Chapter 9

3 1 0
                                    

Kinabukasan. Nakareceive ako ng text galing kay Jasper na nagsasabing naaksidente daw si Kyle kagabi. Gusto ko nang umiyak dahil alam kong kasalanan ko kung bakit. Pero sinundan naman yun ng text ni Kyle na wag na daw akong magalala dahil okay na siya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Pero hindi pa din ako kuntento kaya ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin tsaka nagpunta sa ospital. Dumaan muna pala ako sa contis para bumili ng cake. Chocolate ang binili ko dahil nakakagaan yun ng pakiramdam. Ewan. Hula ko lang. Haha

Tsaka may hint ako na favorite yun ni Kyle dahil mahilig siya sa chocolates. Hula ko lang ulit. Haha

Nagbyahe na ako papunta sa ospital. Tinext ko si Jasper at sinabi niyang nandun din daw sya. Mas okay dahil may makakausap naman ako. Alam niyo naman ang pinsang si Janine at ang kapatid na si Kyla. Masyadong maldita para sakin. Haays

Pagkababa ko sa lobby ng ospital ay nakareceive ako ng text galing kay Jasper.

From: Jasper Dy

Airen. Maybe its not the right time para tumuloy ka. Bukas ka na lang bumisita.

Napatigil naman ako sa message niya. Pero huli na. Nandito na ako e. Sumakay ako ng elevator at nagtungo sa 8th floor. Room 804 si Kyle. Yayamanin talaga ang boyfriend ko dahil floor ng presidential rooms ang nasa 8th floor.

Agad akong nagdiretso sa kwarto ni Kyle. Nakita kong nakasara ang pintuan nito kaya kumatok ako. Naghintay ako ng ilang segundo at nang walang nasagot e pumasok na ako. Nakita kong walang tao pero may mga gamit sa loob. Naisip ko naman na baka nasa check up si Kyle kaya sinabi ni Jasper na wag muna akong magpunta.

Ipinatong ko na lang ang cake sa side table at lumabas. Magiikot ikot na lang muna ako. Baka matagalan sila dahil check up yun e.

Haaays. Hindi ko pa rin maiwasang mag alala. Sino ba naman kasong girlfriend ang hindi mababother kung ang boufriend niya e naaksidente dahil sakanya.

Well. Not totally dahil sakin pero kung hindi siya pinainom ng Papa ko e hindi siya maaaksidente so hindi pa rin ako pinapatahimik ng konsensya ko.

Napansin ko namang may pumasok na nurse sa kwarto ni Kyle kaya agad akong naglakad papalapit dun. Hindi pa man ako nakakalapit ng todo e may narinig na akong nagsisigawan sa loob. Isang babae ang galit na galit kay Kyle. Sinubukan kong sumilip sa kaonting awang ng pintuan at nakita ko ang may kaliitang babae na halata mong frustrated dahil sa paraan ng paghawak niya sa kanyang buhok.

Siya ba yun? Siya ba yung laging katabi ni Kyle sa kotse pag makikita ko siya? Tatakbo na dapat ako ng marinig kong sumigaw siya.

"Thats insane! Youre such an idiot Evans!"

"I know! Calm down Hera!"

Hera. So siya nga? Pilit kong sinisilip kung anong itsura niya pero nakatalikod siya sakin at tanging ang magandang buhok at magandang hubog ng katawan lang niya ang kita ko.

"Sinong nagpainom sayo ha?!"

Sigaw niya pa ulit kay Kyle. Mejo nakaramdam naman ako ng takot dahil once na sinabi ni Kyle ang totoo ay may chance na kagalitan ako ng lahat ng nasa loob ng kwarto niya.

"Tatay ng girlfriend ko."

Sagot naman ni Kyle ng malumanay. Parang iba siya. Para siyang maamong tupa sa harapan ng babaeng to. Normally sisigawan niya din ito pero hindi. Parang gusto niya pang pakalmahin ang babaeng ito.

Hindi ko yun kaya.

"My God Evans! Matalino kang tao! You shouldve known better!"

"Hera nakakahiyang tumanggi. Okay. Its my fault. Sorry kung nagalala ka pa."

Tumahimik silang lahat. Pero nabasag ang katahimikang yun ng nagsalita si Kyla.

"Sino naman ang magdadala ng chocolate cake dito?"

"Idunno. Maybe its not for me."

Aaminin ko. May pagtaaka ako pero nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ba niya naisip na may girlfriend siyang mag aalala at magdadala ng cake para sakanya?

"Ofcourse its not for you. You hate chocolates more than you hate being with me."

Being with her? So lagi silang magkasama? Para namang may biglang kumurot sa puso ko.

Tumalikod na ako at nagstart nang maglakad nang may tumawag sakin.

"Airen!"

Boses ni Jasper. Lumingon ako at ngumiti. Sinabayan niya na lang ako paglalakad.

"Uuwi ka na?"

Tanong ko sakanya.

"Oo. Kagabi pa ako dito e. Mahiya naman sila sakin."

"Pano mo nga pala nalaman na nasa ospital na si Kyle."

Nagisip naman siya.

"Tumawag na lang si Kyla sakin e. Ewan. Baka si Hera."

Sabi niya pagkasakay namin ng elevator.

Hera nanaman. Sino ba siya?

"I know what your thinking. Its not my story to tell."

"I know. I understand."

Hanggang makababa ay tahimik lang kami ni Jasper. Hinatid niya na din ako pauwi pero hindi pa rin kami naguusap.

Pagkauwi ko sa bahay, as usual wala ang parents ko. Gusto kong maiyak pero parang ang babaw ko nMan. Dahil lang sa hindi ko alam king sino si Hera. Dahil lang sa si Hera ang nandun sa ospital para bantayan siya at hindi ako. Dahil sa nagsorry siya kay Hera dahil nag alala ito dahil sakanya.

Siguro nga mababaw ako. Siguro nga.

Nagising ako ng bandang ala sais dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Haay. Dahil sa pagdadrama ko hindi na ako nakakain ng pananghalian.

Bumaba ako sa kusina at kumain. Hindi naman ako ganong kaselan kaya yung tira ko na lang kaninang umaga ang kinain ko.

Pagkatapos syempre hinugasan ko ang pinagkainan ko. Nakakahiya naman kasi kina Mama kung sila pa ang paghuhugasin ko.

Nagulantang naman ako dahil tumunog ang cellphone ko. Tinuyo ko ang kamay ko at napangiti dahil sa sender.

From: Bb.

Freak. Bantayan moko tonight. This jerk is missing you :*

Lalong lumapad ang ngiti ko. Nagmamadali tuloy akong pumunta sa ospital para bantayan ang boyfriend ko. Tinext ko na lang sina Mama at sinabi ko ang totoo. Pumayag naman sila dahil alam kong nakakaramdam ng guilt si Papa

Agad naman akong nakarating sa ospital dahil nag taxi na ako. Madaling madali te? Usually nagtataxi lang ako kapag madaling madali na talaga ako. Yung super urgent na talaga

Agad akong nadiretso sa kwarto ni Kyle at kumatok. Mukhang peaceful ah.

"Ang bilis ah-- Ah Airen. Ikaw pala."

Tumamlay ang ngiti ko. Bakit? Hindi ba akp ang ineexpect niya na pupunta? Si Hera pa rin ba? Haaay.

"What are you doing here? Its pretty late. You should be home by now."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Napakunot ang noo ko at pinakita sakanya ang message niya. Maging siya ay kumunot ang noo bago huminga ng malalim.

"Will you be comfortable? You can't sleep here kasi hindi tayo kasya."

Sabi niya na parang walang gana. Hindi ko na lang pinansin at sinabi ko sakanyang okay na ako sa sofa. Haaaaay. This will be a long night I guess.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In a Relationship with Kyle Evans~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon