H.S.: Kabanata 3.
Enjoy reading, sunbeams. Welcome back to dreamland :)
☀️
_______________________________________________________We spent another 2 hours in the mall before heading home. Doon na kami kumain ng hapunan at umuwi nadin agad pagkatapos. It's still 6:02 but we need to leave early since medyo malayo pa si Aleethia from here.
"Bye, Courtney. Grad's on Monday; be there, okay?"
Tumawa ako bago kumaway sakanya. She gave me a flying kiss bago siya umalis sa harapan ko para makapag-abang ng masasakyan. I already told her that I'll take her home but she refused. 'Di pa ata 'to uuwi, mukhang kikitain pa niya 'yung jowa niya.
Sana all may jowa.
I headed my way to the parking area and immediately went in my car the moment I opened it. I checked my phone to see if may calls ba si Manager Ry or si Connie because usually at this time, tinatawagan na nila ako.
And I was right.
Calling... Connie.
📞 - 🟢
📞 - 🔴"Yes, Connie? May problema ba?"
Connie is my secretary. She's actually the one that's managing all branches of my café.
"Hello! I just want to inform you na today ang start ng maternity leave ni Chesca and nakahanap na po ako ng papalit sakanya for the mean time."
I nodded kahit 'di niya ako nakikita. "Okay, good. Kumusta naman daw si Chesca at ang baby?"
"Maayos naman. Babae nga raw po ang ipinagbubuntis niya! At tsaka, doon ko po muna siya pinatuloy sa condo ko since wala siyang kasama sa tinutuluyan niya. Delikado na at baka biglang mag-labor si Chesca tapos magisa lang siya doon, walang makakatulong sakanya."
Malapit sa isa't isa si Connie at Chesca. Both of them are working on the same branch kaya lagi silang magkasama. Though hindi nananatili palagi si Connie sa branch na 'yon since siya din ang nagmamanage sa halos lahat ng branches ko kaya kung saan-saan din siya napapadpad.
Napangiti ako pero agad nawala ang ngiti ko at biglang nanlaki ang mata ko ng may maalala. "Connie!"
"Po?"
"Did I already send the money to your bank account?" I asked.
"Oo. Kahapon po." She said and sighed, relieved. "Kaloka ka, te! Akala ko may masamang nangyari o may masamang balita!"
Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "Sira. I just asked to be sure since nawala sa mind ko kung nasend ko na ba or hindi."
"Naku, Courtney. Nagpapahinga po ba kayo ng maayos dyan? O baka pinapahirapan ka ni tito Ry?"
Manager Ry is Connie's uncle. Kaya ko nakilala si Connie ay dahil kay Manager Ry. Malapit kasi si Connie sa tito niya kaya 'nung parang kinupkop ako ni Manager Ry, napalapit narin kami sa isa't isa at kinuha ko siya bilang secretary ko. Doon siya naka assign sa main branch namin dito sa Pasay, malapit lang sa mall of asia. She keeps in touch with the managers of the other branches of our café kapag wala ako.
I chuckled. "Hindi naman. Mabilis lang akong hinihiram ni Manager Ry. 1 hour or more lang siguro kaya okay pa ako. Baka dahil tumatanda na ako."
She laughed with what I said. "Naku. Kahit siguro 60 kana, mukha ka paring teenager sa sobrang ganda mo."
YOU ARE READING
His Shadow (ON-GOING)
RomanceWARNING: Super slow update. Prim and proper model, Courtney Alcazar, has been independent half her life. But then, he suddenly came out of the picture and things seem to be out of... hand. "Why are you always following me, Ms. Alcazar? You're my cli...