*Loving you must mean I really have to set you free.*
Tinanggal ko ang headset ko at bumaba sa taxi na sinasakyan ko.
Its been a week simula nung nangyari yung eksena sa mall. Okay na kami ni Kyle dahil hindi ko naman siya matiis. Hindi na din naman siya nag abalang magpaliwanag pa dahil gusto niyang kalimutan ko na daw yun.
Sinunod ko naman ang gusto niya. Pinipilit kong kalimutan pero parang ayaw pa din maalis sa isip ko.
Mas maganda ba sakin yung babaeng katabi niya? Mas matalino ba sakin na obviously ay yes ang sagot. At sino ba yung babaeng yun sa buhay niya?! Haaays. Napaparanoid lang siguro ako.
Pero ang dami kasing nagbago e. Pati si Mau. Maniniwala ba kayo na mas close na siya kay Janine na bitch ang tawag niya dati. Grabe. Parang sila na ang magbestfriend ngayon.
Naglakad na ako papunta sa room ko ng may nakabangga ako. Suki ata ako sa banggaan. Tch.
"Sorry."
Sabi ko at nagtuloy na ulit sa paglalakad. Hindi ko na siya tiningnan.
"Miss wait lang!"
"Sigaw ng iaang lalaki sa likod ko."
Naramdaman ko na lang na may biglang humawak sa balikat ko kaya ako napaharap sa isang greek god.
Hindi naman ako masyadong nashock at nanatiling normal pa din dahil mas gwapo naman sakanya si Kyle.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Ngumiti naman siya ulit at kamuntik na akong matumba sa pagkakatayo ko. Gravity. Suki nga ako ng banggaan, gwapo naman ang nakakaharap ko. Okay na din. Haha
"Can you accompany me to the Architecture building? My class starts at 15 minutes and I can't afford kung malelate ako."
Tumango na lang ako dahil nasstarstruck talaga ako sakanya. Shems. Ang gwapo niyaaaa.
"So the name is Jasper Dy."
Sabi niya sabay lahad ng kamay niya.
"Airen. Transferree ka?"
Paguusisa ko. Tutal mukhang mabait naman siya. Sasamantalahin ko na. Minsan lang ako mapansin ng isang greek god na kagaya ni Kyle. Pagbigyan niyo na ako. Haha
"Yup. I just came back from Canada."
"E bakit naman itong school na to ang napili mo? Ang dami daming school dito sa manila e."
Curiousity kills. Kung totoo yan. Baka kanina pa ako nasa morgue. Wala e. Cant help it, ang sarap kausap ng isang to.
"Dito kasi nagaaral yung pinsan ko, and my sister. Haaay."
"Ay okay. Dito na tayo."
Nakangiti kaming pumasok pero nalusaw agad ang ngiti ko ng may umirit sa loob. Hindi irit na kinikilig. Irit na puno ng inggiy, galit at frustration.
"First my cousin and now him?! O my god Airen! Ano fame--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinenyasan na siya ni Jasper na tumahimik. Seriously? Siya lang ang nakagawa non sa Bitch na si Janine.
"That wouldnt happen if somebody didnt leave me at home."
Nakangiti niyang sagot kay Janine.
Wait.
Loading...
50%
70%
90%
Magkapatid sila?!
"Dito kasi nagaaral yung pinsan ko, and my sister. Haaay."
And my sister.
Okaaaay? Unti unti nang nagsisink in sakin. So pinsan niya si Kyyyyle?! OMG! Isang kadugo nanaman. Good or bad ba?
Haaays. Good naman ata. I guess.
"Whatever JDy!"
Iritadong sagot naman ni Janine. Sumunod na lang sakin si Jasper sa upuan ko dahil wala akong katabi. Loner ako talaga e. Wala nanaman ang bestfriend kong mahusay. Saan nanaman kaya napadpad yun? Haaay.
"I heard we have a transferee. From the states am I right? Kindly introduce yourself infront."
Agad namang tumayo si Jasper. Feel na feel pa niya talaga . tch. Mukhang madadagdagan nanaman ng baliw ang listahan ko ng mga magiging kaibigan ko. Haaays.
"Hi guys! The name is Jasper Dy. Just call me Jasper. Im the twin brother of the ever famous maldita, Janine Dy. So yun lang. I hope we can be friends. Dont worry guys. Hindi naman ako warfreak tulad ni Jan!"
Tatawa tawa siyang bumalik sa upuan niya. Ako mismo ay nagpipigil ng tawa. Imagine, kapatid lang pala niya ang kailangan para mapahiya siya ng bongga sa harap ng mga classmates namin. Haha. Havey talaga nito si Japer. Kakasura lang. Kkakaumay na kasi yung kamalditahan ni Janine e. Mabuti na yung napapahiya din siya paminsan minsan.
Buong klase namin ay palingon lingon si Janine gamit ang kanyang death glare. Ang unggoy naman na katabi ko ay binebelatan pa ang kakambal niya. Totoo pala yun na malabong magkasundo ang magkambal na magkaiba ng gender no?
"Thats all for today. Class dissmiss."
Pagtatapos ng prof namin. Vacant ako ngayon, mukng vacant din ang isang ito dahil pareho kami ng schedule. Nakakapagtaka, dapat ireg siya dahil kakalipat lang niya. Hmm. Amazement. Hahaha
"Saan ka Airen?"
Tanong agad ni Jasper pagkaayos ko ng gamit ko.
"Canteen lang. Hindi pa kasi ako nagbreakfast e. Ikaw ba?"
"Sasama sayo. Wala pa naman akong alam dito e."
Napatango na lang ako at lumabas na ng room. Sumunod naman si Jasper sakin na parang tuta. Haay. Ke gwapong tuta. Hahaha.
Pagkadating namin sa canteen ay pinagtitinginan agad kami. Dalawa lang yan e, una kasi gwapo ang kasama ko, pangalawa, ginigisa na nila ako sa mga utak nila dahil gwapo nga ang kasama ko kaya iniisip nilang ang landi landi ko. Haaay. Ganun naman palagi.
Umorder na lang ako ng lasagna at pineapple juice. Naghsandwich lang si Jasper.
"Airen. Since madami ka atang alam dito sa school. Ikaw na lang ang tatanungin ko."
Tiningnan ko lang siya pero hindi ako sumagot. Mukhang nagets naman niya agad na ayaw kong umimik dahil nakain ako. Great. Magkakasundo kami.
"Kilala mo ba yung pinsan ko?"
Tumango ako at uminom ng tubig bago sumagot.
"Si Kyle?"
Tumango naman siya.
"O anong meron sakanya?"
"By any chance. Alam mo ba kung saan ang room niya?"
"Oo naman. Saulo ko schedule nun."
Bahagya namang kumunot ang noo niya. Yung mata niya, parang nanunuring nagtataka.
"Bakit? Crush mo siya?"
Muntik na kong masamid dahil sa tanong niya. Tsaka lang nagsink in sakin na wala nga pala siyang alam. Tsk. Tanga mo kasi Airen. Alien nga ang isang to diba?
"Girlfriend niya ako."
Nanlaki ng bahagya ang ,ata niya at umawang ang bibig niya. Tch. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with Kyle Evans~
RandomMy love for him is like a circle. It has no edges nor end. Well. I guess?