J A D E's
I rolled my eyes when I saw my un-expected annoying visitor.
Akala mo talaga sya ang may-ari ng company.
" Sorry boss ayaw nyang magpaawat. " paliwanag ni Cath natawa nalang ako ng mahina at nailing
Kulit talaga
" Hey babe its alright bakit kailangan ko pa bang magpa-appointment kung nais kong makita at makausap ang kapatid ko? " tanong ni kuya JD
" Okay, its okay Cath magwawala lang tong jowa mo kung pinigilan mo nakakahiya yun hehe " sagot ko natawa naman sya
" Iiwan ko muna kayo boss maybe you need guys a time alone. " Cath excused herself and waved I sighed and looked at my annoying brother
" What do you want or what do you need. " I said he just chuckled
" Yun ba lagi ang tingin mo sib kapag dumadalaw ako ng office mo? " tanong nya tumawa naman ako ng peke
" Bakit hindi ba KUYA? saka ka lang lumalapit kapag may kailangan ka o kapag bored ka " sagot ko lalo naman syang natawa
" Uy di naman seryoso nga kasi ako. Jade seryosohin mo naman ako. " sagot nya inikutan ko lang sya ng mata
" Fine kahit nakakagigil ka at sinasayang mo oras ko para magtrabaho dalian mo lang " sagot ko tumango naman sya at umayos ng upo
" Bakit wala kang ginawa kay JB? " seryosong tanong nya
" Huwag tayong makialam kuya, nasa tamang edad na si bunso saka nandyan na yung pamangkin natin. " sagot ko sa kanya mabilis naman syang umiling
" Alam mo ba sasabog ako sa galit sa kanya, sasaktan ko talaga yun kaso lalaki ako at hindi ko sya pwedeng patulan kaya ikaw dapat nambugbog sa lokong yun! pero hinayaan mo lang sya " galit na sagot nya napabuntong-hininga naman ako
" Kuya how many times did we talk about it, hindi ka parin makamove on? okay sabihin na nating binugbog natin sya does will change anything? hindi naman diba? nangyari na ang nangyari nandyan na yan may pamangkin kana nga ulit eh. Can't we just let Fam to decide what's good for her and her daughter? huwag na sana tayong dumagdag sa iisipin nya. " paliwanag ko napabuntong-hininga naman sya
" Ah basta galit parin ako kay JB kahit pa pinakamayamang tao pa sya hindi ako natatakot, hindi nya dapat pinagsamantalahan si bunso gagong yun pinagkatiwalaan ko pa naman sya. Masakit sa akin yung ginawa nya bilang kuya nyo lalo na at hindi ko naipagtanggol si bunso. Teka kelan pala ikakasal si Fam? ang tagal na nung engagement nila. " tanong nya sa akin
" Gusto mo ba si Dra. Jimenez para sa kanya? " seryosong tanong ko
" Well yeah kilala naman sya ng family natin boto nga sila mommy at dada doon. Okay naman sya diba? nirerespeto, inaalagaan at minamahal nya ang kapatid natin " tanong nya pabalik
" Mhmh okay naman pero paano kung hindi masaya si bunso sa kanya? Anong gagawin mo? " tanong ko kumunot ang noo nya
" Ha? ang labo naman ata nun fiancé nya yun pero hindi masaya? eh kanino sya masaya kay JB? " tanong nya ulit
" Ewan ko hindi naman ako si bunso pero paano kung masaya nga sya kay JB? tatanggapin mo ba sya kahit nanggigigil ka sa galit? " tanong ko sandali lang naman syang nag-isip
BINABASA MO ANG
She's My Home
FanficThey say things happen for a reason, so if that's the case there's a reason why I fall inlove with you? but falling inlove with you means taking a risk. Are you worth the risk? -Jona Beatriz Maraguinot De Leon They say love knows no gender, no dist...