"Come down. Im here."
Sabi ni Kyle sa kabilang linya inend ko na ang tawag at tumingin muna ulit sa salamin tsaka bumaba. Wala pa naman sina Mama kaya nag iwan na lang ako ng not na nagsasabing umalis muna ako saglit.
Lumabas na ako kaagad ng bahay matapos ko siguruhin na wala na akong naiwan na aalalahanin. Mahirap na baka masunugan pa kami.
Nagulat naman ako sa nakita ko paglabas ko. Isang greek god na blonde ang buhok ang nakasandal sa kotse niyang kulay pula. Ibang klase. Blond na nga ang buhok niya.
"Hindi ba bagay?"
Sabi niya at humawak pa sa buhok niya.
Umiling naman ako at ngumiti.
"Nastarstruck lang siguro ako sa kagwapuhan mo."
Sabi ko sakanya ng nakangiti. Hinalikan naman niya ako sa pisngi at pinagbuksan ng pinto.
Nagbyahe kami papunta sa ATC. Maikli lang ang byahe dahil nasa Alabang lang naman kami. Buong byahe naman e kwento lang siya ng kwento tungkol sa nangyari sakanya dun sa championship nila. Syempre nakikinig naman ako sakanya.
"Whats wrong? Ang tahimik mo ata. Normally ikaw ang maingay satin."
Sabi niya pagkaupo namin sa table. Sa Giligans namin napiling kumain dahil gustong gusto ko ang atmosphere dito.
"Nameet ko na yung kapatid mo."
Napakunot naman ang noo niya bago sumagot.
"Ha? Sino?"
"Anong sino ka jan. Si Kyla. Ang maldita pala nun no?"
Sabi ko naman sakanya na may halong amazement sa boses ko.
"Ah yeah right. Kyla the great. She's my younger sister. Hindi naman kasi siya dito nakatira kaya hindi mo siya kilala."
"Saan ba siya nagsstay?"
"Sa Canada. Kakabalik lang niya 2 weeks ago. Hindi ka naman si sinupladahan?"
Jusko. Kung alam mo lang kung pano niya ako idiscriminate sa utak niya. Haays.
"Hindi naman. Mabait naman siya. Maldita nga lang."
Tumawa naman siya ng mahina dahil sa sinabi ko. Kaya napatawa na din ako.
"Yeah. Ganun nga siya. By the way. May victory party sa bahay sa isang araw. You should come para mameet mo na din ang mga relatives ko."
Napatango naman ako sakanya at nagsimula nang kumain. Gutom nga kasi ako diba?
Tahimik lang naman kami habang naain. Ayaw kasi ni Kyle ng naguusap kapag may pagkain sa harapan. God's grace daw kasi yan at kailangang igalang. Tama nga naman.
After naming kumain ay nagstroll na lang kami ng konti sa mall. Maaga pa naman kaya may time pa kami.
"Actually tatlo kaming magkakapatid."
Napatingin naman ako ng bigla sakanya at napangiti ng mapait. So all this time girlfriend niya lang ako pero wala pa talaga akong masyadong alam tungkol sakanya.
"Panganay si Ate Klea, pangalawa ako at bunso si Kyla."
Pagpapatuloy niya ng kwento niya. Ako naman. Syempre nakikinig lang.
"Si Ate Klea sa Canada din nakabase pero umuwi siya dito dahil ikakasal na siya next month. Si Kyla naman kasama ni Ate dun."
"E bakit nandito ka?"
"Kailangan ni Mommy ng makakasama dahil on tour palagi si Dad sa buong Asia. Minsan sa buong mundo kaya I need to stay here."
"Ano bang trabaho ng Mom and Dad mo?"
Napatingin naman siya sakin na parang hindi siya makapaniwala. Oo na. Gets ko. Ako na ang girlfriend na walang alam tungkol sakanya. Tch
"Si Dad businessman. Si Mommy naman doctor."
Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa kusa na kaming napagod at inihatid na niya ako sa bahay. Sakto naman na nandun sina Papa at mga pinsan ko. Nagkakainuman sa hindi malamang dahilan.
Kilala naman nina Papa si Kyle dahil naipakilala ko na siya dati. And as usual inaya nila siya na mag inom. Ayako sanang pumayag pero nahihiya daw si Kyle na tumanggi kay Papa kaya pumayag na siya.
"Papa wag mong lalasingin yan ha. Magdadrive pa yan."
Tumango naman si Papa at pumasok na ako sa loob para magpalit ng damit. Hindi na kasi ako komportable sa dress ko. Bumaba na lang ako ulit ang nagstay sa sala habang nanonood ng TV.
Mga maghahating gabi na non nung naisipan kong lumabas dahil papauwiin ko na si Kyle.
"Hoy Papa. Tama na yan."
Lumingon naman sakin si Papa at tumayo.
"O pano Kyle. Uuna na ako ha. Hayaan mo nang si Aira na ang magayos nan."
Sabi ni papa at gegewang gewang na pumasok sa loob. Tinulungab muna ako ni Kyl na magpasok ng mga pinaginuman nila.
Azuuur. Eto ang ayaw ko sa lahat e. Buti sana kung ako ang nagpainom or naginom dito. Pero hindi e. Kaya bakit ako ang naglilinis nito? Haays.
"Kaya mo pa ba magdrive?"
Tanong ko kay Kyle pagkalabas namin. Para kasing anytime matutumba na siya sa sobrang kalasingan. Si Papa naman kasi e. Pasaway.
"I can. Trust me."
"Yaya. Trust you. Dito ka na lang matulog. Im sure Papa wouldnt mind. In fact siya naman may kasalanan nito."
Tumawa naman siya ng mahina at kinurot ang ilong ko. Namumula na siya at sigurado talaga ako na lasing na to.
"Im fine. I can manage. Sige na matulog ka na."
"Sabi mo yan ha. Ingat ka sa pagdadrive."
"Opo magiingat ako promise. Goodnight."
"Goodnight!"
Huling sigaw ko at umalis na siya ng tuloy.
The next morning. All I knew is he broke his promise.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with Kyle Evans~
De TodoMy love for him is like a circle. It has no edges nor end. Well. I guess?