"Bessy! Sorry na!"
Bungad ko kay Mau pagka pasok ko pa lang.
Sinimangutan naman niya ako pero tumango. Ayan! Bati na kami nan. Ganyan naman kaming dalawa. Ako lang ang nakakapagtyaga sa ugali niya at siya lang din naman ang nakakatagal sa ugali ko. Well except kay Kyle.
And speaking of. Tinext ko siya kanina ng Goodmorning Baby. With matching I Love You pero hindi ko napansin kung nagreply siya. Wala siyang pasok kasi pag friday e.
Chineck ko ang phone ko at nakita kong nagreply na siya. Kaya napangiti nanaman ako ng malapad.
"Texting with your boyfriend again?"
Tumango na lang ako sa tanong niya. Siya si Janine Dy. Isa siyang bitch actually pero pinagttyagaan ko ang ugali niya dahil pinsan siya ni Kyle. At super close nila. So kung magiging mean ako sakanya. Baka siraan niya ako sa boyfriend ko at maturn off pa yun sakin.
"Ang agang landian ah. Talian mo yang boyfriend mo. Baka bukas wala na yan sayo."
"Ha? Anong sinasabi mo?"
"Slow. Tch. What Im trying to say is. Ienjoy mo na ang time mo na kasama siya. Miracles happen everyday. Baka marealize niya na lang bigla na hindi pala kayo para sa isat isa. Ciao!"
Napatulala na lang ako dahil sa mga sinabi niya. Kahit alam kong sala sa katwiran ang mga sinasabi niya. Mas kilala niya padin si Kyle kaysa sakin dahil pinsan siya nito.
"Wag mo ngang pansinin yung malanding yun. Dinudumihan nanaman non ang utak mo."
"Hayaan mo. Mas maganda naman ako sakanya."
Nakangiting sagot ko kay Mau. Ayako naman kasi magpaapekto sa mga sinasabi ni Janine kaya ngingiti na lang ako.
"Siya nga pala. Hindi kita masasabayan mamaya at may lakad kami ni Dexter."
Tango na lang ang naisagot ko sakanya. Loner nanaman akeysung. Haaays.
Si Dexter nga pala ang boyfriend niya. Engineering din katulad ni Kyle. Magkatropa sila actually.
Napangiti nnaman ako. Si Dexter kasi talaga ang dahilan kung bakit naging kami ni Kyle.
Matagal ko na kasing gusto si Kyle. E alam yun ni Dexter dahil nga magkatropa sila tapos bestfriend ko ang girlfriend niya. Kaya inaasar niya ako palagi pag magkakasama kami. Ayun. Ang asaran naging seryosohan. Nagising na lang ako isang araw na kami na pala ni Kyle. Wala akong kamalay malay na may boyfriend na pala ako. Haha. Napaka sabaw ko magkwento.
"Mauna na ko Airen."
Paalam ni Mau. Haay. Natapos na ang dalawang drawing subject ko ngayong maghapon at loner nanaman ako. Bat ba kasi walang pasok si Kyle ngayon e.
Speaking of. Hindi ko pa pala nababasa ang text niya kanina dahil dumating bigla ang bitch na si Janine.
From: Bb.
Ill go to school later. Just gonna get my stuffs. Take care.
Napangiti nnman ako na parang baliw. Shems. Rereplyan ko na sana siya kaso lang may nakabangga ako. At bilang mabuting mamamayan ng Pilipinas. Inuna ko ang nakabangga ko kaysa sa replyan ang boyfriend ko. And to my surprise. Isang Diyosa pala ang nabangga ko. Nakapikit pa siya habang nakahawak sa may baba niya. Mas matangkad kasi siya sakin kaya yung noo ko ang tumama sa baba niya. Haays. Short girl problems.
"Sorry Miss. Okay lang?"
Nakangiti naman siyang tumango sakin. Mukha siyang foreigner. Ang ganda niya talaga. Curly brown hair. Brown na brown ang singkit niyang mata. Yung ilong niya maliit pero matangos. Tapos ang lips niya sobrang red na halata mong natural. Diyosa nga.
"Im fine actually. Im sorry."
"Okay lang. Ako ang may kasalanan. Hindi kasi ako natingin."
"Well. Next time dont do that. By the way. Do you know where the Engineering building is?"
Itinuro ko sakanya kung saan at naghiwalay na kami.
Nakita ko naman ang kotse ni Kyle nung palabas na ako ng gate. Saktong papalabas din siya. Kilala ko ang kotse niya dahil KDE 929 ang plate number non. KDE means Kyle Dy Evans. At 929 naman dahil September 29 ang birthday niya. Nakakapagtaka lang kasi may katabi siya sa shotgun seat. Hindi ko masyadong nakita kung sino dahil tinted ang salamin niya pero alam kong babae yun.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with Kyle Evans~
RandomMy love for him is like a circle. It has no edges nor end. Well. I guess?