MerC: I'm happy dahil nagustuhan mo ^_^. hehehe. sorry nandadamay ako sa story na ito. Naging extra pa kami ^O^. hahaha. gusto ko si Tao pero ipinapaubaya ko na sayo. chos. hahaha.BTW kahit short story lang kung gusto mo ^_^ kunggagawa ka ng story. c Tao ung nasa pic. obviously. at my new fav. song. yung vid. panoorin mo.
eto ult ung UD.. enjoy ^..^
Chapter: School Fest and an awkwark scene
Nagsiupuan na kami. Di ko alam kung bakit kami takot kay ma’am. Nakakaintimidate siya. Well, bulls ang tawag nila sa kanya dahil kapag nagagalit raw siya ay lumalaki ang butas ng kanyang ilong. Haay. Ewan ko ba.
“Wala tayong lesson ngayon. Planning tayo ngayong araw.” Ma’am.
“YEEEEEEEEEEESSS!”
“YEAHHHHHHH!”
“WOOOHOOOO!”
Nagsisigawan na kami. Grabeh ang ingay haha.
“Wait. Wait. Keep Quiet!” sigaw ni ma’am. Tumahimik kami at umupo.
“Pupunta kayo sa inyong respective groups na sinalihan niyo. Magplaplano kayo kung ano ang inyong gagawin. Kung gagawa ba kayo ng Booth o kahit anong gusto niyo para makaraise ng fund. Ibibigay ang mga nakuha niyong pera sa school at iba pang nangangailangan.” Pagpapaliwanag ni ma’am.
I’m sure maraming excited dahil sa school fest na yan. Open kasi for everyone eh. Makakapunta ang mga taga-outsiders.
“Lahat ay kasali kaya pumunta na kayo sa sari-sarili ninyong grupo.” Utos ni Ma’am. Nagsitayo na silang lahat at umalis. Kaming apat na lang ang naiwan.
“Ay oo nga pala magkakaiba tayo ng groups” Erica. She’s part of the cheerleading Squad.
“Ayaw kong pumunta sa amin. Nakakapagod kayang mag-ayos” nakabusangot na saad ni Nonette. Nanot ang tawag namin sa kanya kung minsan. Part siya ng Sini-guhit.
“Haha. Tamad ka na talaga since birth” inakbayan ni Angel si Nonette. Sa Drama club sumali si Angel.
“Sige. Punta na tayo sa ating groups.” Yaya ko sa kanila. Tumango naman sila.
Pupunta pa kami sa kabilang building. Dito sa school namin may building para sa mga student associations. Kinuha ko ang headset ko dahil pinagbubulungan na naman kami. Isinaksak ko ito sa aking tenga. Napabuntong hininga ako.
Ang ganda ng song. Lonely ng 2ne1. Nakakarelax ang kanilang boses.
(Merc: Play the video. It’s lonely of 2ne1. Bago kong Fav. Ang ganda ^o^)
Nagpaalam na ako sa kanila dahil sa 3rd floor yung room ng club namin. Mag-isa akong naglalakad papunta sa room. Mukhang maaga ata ako, wala pang katao-tao. Mabagal akong naglakad dahil nakakatamad wala pa akong kasama. Binuksan ko yung pintuan, inilibot ko ang paningin ko. Ay may tao pala.
Tinignan kong mabuti yung nakayuko sa desk niya. May kulay puti siyang buhok. At iisa lang naman ang taong may ganyang buhok. Lumapit ako at tinabihan siya.
“Ang aga-aga natutulog.” Humalumbaba ako at napabuntong hininga na lang. Kinuha ko yung phone ko at tumingin ng music.
“Bakit kung nakapikit na ang mata tulog na?”
“AY PANDA!!” muntik ko ng nabitawan yung cellphone ko. Nakakagulat naman tong lalaking ito. Akala ko tulog. Hinigpitan ko ang hawak ko sa phone ko. Instop ko na yung music. Tinignan ko siya. Nakatingin naman siya sa labas.
“Tao.. iniiwasan mo ba ako?” mahinahon kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin na may pagtataka at pagkagulat.
o—key. Hindi siya sumasagot nakatitig lang siya sa akin. And I feel awkwark.
Owwwkey.. i’m starting to get anxious. Lumapit siya sa akin kaya napaurong ako. Shit. Lumapit siya ulit kaya umurong ulit ako at nasa edge na ako ng upuan!
My heart stopped and I feel like I’m stucked in my chair. Lumapit ulit siya.. ang lapit na niya. Naamoy ko na ang pabango niya. Hindi ko alam pero ipinikit ko ang aking mga mata.
....
“May dumi ka sa noo mo”
Iminulat ko ang aking mga mata. Malayo na siya sa akin. Kinapa ko ang aking noo. -////- napakapa ako sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinignan ko siya.
“Oh ba’t ang pula-pula mo? May sakit ka ba?” hinawakan niya ang noo ko. Tinabig ko ang kamay niya.
“Wala.” Inis kong sagot sa kanya. Napabusangot na lang ako.
“Ahem. Ahem. Nakakaistorbo ba kami?” napatingin ako sa nagsalita. Si Keil at meron na yung ibang kasama namin.
Inayos ko na yung upo po ko dahil malapit na akong mahulog sa upuan ko. Iniwas ko ang tingin ko kay Tao. Shit. Nagflaflash back ang scene na un. Arggh. Napakagat na lang ako sa labi.
“Uhh.. so nandito na ba tayong lahat?” tanong ni Keil habang inililibot ang tingin. Tiningnan niya ako at nagwink. At parang may ipinapahiwatig ang wink na yun. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
“Oo.. tatayo lang ang kasali dito. Total of 54” saad ni Alana. Siya ang co-leader ng club. Gusto nila akong maging leader kaso nga lang tinanggihan ko. Ayaw ko nga.
“Okey dahil iilan lang tayo plano kong magmini-concert na lang tayo. Next week na ang school fest so kailangan nating magmadali.” Pag-eexplain ni Keil.
“Meron tayong apat na band dito sa ating club. Ang mga hindi parte sa banda ay tutulong mag-ayos. Ang bawat banda ay tutugtog ng limang kanta.” Sabi ni Keil at tinignan ako. Tumango ako sa kanya. Kami ang first band.
“Ang mga leader ng bawat band ang mag-oorganize sa inyo. Tatanggap rin kami ng mga suggestions. At pangdagdag na rin ay gagawa kami ng karaoke booth. Kaya magiging busy tayo this week madami tayong gagawin. Mga leaders ng each band inaasahan kong maganda ang presentation ninyo.” Keil. Parang may worry sa tono ng boses niya.
Nagsisipuntahan na sila sa kanilang mga grupo. Pumunta narin ang aming kagroup sa amin.
“Hey Rose” bati ni Jin Hyun. Siya ang basis o pwede ring keyboard.
“Bespren!” todo ngiting bati ni Miko at nakipag-apir sakin. He’s the lead guitar. At FC yan. Haha jowk.
“Hey Guys..” well. Well look who’s here. Our Drummer.
“Hey France. Ganda mo ngayon ah.” Loko-lokong sabi ni Jin Hyun. Inirapan lang sila ni France.
“So ano ang plano?” tanong ni France at umupo sa tabi ko.
“Mag-iisip muna kami ng kakantahin ni Tao. Sasabihin namin sa inyo kung ano ang mapipiling kanta.” Tumango na lang sila.
“Sige tayo na. Magdedate muna sila ni Tao.” Nakangising sabi ni Miko at hinigit si Jin Hyun. Koreano yan kaya ganyan ang pangalan.
“Sus naman ‘tong mga to may boyfriend na nga yung tao.” Pagsita niya sa dalawa. Napailing na lang ako.
Napabuntong hininga na lang ako at tumabi kay Tao.
“You look so down.” Bored niyang sabi na hindi tumitingin sa akin.
He act like he knows me so well but... but..
I shook my head. I smiled at him. He looked at me wierdly..
I miss..
I miss.... HIM
BINABASA MO ANG
The Innocent Playgirl (Completed)
Teen FictionSa tingin nila ang love ay isa lamang laro. Laro na gamit ang puso.. Para sa iba, love doesn't exist.. it's just merely a word.. A word that can give you a LOT of pain.. Si Rhinoa Syrene E. Oliveros ay tanyag na Campus Dreamgirl sa kanilang school...