Chapter 3

4 1 0
                                    

3 days. 3 days na simula nung nakita kong may katabing babae si Kyle sa kotse niya. Hindi na ako nag attemp magtanong dahil ayaw niya ng confrontations. So far okay naman kami. Nagdate nga kami kahapon actually. Nagsimba lang kami nung umaga at kumain ng lunch dahil may bisita daw siya. Pansin ko lang. Ilang araw na siyang may bisita. Ano yun stay in na? Haays.

"Nakabusangot nanaman yang mukha mo."

Tumingala ako kay Mau at ngumiti. Ngumiti naman siya sakin.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ko. Nagrereview ako ng mahusay dahil may quiz kami mamaya. Si Mau petiks na nakaupo sa tabi ko habang naka earphones at nagtetext. Grabe. Iba talaga pag gifted. Kainis -______-

*ring ring*

Tiningnan ko ang cellphone ko pero hindi naman ito ang tumutunog. Tumayo si Mau at mejo lumayo sakin so I assume na phone niya yung tumutunog. Tch. Siguro si Dexter yan. Buti pa siya laging tinatawagan ng Boyfriend niya.

Tiningnan ko naman ang cellphone ko at muli ay dinalaw nanaman ako ng diasppointment dahil magtatanghali na ay wala pa ding text ang napaka galing kong boyfriend.

"Bat ganyan ang itsura mo."

Napasimangot ako lalo ng tumabi pa siya sakin.

"Let me guess. Kasi hindi kita tinetext?"

Napaangat naman ang tingin ko sakanya at lalo akong sumimangot.

Narinig ko namang tumawa siya ng mahina.

"Hindi ka pa ba nasasanay? Alam mo namang busy ako. Ang dami kong--"

"Responsibilities."

I cutted him off. Oo na. Sanay na ako. Nagiinarte lang talaga ako this days.

"Ya ya. I know. May klase na ako. See you later."

Sabi ko at tumayo na pero hinawakan niya ang kamay ko at nag insist na ihahatid na daw niya ako.

Siyempre hindi na ako tumanggi. Sa ganitong paraan ko na nga lang siya nakakasama e.

"Kayde! Sabay tayo mamaya ha!"

Sigaw ni Janine kay Kyle. Kayde ang tawag niya dahil nickname niya dae to simula pagkabata. Nadala na lang hanggang tumanda dahil ito na ang nakasanayan nila.

(A/N Kayde as in KD.)

"Sure I'll pick you up."

Tumango na lang si Janine at pumasok na sa room namin.

Tiningnan ko naman si Kyle na parang nagtatanong.

"May party kaming pupuntahan mamaya. Family matters."

Tumango na lang din ako at nagpaalam sakanya. Hindi niya din ako pala masusundo dahil nga daw dun sa party. Haays.

Wait. Asan nga pala si Mau?

Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may message siya.

From: Bessy.

Airen. Uuwi na ko ha. May party akong aattendan mamaya. Ingat.

Haays. Edi sila na may mga party ako na loner.

Sakto naman na wala kaming prof kaya lumabas na din ako ng campus.

Naisipan ko namang magmall muna since wala naman akong kasama sa bahay. Only child lang kasi ako. Hindi naman kami mayaman kaya wala kaming katulong. Ang parents ko naman ay parehong nasa trabaho.

So ayun nga. Nagbyahe ako papunta sa mall. 30 minutes drive lang naman to papunta sa mall. Kasama na dun ang traffic.

Pagdating ko naman ay nagdiretso ako sa National Bookstore. Hindi ako bookworm. Titingnan ko lang kung may issue na ng The Maze Runner. Mahilig kasing magbasa si Kyle. Habit niya na basahin muna ang libro bago niya panuorin ang movie. Gustong gusto kong mapanood yung movie nun pero ayaw niya dahil hindi pa siya nakakabili nung libro. Haay. Napansin niyo bang napagiwanan na ako ng panahon? Yung mga taong nakakasama ko araw araw pinagpala ng katalinuhan pero ako pinagkaitan. Haaay.

Sakto namang meron pang series ng libro nito. Pero may nakahawak na din nung hahablutin ko na. Aaaahh! Sayang naman. Mukhang iisa pa -.-

Napatingin naman ako sa babaeng humawak nung libro. I knew it! Hindi ako magkakamali. Siya yung Diyosang nakabangga ko nung nakaraan sa school.

Tumingin siya sakin ng nakangiti pero may halong pagtataka.

"You look familiar. Have we met?"

Nakangiting sabi niya sakin. Ang ganda niya talaga.

"Oo. Sa campua namin. Ako yung napagtanungan mo kung saan yung engineering building."

Nagliwanag naman yung mukha niya at tumango tango.

"Ah! I remember. By the way. Do you need this book? Go ahead. You can have it."

Sabi niya habang iniaabot sakin yung libro. Pero dahil mahiyain akong natural. Hindi ko yon tinanggap.

"Are you sure?"

Tumango naman ako ng nakangiti sakanya at nginitian niya din ako pabalik.

"My bestfriend wants to read this book because of me. I kept on telling him stories about this book kasi."

Pagkekwento pa niya. Magaan ang loob ko sakanya actually. Nakakapag daldal na din ako kahit papaano.

"By the way. Do you mind accompanying me to lunch? My treat. Inagawan kasi kita ng book. And I dont take a No for an answer."

"Sige. Haha. Wala din naman ako masyadong gagawin e."

"Well that would be great! By the way. Whats your name?"

Oo nga no? Magiisang oras na ata kaming magkakwentuhan pero hindi pa namin alam ang pangalan ng isat isa.

"Ako si Airen."

Sabi ko ng nakangiti.

"Nice name Airen. Im Lei."

In a Relationship with Kyle Evans~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon