Rose and Tao moments muna.. haha.
next UD kasali na ang lahat. wehehe.
Chapter 4: Heights...
These past days sobrang naging busy kami. Practice dito practice don. Bili ka dito bili ka doon. Anebeyen. Haaaaaay Sunday ngayon kaya vacant day namin. Free day. Ngayon lang ako makakapagrelax. Kahapon may practice parin kami.
Nakakapagod. Wala pang cooperation si Tao. Konti na lang sasabog na talaga ako sa inis. Hinidi siya nagpaparticipate sa mga band-practice. Nakaka-stress.
Magrerelax ako ngayong araw. Kaya dapat stress free. Grabeh natulog ako maghapon. Anong oras na 3 o’clock na. Napagod-pagod ang katawan ko.
Ano kaya ang ginagawa ng mga yun. Kinuha ko yung phone ko at idinail ang group call.
“Hello!” masiglang bati ni Erica. Wow lang. Andaming energy ahh.
“Mukhang energized ka ah. May lakad ka ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Oo. Niyaya ko si Kuya Daren mag-movie.”
“Wow. Ikaw pa talaga ang nagyaya ah.” Sabi ko sa kanya.
“Ang tagal niya kasi eh. Sige see yah na lang. Nandiyan na siya.” Natataranta niyang sabi at binabaan na niya ako ng phone.
“May kadate na naman.” Bored na sabi ni Angel. Kelan niya pa sinagot yung tawag?
“May gagawin ka ngayon?” tanong ko.
“Oo. Hindi pa tapos yung langyang props namin.” Inis niyang sabi. Ang responsible niya kasi eh.
“Oh sigeh tuloy ko pa.” Sabi niya at in-end yung call.
“Yo..” bati ng mababang boses sa ibang linya. Napatingin ako sa screen ng phone ko. Ay si Nonette.
“May gagawin ka ngayon?” tanong ko.
“Oo. Matutulog ako. Napagod ako sa pinaggagawa namin sa club namin. Bwisit na school fest na yan.” Sabi niya na may halong yawn. Sasagot na sana ako pero parang may narinig kong humihilik na. Nakatulog na agad? Ambilis.
In-end ko na yung call. So.. mag-isa lang ako. Dumiresto na ako sa banyo at naligo. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas ng room ko.
“Alis muna ako Beb” hinalikan ko siya sa pisngi.
“Saan ka pupunta? Hindi ka pa kumain ah.” Sabi niya.
“Mamamasyal lang. Sige babye” paalam ko at umalis na. Gamitin ko na lang ang motor na bigay ni Lolo. Buti pinayagan ako ni Beb umalis. Mabait si Lola kaso nga lang di niya gustong tinatawag ko siyang “beb”.
Kinuha ko yung susi at pinaandar na ang motor. Well, medyo malapit lang naman ang park tinatamad akong magcommute.
Pinark ko ang motor ko sa parking lot. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang ganda talaga ng park na ito. Dito kami tumatambay magbabarkada. May lake ito, may malawak na flower garden, meron ding mga buildings, my mall rin sa di kalayuan, at my mga funrides.
Napasinghap ako sa hangin. Ang lamig. Nakakarefresh. Naglakad na ako patungo sa bench na nakaharap sa lake. Mapuno rin itong lugar na ito. Ang ganda lang.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya tumayo na ako at naghanap ng kakainin. Dating gawi na lang. Pumunta ako sa paborito naming coffee shop. Nag-order na ako at hinanap ang favorite spot namin.
Ay may naka-upo at kilala o kung sino. Naglakad ako papunta don at umupo.
“Nandito ka naman pala. Palagi ka dito?” tanong ko kay Tao na kumakain. Eh biglang nawala ang inis ko.
“Oo. Ako kaya nagturo sayo ito.” Sagot niya at kinain yung cupcake niya. Nagsimula narin akong kumain. Eh gutom ako.
“Tao, may lakad ka?” tanong ko habang kinakain ang last piece ng cupcake. Umiling siya bilang sagot. Oh so free siya ngayon.
“Pasyal tayo.” Yaya ko. Tinignan niya lang ako with bored expression.
“Sige na.” Tumayo ako at hinugot ang kamay niya at lumabas na kami.
“Ay wait bili muna tayo ng chicherya.” Aya ko at bumili.
“Grabeh katatapos lang kumain, kumakain na naman. Antakaw mo” busangot niyang sabi. Inirapan ko na lang siya at binelatan.
Hinigit ko ulit ang kamay niya at nagpunta sa funland.
“Ano ang magandang ride?” tumingin ako kay Tao. Nag-isip naman siya at ngumisi.
“Dun tayo sa ferris wheel” turo niya. Napatingin naman ako. Hala! Ayaw ko.
“Eh wag na diyan natatakot ako.” Ayaw ko diyan. This time siya naman ang nanghila. Hinila niya ako papuntang ferris wheel at diko namalayan nakasakay na agad kami.
Aishit. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at yung isang kamay ko ay nakawak sa kanyang braso. Nakapikit parin ako. Isiniksik ko ang mukha ko sa braso niya.
“Hoy harassment na yan ah.”
Gag*. Hindi parin ako kumikibo ganon parin ang posisyon namin. Nagulat ako ng biglang gumalwa ang ferris wheel. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.
“Oi. Ang ganda ng view oh.” I can sense that he’s making fun of me. Which annoys me.
“Hoy. Hoy.” Iniyugyog niya yung kamay ko. Hala. Gumagalaw yung inuupuan namin.
“Hwag kang galaw ng g-galaw!” hinampas ko ang braso niya. Iminulat ko ang mata ko. Napasinghap ako dahil shiz nasa tuktok na kami. Ahh!
“I’m afraid of heights.” Takot kong sabi kay Tao. At ang lokong to tinawanan lang ako. Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang ulit marinig ang tawa niya.
Pambabae ang tawa niya! Napangiti ako at medyo napatawa. Nakakasabay naman kasi yung tawa niya.
“Why are you afraid of heights?” tanong niya na tumatawa.
“I-.... I-I’m just scared of falling..” i barely said in a whisper. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin. Hindi ko maexplain ang expressin niya. Iniwas ko ang tingin ko.
“I might fall so hard and get hurt.. “ mahina kong sabi. Kumalas ako sa pagkakahawak sa kanya. Parang may ibang ibig sabihin ang agkasabi ko...
“I—“ naputol ang sasabihin niya dahil sa pagtunog ng kanyang phone. Sinagot na niya ito. Napatingin ako sa labas. Pagabi na.. nanlaki ang aking mata.
a-ang ganda.. ang ganda ng view. Grabeh. Makikita mo ang buong lugar dito. This is so.. BREATHTAKING..
“Why don’t you just let go. Hindi mo kasi makikita kung palagi kang nakapikit. Hindi mo mararamdaman kung iba ang iyong iniisip... “
Napatingin ako kay Tao. Nakatingin siya sa malayo. That hit me.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakaramdam ako ng kaba, ng pag-aalala. Mixed emotions.
Natigil na ang ride kaya bumaba na kami.
“Umm. I’m sorry Rose.. kailangan ko daw pumunta sa bahay. Ipinapatawag nila ako.”
Wala parin ako sa tamang pag-iisip dahil nababagabag ako sa nararamdaman ko. Bigla akong natauhan ng nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko.
“A-ah?” may sinabi siya.?
“I need to go now. Sorry. Bye” sabi niya na may malungkot na tono sa kanyang boses.
“Ahehe. Sige. See yah na lang sa school” nginitian ko siya.
Nagwave siya at umalis.
Sigh. Mas lalong na stress ako.
Uuwi na nga lang ako nakaka-arrrg.
BINABASA MO ANG
The Innocent Playgirl (Completed)
Novela JuvenilSa tingin nila ang love ay isa lamang laro. Laro na gamit ang puso.. Para sa iba, love doesn't exist.. it's just merely a word.. A word that can give you a LOT of pain.. Si Rhinoa Syrene E. Oliveros ay tanyag na Campus Dreamgirl sa kanilang school...