H.S.: Kabanata 5.
A/N: Hello! Thanks for the reads and votes! Ilyasm <3 Enjoy reading, sunbeams!
P.s. If may makita kayong typos or what, sorry agad T_T lutang ako while writing this hahaha and sorry for the very slow updates. :< Nakalimutan ko ding may sinusulat akong story at para na akong tanga kakahintay ng update nito kahit na ako naman talaga ang author HAHAHA
☀️
_______________________________________________________"Ako na mag-slice ng manga since ikaw naman mas magaling gumawa ng mango float sating tatlo."
I laughed dahil reklamo ng reklamo si Connie kasi ayaw daw ni Chesca sa way ng pag-mix ni Connie. Na-badtrip saglit si Connie but she stopped herself because she remembered the woman is pregnant kaya inaasar ko siya at tinatawanan lagi.
"Oo na, ako na. Bumili kaba ng Krema-Asada? 'Yung alaska. Mas masarap pag 'yon." Ang Krema-Asada kasi ay mixture ng condensed milk and cream. Tamang tamis lang since matabang 'yung cream kapag cream alone and matamis 'yung condensed milk pag 'yun lang alone. Ayoko rin mag tantsa-tansta sa paglagay ng cream at condensed kaya mas prefer ko itong naka mix na.
"Yup. Nabili ko. Bumili din ako ng plastic container for the finished product ng mango float." Tumawa pa siya pagkatapos, bruha talaga. Ano nakakatawa don?
Umiling nalang ako. Nilagay ko muna sa freezer 'yung two cans of Krema-Asada para malamig-lamig narin siya pagbuhos. Habang naghihintay ako lumamig ng konti 'yung Krema-Asada, tinulungan ko na si Connie maghiwa ng manga. Isang kilo din 'to and sobrang tamis pa.
Galing talaga pumili nitong si Connie.
"Ay, nga pala, Connie. Pwede lang ba papuntahin ko si Aleethia dito? Tignan ko lang kung free ba siya and if free nga siya, mag-mall tayo! Bilhan natin ng mga damit si baby." I said.
Sumubo muna ng manga si Connie bago tumango. "Sure! Pupunta din naman ako ulit mamaya kasi nakalimutan kong dumaan sa watsons kanina. Bibili ako ng bagong lip balm at face mask."
Tumango ako sakanya at sumubo nadin ng manga before I washed my hands on the sink so I can call Aleethia already.
In just three rings, Alee already picked up the phone.
"Court! Oh, himila naman at napatawag ka?! Early na early!" Sabi nito sabay hagikhik.
I rolled my eyes even though she can't see me. "Are you free? Like, today?"
"Uh, yes. Why? Medyo weird na tinatanong mo 'ko niyan ngayon, ha?! Usually naman, ako 'yung nagaaya! Sino may birthday?!" Gaga.
"Hayop ka. Punta tayo dito sa condo ni Connie! Gumagawa kami mango float, nag-crave 'yung buntis. And, we're going to the mall later at 1. We're buying clothes for the baby!" I said excitingly.
So this it what it feels like to have a baby coming around, huh? What more kung lalabas na? She would be so cute like her mommy!
"Hala gagi oo nga pala. Ano pala baby ni Chesca?"
"Her baby is human, syempre. Alangan namang hind--" Before I could even continue what I was about to say, binabaan na ako ni Alee.
'Di 'yun galit o naiinis. Alam kong alam niyang wala na siyang makukuhang matinong sagot galing sakin once nakapagsimula na akong magbiro kaya binabaan na niya lang ako. Sigurado ako, humahalakhak na 'yung bruha ngayon habang nagbibihis.
Umiling nalang ako at bumalik sa kitchen counter para mag-continue na sa ginagawa namin.
"Oh, ano. Kumusta naman? Pupunta daw ba?" Sabi ni Connie habang naghihiwa parin ng manga. Mukhang malapit na siyang matapos, ah. 'Di na niya ata kailangan ng tulong ko kaya I went to the freezer to get the milk mixture. I'm sure it's cold na.
YOU ARE READING
His Shadow (ON-GOING)
RomanceWARNING: Super slow update. Prim and proper model, Courtney Alcazar, has been independent half her life. But then, he suddenly came out of the picture and things seem to be out of... hand. "Why are you always following me, Ms. Alcazar? You're my cli...