Chapter 4.

120 14 2
                                    

"Janna?"

Totoo ba 'to?

Totoo bang nasa harap ko si Kim Seokjin?

Hindi 'to maaari....

Putangina....

NAHANAP NIYA KO!!!

"JANNA MY ONE AND ONLY BHABIEE KO!!!"

"PUTANGINA MO. LUBAYAN MO NA KO!!!"

Hindi ko alam kung ilang tao yung nabangga ko, basta alam ko na nag kita na naman ang landas namin nung hinayupak na Kim Seokjin na yon.

Si Kim Seokjin ay isa sa mga kababata kong kala ko naiwanan ko na ng lubusan. Eh paano naman kasi, buntot nang buntot. Kung nasaan ako, doon din siya. Kung ano club ko, doon din siya. Kaya nga nung minsan nag dance club ako para tigilan niya na ko, pero puta, maling mali. Nag dance club rin siya. Maling mali talaga.

Nanatili akong nakatayo lang sa gilid ng hagdanan, hoping na hindi ako mahanap ni Seokjin ngayong araw. Or sa buong school year huhuhu. Pero medyo namiss ko rin naman siya. Galante kasi ay-

"JANNA MY ONE AND ONLY BHABIEE, WHERE KA NA BA? HUHUHUHU."

Putangina. Wag kang pupunta dito wag kang pupunta dito wag kang pupunta dito wag kang pup-

"JANNA!!!"

"PUTANGINA."

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang maka-abot ako sa hallway ng lower year. Hindi ko na naririnig na sumisigaw si Seokjin kaya lumingon ako. Pero wrong move. Puta mukhang kakainin ako nito. Lord, please hel-

PAK.

"ARAY KO JUSKO PO."

"S-sorry po..."

Putangina ilan na ba nabubunggo ko ngayong araw-

Salamat naman sa Diyos at hindi ko siya kilala. Baka kasi, you know, manliligaw ko na naman dati-

Tinitigan ko siyang mabuti, at ang una kong napansin sa kanya ay ang kanyang palda. Di gaya ng ibang babae dito sa school na malalanding hinayupak na putan- hindi gaya nila, umaabot yung palda niya sa ilalim ng tuhod, at yung blouse niya parang masyadong malaki para sa built niya.

At yung buhok niya. Infairness, anong shampoo gamit nito? Parang F4 na pinaghalo halo. Bet.

"Okay ka lang, ate?" tanong ko sa kanya.

"O-Okay lang po..." Tumingin naman siya ng kaunti sa akin at ngumiti. Wow shet, dimples.

"Ano nga pala pangalan mo?" Binigay ko naman yung mga libro niyang nahulog.

"Uhm... R-Rosal-"

"JANNA MY ONE AND ONLY BHABIEE!!!"

"PUTANGINA IKAW NA NAMAN."

Matapos ang ilang minutong pagt-try kong tumakas kay Kim Seokjin ay pareho na kaming napagod at naisipang bumili ng juice sa canteen na parang hindi kami nag habulan kani-kanina lang.

"Oh, kamusta ka, Seokjin?"

"Ano ka ba, bhabiee, Jin nalang." Jin amputa. Gangster na ba 'to.

"Palit palit ka pa ng pangalan, eh ganyan parin naman itsura mo."

"Eh baka kasi hindi mo na ko magustuhan pag iniba ko itsura ko, bhabiee. Hihihihi."

Tangina nito.

"Tangina mo."

Dumadaldal si Seokjin tungkol sa mga nangyari sa dati naming school, nang makita ko si Jimin. Hindi ko na naman siya nalapitan, at di ko parin alam kung siya nga ba talaga si 14344.

Siguro nga ba na kaya laging may hadlang pag lalapitan ko na siya, ay dahil sine-save ako ni Lord sa kahihiyan? Or hindi lang time para malaman ko?

Kelan ang time, Lord?

KELAN?

"Huy, bhabiee. Time na."

Time na?

TIME NA AGAD, LORD?

"Ha? Ano? Anong time na? Time na para saan, Seokjin?"

"Nagd-drugs ka ba? Bell na, ulupong."

Ay.

Papunta na dapat kami sa classroom namin, nang biglang may humatak sa kamay ko.

"Aray ko! Puta naman, Nicky!!" Infairness, ang lakas niya ha-

"Dalian mo na, te! May papakita ko sayo!"

Agad agad niya naman akong dinala sa roofdeck kung saan nagkukumpulan lahat ng tao. Narinig ko naman sa isa na may maga-aminan daw.

Putangina, ito na namang aminan na yan. Hindi pa ba sila natuto last year nung-

"Si Sir Principal!!" Ayun.

At agad agad nag takbuhan ang lahat. Nabitawan ko si Nicky at agad agad siyang nawala sa paningin ko. Pati si Jin di ko na mahanap. Putangina nasaan na ba mga kaibigan ko kung kelan gusto ko sila makita-

PAK.

PUTANGINA PANGATLO NA HA PANGATLO NA-

"ARAY KO NAMAN, KOIA!!! TUMINGIN KA KASI SA-" Jimin. Jimin.

Jimin.

Jimin.

Jimin. Jimin.

"Sorry..... Janna." At ngumiti siya sa 'kin.

At yun na ang huling beses na nakita akong buhay ng mga kaibigan ko.

Okay. Siguro 50/50.

"O-Okay lang..."

Kukunin ko na sana ang chance na 'yon para kausapin siya, kaso agad agad siyang tumayo at nawala sa maraming taong nag sisiksikan papunta sa kani-kanilang klase.

Tumayo na rin ako pag katapos ng ilang segundo, at doon ko nakita ay isang blue na beeper na nakalapag kung saan bumagsak si Jimin.

Agad agad ko itong kinuha. Hindi ko alam kung titignan ko ba or- Nakabukas na.

Nakatayo lang ako doon na parang baliw. Naririnig ko na si Sir Principal na sumisigaw at tinatanong kung bakit wala pa ko sa klase. Pero parang may nakabara sa tenga ko at hindi ako mapakali.

Binagsak ko ang beeper at agad agad nag lakad palayo.

Wala na kong pakielam sayo, Sir Principal.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Kailangan kong matawagan ang operator, at malaman kung kanino dapat ib-beep ni Jimin ang 14344.

----------
Si Jimin nga ba si 14344? hekh0k.

14344.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon