17

1.6K 93 239
                                    

B E A's




" Babe okay ka lang ba, huwag kana muna kayang pumasok? " tanong ko sa asawa ko mabilis naman syang umiling







" Okay lang ako masakit lang ang ulo ko saka uminom na ako ng gamot " sagot nya at humigop ng kape





" Paano hindi sasakit yung ulo mo kung hindi ka naman natutulog ng maayos " sagot ko napabuntong hininga naman sya





" Huwag mo ako pansinin okay lang ako " sagot nya at nilagay sa sink ang mga nagamit namin





" Jhoana! hanggang kelan ka magiging ganyan? oo nawala tayo ng anak pero may asawa ka pa nandito pa ako para sayo " pasigaw na sabi ko agad naman syang napaluha





" Jho naman nandito ako para sayo, nandito ako nagmamahal sayo isipin mo naman na minsan kailangan din kita, bukod sa pagiging ina sa anak natin baka pwede ring maging asawa ka " malungkot na sagot ko hindi sya umimik





" Hindi naman pwede na sa ating dalawa ako lang itong malakas, pwede ba minsan maging malakas karin para sa atin. Jho kailangan kita " pakiusap ko at lumapit sa kanya upang yakapin sya ng biglang tumunog ang doorbell namin





" Baka nandyan na ang mga kaibigan mo para dalawin ka " sagot ko at pinunasan ang luha nya bago ako dumiretyo sa pintuan





" S...Sino ka? A..Anong ginagawa mo dito? " takang tanong ko





" Ikaw si Isabel Beatriz De Leon diba? " tanong nya tumango naman ako







" Kung ganun nasa tamang bahay ako at hindi ako naligaw " sagot nya at ngumiti






" Pwede ba akong pumasok? " tanong nya umiling naman ako






" Hindi ako masamang tao kung yun ang kinakatakot mo, eto ang i.d. ko kunin mo " sagot nya pero umiling ako





" Hindi na kailangan, mukhang may importante kang sasabihin at pinuntahan mo pa ang pamamahay ko. " sagot ko tumawa naman sya ng mahina





" Ka-ugali ka nga nya " bulong nya pero hindi ko naintindihan





" Sino yang bisita mo babe? " tanong ni Jho






" Hindi ko kilala babe bigla lang nyang hinanap tong bahay natin, sana lang di to masamang tao kundi mapapatay ko to " sagot ko natawa naman sya at umiling






" Nandito ako para magpasalamat " sagot nya nagkatinginan naman kaming mag-asawa






" Magpasalamat? saan? Anong nagawa naming kabutihan sayo ni hindi ka nga namin kilala " sagot ng asawa ko na syang ikinatango ko





" Hindi nyo ako kilala pero kilala ko kayo at ng anak nyo " sagot nya napatigil naman ang asawa ko





" K..Kilala mo si JB a..alam mo kung nasaan ang anak ko? " tanong ni Jho hinigpitan ko lang ang hawak sa kamay nya






She's My HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon