Kabanata 6

2 0 0
                                    

H.S.: Kabanata 6.

A/N: I just want to dedicate this chapter sa mga nagtatyaga magbasa sa story ko :-*

Grabe ngayon lang ako nakapag-update, naaliw ako magbasa stories tapos dami ring tinatapos schoolworks HAHAHA. Enjoooy.

☀️
_______________________________________________________

"The best talaga mango float mo, Court!"

Kanina pa tili ng tili si Aleethia dito kasi ang sarap sarap daw ng gawa ko. Para namang may ginamit akong special ingredient, eh, 'yun naman talaga 'yung mga hinahalo sa mango float?! Ano, kakaiba lasa ng sprinkles?!

Napailing nalang ako at natatawang tiningnan ang nakapikit ng si Aleethia na parang dinadama ang bawat pagnguya.

Ang OA.

"Ganyan ba talaga kasarap, Thia? 'Di naman ganyan reaction ko kanina, ah?!" Tanong ni Connie na nakakunot ang noo.

Napatango agad si Aleethia at kahit na ngumunguya pa siya, sinagot niya agad ang tanong. "Bata pa kami ni Courtney, favorite ko na talaga mango float niya!"

"Ganern ba? Para ka kasing pinagbawalan kumain ng mango float for years sa reaction mong 'yan." Natatawang ani ni Connie. Sumimangot lang si Aleethia at mas nilantakan pa ang mango float.

Napailing nalang ako at tumabi ng upo kay Chesca na natutulog dito sa sofa. Aalis na nga sana kami kaso nakatulog bigla si Chesca, nakakahiya naman sa mga hilik niya kung gigisingin pa namin siya. Kaya ayon, mamaya nalang daw pagkagising ni Chesca kami aalis. Kinain narin muna ni Aleethia and mango float niya habang hinihintay magising ang buntis namin.

"Huy, mga 'te. May chika ako!" Sabi ni Aleethia habang ngumunguya. Napangiwi ako.

"Don't talk when your mouth is full." Kontra ko.

Sumimangot siya sa'kin dahil don. "Anong full, eh kalahati lang naman laman ng bibig ko ngayon, ah?" 

Napailing nalang ako 'nung tumawa si Connie. "Sign na 'yan 'te na mag shut up nalang tayong two. Gutom na tayo sa chismis kaya umokra kana, Thia."

"Oh, ito na nga!" She said and swallowed the remaining bit of food in her mouth before talking. 

"Ganito kasi, may friend ako sa facebook. Kakamatay lang ng tita niya and she posted a selfie of her and her tita inside the casket. Wait, I need to breathe." Huminga siya ng malalim at umakto pa na parang may luhang lumabas sa mga mata niya sa pagpunas niya kuno. 

"Girls, her caption is killing me!" Sabi nito, parang naiiyak na kaya kumunot ang noo namin ni Connie.

"Ano?" Sabay sabay pa naming sinabi.

Binuksan niya ang phone niya at pinakita ang post na sinasabi niya at nanlaki ang mga mata namin ni Connie dahil don. 

"Sa sobrang daming lalaki, tita, kay Lord ka pa talaga sumama xD"

Napanganga kami ni Connie sa nabasa at bigla nalang napatawa ng malakas si Connie habang hawak-hawak ang tiyan niya. 

Ako, hindi ko alam kung ano i-re-react ko. I'm sad because of her late tita but I also want to laugh because of the caption but I don't want to laugh too! 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Shadow (ON-GOING)Where stories live. Discover now