Bagong chapter 2 kasi cute.
------------------Hindi ko na alam kung ano talaga gagawin ko. Putangina. Jimin my loves, ito na ba talaga?
Nakatitig lang ako sa kanya mula sa table namin. Hindi ko na alam kung totoo ba 'tong mga nangyayari? Siya ba talaga yung sweet at napakapoging nag telegram sakin?
Hindi na malanding putangina kasi, well, si Jimin pala yun. Ehehehehe. Pero hindi ko pa alam. And hindi ko alam kung balak ko pa bang malaman.
Natatakot ako mag-assume, pero hindi ko naman mapigilan eh. Paano kung si Jimin my loves nga? Paano kung eto na ang Golden Age ng love life ko? Papakawalan ko pa ba?
"Lalim ata ng iniisip mo, kalbo."
"Hoy, excuse me, Nicky. Mushroom ang tawag sa hairstyle ko." Sinearch ko pa talaga yon. "Paano kasi yung iyo parang yung sa walis tingting. Uy, bagay na bagay."
Bago kami mag sabunutan nung kawayan, bigla namang humagulgol si Namjoon.
"Hoy, Badjao," Sabay hampas ni Taehyung. "Iniiyak iyak mo dyan? Para kang kinakatay."
"Si babe ko kasi eh!! Nagalit ata sakin. Ajujujuju." Panay pindot naman nung isa sa beeper niya.
"Eh kung bitawan mo kaya yang beeper mo at puntahan mo nang makausap mo ng personal?" Uyyy may tama si tingting.
"Eh kasi ano eh.... Hehehehe.... Hindi.... Hindi ko pa siya nakikita ng personal... Heheehe.."
"TANGINA BADJAO LAKAS MO"
"KAYA PALA PINATULAN KA"
"HIHINTAYIN KO ANG ARAW NA MAGULAT SIYA SA NAPAKA HABA MONG-"
"Napaka haba kong ano, Nicky?" Biglang hirit ni Badjao with matching pagtaas ng eyebrows.
"Napaka haba.... ng pasensya mo. Yieee."
Habang patuloy na humahagulgol si Namjoon, at patuloy na nagaaway ang mag syota dahil sa napaka habang.... pasensya ni Namjoon, napatingin na naman ako kay Jimin.
Nagpipipindot siya sa beeper niya at nakakunot pa yung noo. Cute cute naman talaga ng bebe ko-
Beep beep.
"Natanggap mo ba? Reply naman oh."
Tangina. Coincidence ba to o ito na talaga?
Napatingin ulit ako sa table nila Jimin, at nakakunot parin noo niya. Panay tingin rin siya sa beeper niya, parang may hinihintay.
Ako naman, hindi mapakali kasi hindi ko alam kung ano ba talaga dapat kong gawin.
Hanggang sa pag-uwi ko isip ako ng isip. Si Jimin ba talaga? Tatanungin ko ba siya? O hahayaan ko nalang na lumapit na siya?
Isa lang ang alam kong makakasagot nito.
Si Papa JHope.
Agad agad kong kinuha yung telephone at tumawag sa radio station.
Si Papa JHope lang naman ang pinaka magaling na mag advice. Mapa-lovelife man yan o problema sa Math, nandyan siya.
Pero minsan mali yung sagot niya sa Math. I know. I tried.
Tuwing important emergencies lang ako tumatawag sa kanya, isa na don ang Math, pero ito, mas importante to.
Lovelife ko to, uy. Once in a blue moon.
"Yo yo yo! Caller # 1!! What's up??"
"Hello po, Papa Jhope. May problema po kasi ako-"
"Sorry, pero pinag bawalan na kong mag bigay ng Math answers on-air, kasi first of all, laging mali. Dami raw bumagsak-"
"HINDI PO HINDI PO. Tungkol sa lovelife ko."
"AY NAKS IBA KA, ATE. OH ANO BA YAN? INIWAN KA? NILOKO KA? PINAGPALIT KA SA BESTFRIEND MO? OKAY LANG YAN, MAY KILALA KONG PWEDE MONG BAYARAN."
Tangina eh kung pinage-explain mo kaya ako-
"Ahh, hehehe hindi. Medyo simple lang naman to. Hehehehe." Minadali ko nang mag salita bago humarurot na naman yung bibig nito-
"May nag telegram sa akin ng 14344-"
"WOW MARE IBA KA"
"Tangina mo tumahimik kang hindot ka."
Joke.
"TAPOS, hindi ko alam kung kanino nanggaling. Pero nung isang araw, may narinig akong nag-uusap tungkol don. And gusto ko yung lalake, pero paano ko itatanong kung siya ba yon?"
"Secreeeet."
Tangina nito putangina ba to-
"Pero, mare, paalala lang. Malay mo coincidence lang. Oh, wag masyadong mag assume. Baka masaktan."
"Pero, malay mo rin siya nga yon. Ang tanong lang dyan, handa ka bang masaktan OR handa ka bang mag commit?"
"Desisyon mo rin yan, ate. Wala akong rights. Pero, kung ako ang tatanungin mo, lalapitan ko na siya para sure. Simple lang, tanungin mo, "Uy, crush, ikaw ba yung nag 14344 sa akin?" Pag sinabing hindi, edi hindi. Pag sinabing oo, edi pakasaya ka na, ate. Iba ka talaga!"
Napaisip naman ako sa sinabi ni Papa JHope. Kahit walang tigil yung pangengealam niya sa pag kwento ko, may point siya.
Ano naman masama kung tanungin ko si Jimin diba? Kung hindi siya, edi hindi. Medyo nag assume lang ako, pero at least hanggang doon nalang yon.
At doon ko na naisip.
Bukas na bukas.
Tatanungin ko na siya.
Jimin...
Ikaw na nga ba talaga?
