"Okay, class. Today, ngayong araw, ang lesson natin for today, ay ang kasunod ng lesson natin kahapon."
Tangina naman nito ni Ms. Prekprek. Aga aga kung anu-ano nga pinagkakakana.
Si Ms. Prekprek, ang aming English teacher na walang ginawa kundi hampasin hampasin kami ng kanyang pamaypay. Oo, Prekprek. Short for Precious Prikasya. Wag na wag mong balaking i-mispronounce, kundi... ah eh... iba na yon. Hihihi.
"Sino na dito ang nakabasa na ng pinapabasa ko?"
Putangina.
Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko gamit yung cute kong full bangs. Di ko pa nababasa yung libro. Diyos ko po tulungan mo ko-
"Janna," Shet. Lord, why me? Why now? put-
"I like your bangs." angina.
May tinawag na ibang studyante si Ms. Prekprek matapos na purihin yung bangs ko.
At habang sinusuklay ko naman ang bangs ko na "like" daw ni Ms. Prekprek, biglang may nag landing na paper plane sa table ko. Tumingin tingin muna ko sa classroom, bago ko buksan.
"14344."
Agad agad akong lumingon lingon para makita kung kanino galing yung papel, o kaya kahit mukhang suspect lang. Marami namang mukhang suspect dito- Pero wala, lahat sila pinapanuod si Ms. Prekprek na hampas hampasin si classmate na tulog.
Putangina. Sino ka ba ha? Bat mo ginugulo mundo ko? Bat ayaw mo magpakilala? Tatanggapin naman kita-
Pero, puta, sino ka ba?
Hanggang sa pag dating ko sa table namin, gulong gulo parin yung isip ko.
Ibig sabihin kung sino man si 14344, nasa English class ko siya. Napaisip naman ako at napalingon lingon.
Una kong nakita, si Jinhwan. Siya yung nakaupo sa likod ko pag English! Oo, baka siya nga!
........ Kaso nakipag palitan pala siya sa isa naming kaklase bago dumating si Ms. Prekprek. Okay, erase erase. Malaking ekis kay Jinhwan.
Si Bobby kaya?
Bigla ko naman naisip yung mga papel na hawak hawak niya nung umaga. Kasing kulay nung paper plane...
Baka nga siya!!
Ay... kaso... hindi ko pala siya kaklase sa English. Ekis kay Bobby.
Napatingin naman ako kay Namjoon..... hindi, hindi yan. Next please.
"Hoy, Janna!" Tangina naman nito ni Nicky. Kitang nags-site seeing ako eh- "Kanina ka pa mukhang may iniisip ah. Nako, masama yan."
"Yung laging may iniisip?"
"Yung ikaw nag-iisip. Di ako sanay."
"Ulol."
"Pero, joke joke lang." Sabay pag kurot niya sa pisngi ko. "Napansin ko kasi kanina nung English na parang ang lalim lalim ng iniisip mo."
PUTANGINA.
KAKLASE KO NGA PALA SI NICKY!!!
"Nicky," Panimula ko. "Nung English, may nakita ka bang nambato sakin ng paper plane?"
"Hmmm." Kumagat muna siya sa sandwich niya bago sumagot, "Well, nung umaga nag babatuhan sila Jimin ng paper planes bago dumating si Ms. Prekprek."
"NASA ENGLISH CLASS NATIN SI JIMIN???"
"Ano ba yan, Janna. Diba nga pinalo ni Ms. Prekprek kanina kasi tulog?"
Si Jimin si classmate na tulog...
Nasa English class ko si Jimin...
Si Jimin...
Napatingin ako sa table nila, kung saan nagtatawanan si Jimin at yung mga kabarkada niya.
Tumingin muna ko kay Nicky na mukhang sarap na sarap sa sandwich niya, bago tuluyang tumayo.
Eto na talaga. Gagawin ko na yung sinabi ni Papa JHope. Tatanungin ko lang naman, ano pwedeng mangyaring masama diba?
Malapit na sana akong makarating sa table nila Jimin, nang biglang may bumungo sakin.
"AY PUTANGINA MO-"
"S-Sorry po, miss..." Sabi naman ni kuyang nakabunggo sakin.
Napansin kong parang nahihiya siya, and parang ngayon ko lang rin siya nakita sa school. Naka salamin siya at nakababa yung buhok. Naka-tuck in yung polo niya at maayos yung pagka fold nung sleeves. Napatingin naman ako sa pangalan niya na nakasulat sa mga libro niya. Ayun.
Siya si Jin.
"De, okay lang." Dun ko lang napansin na nahulog pala yung mga dala niya. Syempre, ako, tinulungan ko naman siya.
"Bago ka lang dito, Jin?"
"Uhm- uh... o-opo..." Natawa naman ako sa reaksyon niya. Parang siya talaga yung tipong nerd na bago lang sa school at takot na takot.
"Ano ka ba, ba't ka nagp-po?"
Kinuha ko yung ID niya na kasama sa mga nahulog, at dun ako napatigil.
"S-Seokjin?"
At nung tumingin siya sakin pabalik, doon ko narealize. Siya nga.
"Janna?"
---------
sino si seokjin ahmm.
chorus x bridge woop.