H.S.: Simula.
A/N: Salamat sa pagsama sakin sa unang hakbang na ito, sunbeams! Sana all of you will still be with me until I reach the end of my destination. I love you all from the deep of my puso!
And, I might update slow, sunbeams. :< It's very hard to find signal in cebu right now because my place is veeery affected of bagyong odette. I hope y'all would understand^^ but I'll make sure every update is worth it!
ADDITIONAL A/N (2024): This story was published last 2022, when Cebu was striked by bagyong odette. I won't remove the author's notes in this and the next chapters because it feels so nostalgic to read it. :< Hope you'll like this story, sunbeams!
☀️
______________________________________________
Nasa bahay kami ngayon, naghahanda para sa pasko.
Simple lang ang handa namin. May buko pandan, leche flan, mango float, may fruit cake, hamon de bola, at iba pa.
Malapit na mag 12 kaya naghahanda na kami para sa araw ng pagsilang ni Jesus. Ako 'yung naghahanda sa mesa, at 'yung dalawang bunsong lalaki na mga kapatid ko ay nakatanaw lang sa'min. Si mama naman, pineprepara yung ibang handa habang si tatay naman ay nagbabantay sa lechon belly na niluluto niya ngayon dahil malapit na itong maluto, siguro 5 minutes nalang daw.
Hindi ko alam kung bakit pero habang nakatingin ako sa mga kapatid kong masayang naglalaro, sa nanay kong nagluluto ng nakangiti pati narin sa tatay ko, nasasaktan ako sa kabila 'non.
Bakit? Dapat magsaya ngayon dahil ngayon ang birthday ni Jesus pero heto ako't laging natutulala.
Ang sakit lang para sakin kasi... gusto kong i-congratulate ang sarili ko dahil nalampasan ko ang taong ito despite sa lahat ng nangyari ay matatag parin ako.
"Wala ba kayong gusto para ngayong pasko maliban sa kumpleto tayo, mga anak?" Naka-ngiting tanong ni Mama samin.
"Racing car!"
"Drum set, Mama!"
Umiling lang ako at tipid na ngumiti kay mama.
Ang dami kong gusto, Mama, pero ayokong umasa nanaman sa mga salita mo. Nakakasawa ng umasa ma... at ako nama'y dakilang uto-uto, nagpapaasa din.
Si Mama kasi, siya 'yung tipo ng tao na 'di marunong tumupad sa mga salita niya. Hanggang salita lang nga siya? Ganoon si Mama. Pero sakin lang naman siya ganyan... Tuwing birthday ko nga, 'di niya ako binibigyan ng regalo o kahit man lang handaan. I mean, umooffer siya sakin na maghanda sa birthday ko pero ako yung umaayaw, kasi gusto kong pilitin ako ni Mama. Ako naman kasi talaga 'yung gago kaya ok lang. Halos anim na taon na akong hindi naghahanda para sa birthday ko simula 'nung nag-10 years old ako. Kapag naman tinatanong si Mama kung bakit hindi niya ako hinahandaan, sinasagot niya naman lagi, "nagiging mature itong anak ko! ayaw ng magpahanda, haha! siguro dahil sa pagdadalaga ito."
YOU ARE READING
His Shadow (ON-GOING)
RomanceWARNING: Super slow update. Prim and proper model, Courtney Alcazar, has been independent half her life. But then, he suddenly came out of the picture and things seem to be out of... hand. "Why are you always following me, Ms. Alcazar? You're my cli...