"Youre such an idiot JD!"
Sigaw nanaman sakanya ng babaeng kasama namin. Kanina pa sila nagsisigawan at kanina pa ako nabibingi actually.
Napatunayan ko talagang walang manners si Jasper dahil hindi man lang niya ako pinakilala sa kasama niya. Para tuloy akong chaperone ngayon.
Pero infairness. Maganda ang kasama niya ngayon. Mas maganda sakin. Haaays.
"Shut up Kyla! Youre so annoying! And please. Tawagin mo nga akong Kuya!"
Pagalit namang sigaw sakanya ni Jasper. So. Kyla pala ang pangalan niya. I wonder kung kaano ano niya to.
"Fine. Kuya JD. Take me to Ate Janine!"
Nako. Mukhang hindi ko ito makakasundo ah. Mukhang pro- Janine to.
"May meeting nga siya!"
Inis na sagot nanaman ni Jasper. Mejo nakakahiya na dahil pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan. E dalawang nagsisigawan ba naman ang kasama mo ewan ko na lang kung hindi ka mahiya. Tch.
"Jasper. Who is she?"
Maarteng tanong niya refering to me. Aba. Kung tingnan ako ng batang to parang nakakadiri ako ah. Oo bata lang siya. Parang 14 years old o 13 lang pero mukhang matured na dahil sa pagkilos at pananamit niya.
"Ah ayan? Girlfriend ni Kayde yan. Hindi mo alam?"
Napakunot naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Jasper. Napataas naman ang kilay ni Kyla. Aba. Bakit pakiramdam ko e dinidiscriminate ako ng batang to sa utak niya? Tch.
"Seriously?"
Mataray na tanong ni Kyla.
"Kyla. Be nice to her. Girlfriend yan ng Kuya mo."
"Kuya?"
Pagtatakang tanong ko. Ibig sabihin kapatid ni Kyle tong malditang ito?
"Oh. Bakit? Hindi ba niya ako nakwento sayo?"
Sabay smirk pa niya. Be nice Airen. Future sister-in-law yan.
"Hindi e."
Sabi ko sabay smile. Ngumiti din naman siya sakin. Yun nga lang, pamalditang ngiti.
"Its okay. Quits lang tayo. Never ka naman niyang nabanggit sakin e."
Sabi niya na ikinawala ng ngiti ko. Ibang klase tong batang to. Anong klaseng pamilya ba meron ang boyfriend ko? Haays.
*ring ring*
Naputol ang katahimikan namin dahil sa nagriring ang cellphone ko.
Dinukot ko to sa bulsa ko at napangiti ng malapad. Sinenyasan ko naman si Jasper na lalayo muna ako at tumango naman siya.
"Hey!"
Masaya kong bati sakanya. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.
"Miss na miss ako ah?"
Sagot naman niya sa kabilang linya. Walang kasense sense niyang sinabi pero kinikilig ako. Haay.
"Aba talaga. Ang tagal mo magpakita e."
"Well then. Lets have dinner yogether. Kakatapos lang ng final game namin kanina. And ofcourse champion kami at MVP nanaman ang gwapong to."
Sabi niya ng natawa pa. E? Championship na pala yun. Akala ko nagpapractice lang sila. Haays. Edi ako na ang girlfriend na hindi updated.
"Pauwi nanaman ako so susunduin mo pa ako or ako na lang pupunta don?"
"Ofcourse I'll fetch you."
"Sige. See you later."
"Okay. Take care."
*toot toot*
Aish. Nakalimutan kong mag I Love You. Ayt. Dibale na nga. Mamaya na lang.
Nilapitan ko ulit sina Jasper to see na nandun na si Janine. Uh oh. Bitch alert.
"Jasper uwi na ko."
"Ang aga pa. Sama ka muna samin magmeryenda."
Nakakatemp pero kailangan kong magpakagutom dahil may date kami ng boyfriend ko mamaya.
"E may pupuntahan pa ako mamaya. Ingat kayo!"
Sabi ko at tumalikod na. Narinig ko pang nagcomment si Janine pero hindi ko na yun pinansin. Hindi naman sila si Kyle para pansinin ko ng pansinin.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with Kyle Evans~
AléatoireMy love for him is like a circle. It has no edges nor end. Well. I guess?