Chapter 5

528 14 3
                                    

Merc: ohoho. UD-UD rin pag may time.

hope yah like it.. coz I like it ^_^ naging extra ulit ako.

Chapter 5:The Story of Us

Monday na. Start na ng School Fest. Maaga akong nagising ngayon at inayos na rin ng aking sarili. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman ako nagbago ah. I smiled at myself. Malapit na.

Gagamitin ko yung kotse ko ngayon. Nagpaalam na ako kina lola at nag-drive papuntang school. 7 na at medyo marami ng tao. Andaming booths na nagkalat.

Lumabas na ako at naglakad. Inililibot ko ang aking paningin habang naglalakad. Parang nagtotour lang ako dito. May mga bumabati sa akin at ngumingiti kaya nginingitian ko na lang sila.

Napatigil ako dahil may kumakaway sa akin. Linapitan ko siya at minanmanan ang kanyang mukha. Sumimangot siya.

“Oi. Ako toh” tinanggal niya ang kanyang wig. Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Aries!?” shock kong sigaw sa kanya. Like.. wat da hek? He’s wearing a wig. He’s wearing a make-up. He’s wearing a dress. And he looks beautiful in it. e.e? nakatitig parin ako sa kanya.

“Hoy kung di lang talaga ako bibigyan ng whole year supply ng candy di ko gagawin to.” Inis niyang sabi at nagcross-arms.

“Hoy Aries! Malapit na kayo!!!” sigaw ni Angel sa di kalayuan. Pumunta na si Aries sa kanila Angel. Sinundan ko siya. Gusto kong makiosyoso sa gagawin nila. Nakita ko si Angel na naka-megaphone. Tumabi ako sa kanya.

“Hoy Aries! Sa bench ka uupo!”

Napatakip ako ng tenga. Grabeh. Naka-megaphone na nga sisigaw pa. Napatingin ako kay Aries. Nakabusangot siyang naka-upo sa bench. Nagfifilm ata sila ng movie.

“Oy ano ang gagawin niyo?” tanong ko kay Angel na nasa Tabi ko. Uminom siya ng tubig at tumingin sa akin.

“Gagawa kami ng Short Movie. Malapit ng matapos.” Sambit niya at tumingin ulit kay Aries. Nakita kong kumunot ang noo niya. Hinawakan niya ang megaphone at itinapat sa bibig niya.

“Hoy! Hindi nagmumukhang bakla si Aries! Para siyang babae! TANGGALIN NIYO ANG MAKE-UP!” utos ni Angel. Nakita kong tinggal na nila ang make-up ni Aries. Kahit walang foundation yan maputi parin.

“LEADING MAN! SAANG LUPALOP KA NG EARTH NAGPUPUPUNTA AT ANG TAGAL-TAGAL MO!!” sigaw ulit ni Angel na naka-megaphone. Napatakip na lang ako ng tenga. Ang lakas!. Sa sobrang lakas kahit saang parte ka ng school ay madidinig mo!

“Andito na! Andito na!” tinignan ko kung saan naggaling ang inis na inis na boses. O..O tinakpan ko ang bibig ko.

“ARMEL! ANG TAGAL MO PUNTA KA NA DUN!”

Pinigilan ko ang tawa ko. Pinagtambal sina Armel at Aries?? ohmygosh

Kinalabit ko si Angel.

“Kung tinatanong mo kung bakit ko sila pinagtambal eh kasi naman sa sobrang close nila talo pa nila ang magsyota. Kaya yan” pag-eexplain niya na may ngisi sa kanyang mga labi.

“AT.. ang ganda nilang pagtripan.” Dagdag niya at nag-evil smile. Itinapat niya ulit ang megaphone sa kanyang bibig. Hudyat na magsasalita ulit siya kaya tinakpan ko ang tenga ko.

“OkEY GET READY FOR THE KISSING SCENE AND BED SCENE”

“HUWAT!!” nakita kong gulat na gulat yung dalawa. Nagtinginan sila sa isa’t-isa at nandiri.

The Innocent Playgirl  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon