuklay ang buhok ko. Ano ang sasabihin ko sa kanila? Ano naman ang mga itatanong nila?
Lumabas na ako ng room. Nakita ko si Erica na bumaba.
"Candidate numbeeeer ONE! Mula sa lupaing kulang sa bigas, sandamakmak ang mandurugas, PILIPINAS!" makatang sigaw ni Angel.
"Representing Erica. Isa yan sa mandurugas ng pilipinas!" sigaw ni Angel. Dumaan si Erica sa harap niya at binatukan siya. Napa-aray na lang siya.
Bumaba na rin ako. Napansin ako ni Angel at nagready ng magsalita.
"Let's welcome our candidate number TWOOO! Makikita siya kung saan-saan.. specially sa kusina o paglutuhan. Mahilig siyang maglaro. Laro na itinataya ang puso. Let's give a round of applause for.. ROOOOSE!"
Hahaha. Push niyo yan. Tinap ko yung balikat ni Angel.
"Pwede ka ng maging announcer sa laban ni Pacman." Sinimangutan niya ako. Nagform kami ng circle sa sala.
"Ay wait. Tanong ko lang.. sino naglinis?" tanong ko sa kanila. Nagshrug sina Angel at Erica. Tinignan namin si Nonette.
"Well.. I black mailed some people."
"Oh? Sino naman?"
"Aries. Armel. Mhariel. Edelyn. At di ko na kilala yung iba." Simpleng sagot niya. wow lang.
"Ano naman ang pinangblackmail mu?" interesadong tanong ni Angel.
"I took some weird photos of them while they are partying." Nakangising sabi ni Nonette.
"Oy patingin maya ah." Angel. May binabalak ata to.
BINABASA MO ANG
The Innocent Playgirl (Completed)
Teen FictionSa tingin nila ang love ay isa lamang laro. Laro na gamit ang puso.. Para sa iba, love doesn't exist.. it's just merely a word.. A word that can give you a LOT of pain.. Si Rhinoa Syrene E. Oliveros ay tanyag na Campus Dreamgirl sa kanilang school...