"So boyfriend mo nga si Blonde?!"
Makailang ulit na niyang tinanong sakin yan. Haays. Mejo nakkasawa na at parang gusto ko na siyang batukan.
"Oo nga. Bat ba paulit ulit?"
Sagot ko naman sakanya for the nth time.
"Teka. E paano nangyari yun?!"
Pangungulit pa niya. Mejo nakakaoffend yung paano nangyari yun thingy ha.
"Edi malamang nanligaw siya at sinagot ko siya! Ano ka ba naman?!"
"Oo nga. Pero. Thats insane."
"Insane insane ka jan. Basta boyfriend ko siya. Wag ka na magtanong at baka iwan pa kita jan."
"Haha. Akala ko talaga bakla yun si Blonde."
Sabi niya at tumawa pa ng malakas. Aba letseng to! Sabihan daw ba na bakla si Kyle ko. Malilintikan talaga sakin to.
"Hoy! Boyfriend ko ang pinaguusapan natin dito ha kaya wag na wag mo siyang tatawaging bakla. At tsaka bakit ba blonde ka ng blonde jan e itim naman ang buhok non!"
Iritang sagot ko sakanya. Tch.
"Seriously? Kailan kayo huling nagkita?"
"Ugh. Last week?"
Sabi ko ng may pagtataka. Oo nga no. Hindi ko na siya nakikita. Ilang araw na kasi silang na training e. Sa Araneta pa sila lagi nagpapractice kaya pano kami magkikita.
"Nagpablond na siya ng buhok. I think 3 days ago."
"Imposible. Ayaw niyang galawin ang buhok niya dahil baka daw magsilbi itong bad influence sa mga estudyante."
Come to think of it naman kasi. Nasa Student Council siya at school varsity tapos mangunguna siya sa patingkaran ng kulay ng buhok. Although pwede naman kaso lang ayaw niya dahil yun nga ang iniisip niya.
"Dont worry. He didnt want to. Someone made him--"
*ring ring*
Sabay kaming napatingin sa mga cellphone namin na nakapatong sa lamesa. Nasa cafeteria kasi kami. Pero dinalaw nanaman ako ng disappointment dahil phone ni Jasper ang nagriring at hindi sakin.
Walang paexcuse niya itong sinagot. Ibang klase. Wala talagang manners. Tch.
"Makikigulo ka lang dito e. Tch."
"---"
"Fine. Asan ka ba?!"
"---"
"Wait for me. Wag kang umalis jan."
Sabay baba niya ng phone niya.
"Airen samahan mo naman ako."
"Saan nanaman?"
"Sa gazeebo ba yun? May susunduin lang ako."
Tumango naman ako at lumabas na kami ng canteen. Mejo malayo ang gazeebo dito dahil nasa may swimming pool na yun ng school. Malapit sa parking lot.
Palinga linga ako habang naglalakad dahil nagbabakasakali ako na baka makita ko si Mau or si Kyle. Para rin makatakas na ako sa mokong na to. Masyadong FC e. Haays. Sa palinga linga ko. Isang familiar na babae ang nakita ko.
"Teka si Lei ba yun?"
Sabi ko at tumigil sa paglalakad.
"Mamaya ka na magsight seeing jan. Tara na."
Pareklamong sabi ni Jasper at kinaladkad ako papunta sa gazeebo. Great. Just great.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with Kyle Evans~
RandomMy love for him is like a circle. It has no edges nor end. Well. I guess?