Chapter 6

419 11 1
                                    

Chapter 6: Conflict

After kagabi umuwi na agad ako dahil sumakit ang ulo ko. Sumakit dahil sa kaiisip ng kung ano-ano at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

...

Umaga na ulit. Grabeh bakit parang ang sakit ng katawan ko. I stretched my arms and yawned. Napatingin ako sa orasan 7 na. Eh kahit naman malate ako eh wala naman akong gagawin.

Naligo na ako at nagayos-ayos ng sarili. Naka simple white shirt lang ako with jeans at isinuot yung blue kong boots.

I feel uneasy. May mali akong nararamdaman. I got a bad feeling. I shook my head and ignored it. Isninuot ko na ang shades ko at sumakay sa motor ko.

Maraming nakapark na sasakyan sa parking area ng school. Mukhang maraming tao. I walked with confident which made the people around me look dumbfounded. Chos lang. Haha.

mm.. san kaya ako pupunta.. sa booth na lang namin!

Habang papalapit ako sa booth namin may naririnig akong kanta. At alam ko kung kanino nanggagaling yung boses. Mabilis akong naglakad at pumunta sa booth.

(Merc: wala akong alam na kanta ni Tao na english so.. just imagine na lang na siya ang nagkakanta.)

(_Face Down_)

Ang ganda ng boses niya. Nakakamiss rin yung boses niya.

“Oy nandiyan ka pala Rose!”

Napatigil ako ng pagtingin sa kanya dahil sa pagtawag ni Keil. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Wow, ang dami pa lang nanonood. May nagvivideo, may nagpipicture, may nagchecheer. Ang dami pala niyang fans.

“Babes!”

Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses. Ah si Marshus. Nasa ground siya, kumakaway sa akin. Kinawayan ko siya, pawis na pawis siya.

Naglakad na ako papunta sa kanya. Hingal na hingal siya. Ah baka katatapos lang ang game nila. Sa basketball club siya part pero ang magkakalaban ay lahat ng club. At ang mananalo ay kakalabanin ang ibang school.

“Mukhang pagod ka ah.”

“Hindi na. Nakita na kita eh.” Sabi niya at kinindatan ako.

“Bolero.. “ hinampas ko siya sa braso. “Bilhan kita ng tubig.” Sabi ko. Tumango naman siya.

Pumunta kami sa canteen at binilhan ko siya ng tubig. Umupo kami sa isang table.

“Kamusta ang game niyo?” tanong ko sa kanya habang binubuksan ang chips na binili ko. Nakakagutom eh.

“Eto palaging panalo.” Pagmamalaki niya.

“Wow. Yabang.”

“Gutom lang yan.” Sabi ko at sinubuan siya ng maraming chips.

“Ahahaha. Mukha kang chipmunk na ewan.” Tawang-tawang sambit ko.

“HULI KAYO!”

“AHH!”

May naibuga pang chips si Marshus dahil sa pagkagulat. Napatawa ako nung nakita ko kung sino ang binugaan niya.

“Anak ng teteng naman oh Marshus. Kadiri ka.” Sabi niya.

“Hoy ChuChu nahuli mo na ba sila?” dinig kong sigaw ni Mhariel na naka-uniform ng pulis?

The Innocent Playgirl  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon